Limang Pagkakamali ng Prosperity Gospel

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Mahigit isandaang taon na ang nakakalipas, sinabi ni Charles Spurgeon sa harapan ng mga kabilang sa pinakamalaking Christian church noon,

Naniniwala ako na anti-Christian at hindi banal para sa sinumang Kristiyano na mamuhay na may layon na makaipon ng malaking kayamanan. Sasabihin mo, “Hindi ba natin dapat gawin ang lahat ng magagawa natin upang makuha ang lahat ng pera na pwede nating makuha?” Maaari mo itong gawin. Hindi ako mag-aalinlangan sa iyo, na sa paggawa nito, ay maaari kang maglingkod para sa layunin ng Diyos. Ngunit ang sinabi ko ay yung mamuhay na may layunin ng pag-iipon ng yaman ay anti-Christian.[1]

Gayunpaman, sa paglipas ng mga taon, ang mensahe na ipinangangaral sa ilan sa mga pinakamalaking simbahan sa buong mundo ay nagbago—sa katunayan, isang bagong gospel ang itinuturo sa maraming mga iglesia ngayon. Ang gospel na ito ay may iba’t ibang katawagan, tulad ng “name it and claim it” gospel, ang “blab it and grab it” gospel, ang “health and wealth” gospel, ang “prosperity gospel” at “positive confession theology.”

Anumang katawagan ang gamitin, ang nilalaman ng bagong gospel na ito ay iisa. Sa madaling salita, itinuturo ng self-centered na prosperity gospel na ito na nais ng Diyos na ang mga mananampalataya ay maging physically healthy, maging sagana sa materyal na bagay, at magtamo ng personal na kaligayahan. Pakinggan mo ang mga salita ni Robert Tilton, isa sa mga promineteng tagapagsalita para sa prosperity gospel: “Naniniwala ako na kalooban ng Diyos na ang lahat ay yumaman sapagkat nakikita ko ito sa Bible, hindi dahil nakita kong mabisa itong nangyari sa iba. Hindi nakatingin sa tao ang mga mata ko, ngunit sa Diyos na nagbibigay sa akin ng kapangyarihang makakuha ng yaman.”[2] Ang mga tagapagturo ng prosperity gospel ay hinihimok ang kanilang mga tagasunod na ipanalangin at igiit na humingi ng materyal na kaginhawaan mula sa Diyos.

LIMANG MALING KATURUAN NG PROSPERITY GOSPEL

Kamakailan lamang, ako at si Russell Woodbridge ay sumulat ng isang aklat na pinamagatang Health, Wealth, and Happiness upang suriin ang mga pahayag ng mga tagapagtanggol ng prosperity gospel.[3] Medyo mahaba yung book na yun para i-summarize dito, kaya sa article na ito ay nais kong suriin ang limang mga doktrinang tinalakay namin sa librong iyon—mga doktrina kung saan nagkamali ang mga nagtuturo ng prosperity gospel. Sa pamamagitan ng maingat na pagsusuri sa mga maling katuruang nakapaloob sa mga pangunahing doktrina nila, inaasahan kong malinaw ninyong makikita ang mga panganib ng prosperity gospel. Ang mga doktrinang tatalakayin ko ay may kinalaman sa Abrahamic covenant, sa atonement, sa pagbibigay, sa pananampalataya, at sa panalangin.

Error #1: Ang Abrahamic covenant ay isang paraan para magkaroon ka ng karapatang makakuha ng mga materyal na bagay.

Ang unang kamaliang kailangan nating isaalang-alang ay kung paanong ang properity gospel ay tinitingnan ang Abrahamic covenant bilang isang paraan sa pagkakamit ng materyal na bagay.

Ang Abrahamic covenant (Gen. 12, 15, 17, 22) ay isa sa mga theological basis ng prosperity gospel. Mabuting kilalanin ng mga prosperity theologians na ang karamihan sa Banal na Kasulatan ay ang nagsasalaysay ng katuparan ng Abrahamic covenant, ngunit mali ang hindi nila pagpapanatili ng isang wasto o orthodox na pananaw sa tipang ito. Hawak nila ang maling palagay sa pinagmulan ng tipan; at higit sa lahat, nagkakaroon sila ng maling pagtingin tungkol sa praktikal na paggamit ng tipan.

Pinakahusay ang nilahad ni Edward Pousson sa pananaw ang ebanghelyong kasaganaan sa pratikal na paggamit ng tipang Abrahamiko nang isinulat niya, “Ang mga Kristiyano ay mga espiritwal na anak ni Abraham at tagapagmana ng mga pagpapala ng pananampalataya. . . .Ang pamanang nakaugnay sa Abrahamic covenant ay pangunahing ipinapakita sa mga tuntunin ng pansariling karapatan sa mga materyal na bagay.”[4] Sa madaling salita, itinuturo ng ebanghelyo ng kasaganaan na ang pangunahing layunin ng tipang Abrahamic ay upang basbasan ng Diyos ng material na pagpapala si Abraham. Dahil ang mga mananampalataya ay mga espiritwal na anak ngayon ni Abraham, minana nila ang mga pagpapalang pampinansyal.

Ang mangangaral ng ebanghelyo na ito na si Kenneth Copeland ay sumulat, “Dahil ang covenant ng Diyos ay naitatag at ang kasaganaan ay isang probisyon ng tipang ito, kailangan mong isaisip na ang pagyaman ay pagmamay-ari mo na ngayon!” [5]

Upang suportahan ang pahayag na ito, ang mga tagapagturo ng kasaganaan ay umapela sa Galacia 3:14, na tumutukoy sa “pagpapalang ibinigay niya kay Abraham ay matanggap din ng mga hindi Judio sa pamamagitan ni Cristo Jesus;.”(ASND)  Nakatutuwang isipin, na sa kanilang mga apela sa Gal. 3:14, binabalewala ng mga tagapagturo ng kasaganaan ang ikalawang parte ng talata, na binabasa, at para matanggap natin ang ipinangakong Espiritu sa pamamagitan ng pananampalataya.” Sa talatang ito malinaw na pinapaalalahanan ni Paul ang mga taga-Galacia tungkol sa espiritwal na pagpapala ng kaligtasan, hindi ang materyal na pagpapala ng yaman.

Error #2: Kasama sa pagtubos na ginawa ni Jesus (atonement) ang “kasalanan” ng materyal na kahirapan.

Ang pangalawang theological na pagkakamali ng prosperity gospel ay isang maling pananaw sa pagtubos na ginawa ni Jesus (atonement).

Sinulat ng theologian na si Ken Sarles na “inaangkin ng prosperity gospel na ang parehong pisikal na pagpapagaling at kaunlaran sa pananalapi ay naibigay dahil sa pagtubos na ginawa ni Jesus (atonement).”[6] Ito ay tila isang tumpak na pagmamasid sa isang komento ni Kenneth Copeland na “ang pangunahing prinsipyo ng Kristiyano ay upang malaman na inilagay ng Diyos ang ating kasalanan, karamdaman, sakit, kalungkutan, pighati, at kahirapan kay Jesus sa Kalbaryo.”[7] Ang maling pagkakaunawa sa saklaw ng pagliligtas na ginawa ni Jesus ay nagmula sa dalawang pagkakamali na ginawa ng mga tagapagtaguyod ng prosperity gospel.

Una, marami sa humahawak ng prosperity theology ay may pangunahing pagkakamali sa pananaw sa buhay ni Cristo. Halimbawa, ipinahayag ng guro na si John Avanzini na, “Si Jesus ay may magandang bahay, isang malaking bahay,”[8] “Si Jesus ay humawak ng malaking salapi,”[9] at siya ay “nagsusuot ng mga branded na damit.”[10] Madaling makita kung paanong ang ganoong baluktot na pananaw sa buhay ni Cristo ay maaaring humantong sa isang baluktot rin na pagkakaintindi sa pagkamatay ni Cristo.

Ang pangalawang pagkakamali na dinadala sa isang maling pananaw sa pagtubos na ginawa ni Jesus ay isang maling interpretasyon ng 2 Corinto 8:9, na ganito ang mababasa, “Sapagkat alam naman ninyo ang biyayang ipinakita ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na kahit na mayaman siya doon sa langit ay nagpakadukha siya dito sa mundo alang-alang sa atin, para sa pamamagitan ng kanyang kahirapan ay maging mayaman tayo” (ASD). Habang ang isang mababaw na pagbabasa ng talatang ito ay maaaring humantong sa paniniwala na si Paul ay nagtuturo tungkol sa pagdami ng materyal na kayamanan, makikita sa konteksto ng itinuturo ni Paul ang eksaktong kabaligtaran na prinsipyo. Sa katunayan, itinuturo ni Paul sa mga taga-Corinto na dahil napakalaki ng nagawa ni Cristo para sa kanila sa kanyang ginawa sa krus, dapat nilang bitawan ang kanilang kayamanan para sa paglilingkod sa kanilang Tagapagligtas. Ito ang dahilan kung bakit pagkalipas ng limang talata lamang ay hinihimok ni Paul ang mga taga-Corinto na ibigay ang kanilang kayamanan sa kanilang mga kapatid na nangangailangan, at sinulat na, “Sa ngayon ay masagana kayo, kaya nararapat lamang na tulungan ninyo ang nangangailangan” (2 Cor. 8:14).

Error #3: Ang mga Kristiyano ay nagbibigay upang makakuha ng materyal na kapalit mula sa Diyos.

Ang pangatlong pagkakamali ng prosperity gospel ay ang paniniwala na dapat magkaloob ang mga Kristiyano upang makakuha ng materyal na kapalit mula sa Diyos. Ang isa sa mga kapansin-pansing katangian ng mga prosperity theologians ay ang kanilang labis na interes sa usapin tungkol sa giving. Ang mga natuturuan ng prosperity gospel ay hinihimok na magbigay ng sagana at nahaharap sa mga statements na parang galing sa Diyos tulad ng, “Ang tunay na kasaganaan ay ang kakayahang gamitin ang kapangyarihan ng Diyos upang matugunan ang mga pangangailangan ng sangkatauhan sa anumang larangan ng buhay,”[11] at, “Kami ay tinawag upang pondohan ang ebanghelyo para sa buong mundo.”[12] Habang ang mga pahayag na ito ay mukhang kapuri-puri, ang pagbibigay diin sa pagbibigay ay itinayo sa mga motibo na hindi nalalapit sa pagiging philanthropic. Ang nagtutulak sa katuruang ito sa pagbibigay ay ang tinukoy ng isang prosperity teacher na si Robert Tilton bilang “Law of Compensation.” Ayon sa law na ito, na sinasabing batay sa Marcos 10:30,[13] ang mga Kristiyano ay kailangang magbigay nang bukas-palad sa iba sapagkat kapag ginawa nila yun, ang Diyos ay nagbabalik nang higit bilang kapalit. Ito naman ay humahantong sa isang cycle ng tuloy-tuloy na pagyaman.

Gaya ng sinabi ni Gloria Copeland, “Magbigay ng $10 at tumanggap ng $1,000; magbigay ng $1,000 at makatanggap ng $100,000…sa madaling salita, ang Marcos 10:30 ay isang very good deal.”[14] Maliwanag, kung gayon, na ang katuruan ng prosperity gospel ay nabuo sa mga maling motibo. Samantalang itinuro ni Jesus sa kanyang mga alagad na “magbigay na hindi umaasa nang anumang kapalit” (Luke 6:35), ang mga prosperity theologians ay nagtuturo sa kanilang mga tagasunod na magbigay sapagkat malaki ang kanilang makukuha.

Error #4: Ang pananampalataya ay sariling-likhang spiritual force na nagdudulot ng kasagaan.

Ang ika-apat na pagkakamali ng prosperity theology ay ang pagtuturo nito na ang pananampalataya ay isang sariling-likhang spiritual force na nagdudulot ng kasagaaan. Samantalang ang biblical Christianity ay nauunawaan na ang pananampalataya ay pagtitiwala kay Jesu-Cristo, sinusuportahan naman ng mga prosperity preachers ang kakaibang katuruan. Sa kanyang librong The Laws of Prosperity, isinulat ni Kenneth Copeland, “Ang pananampalataya ay isang espiritwal na puwersa, isang espiritwal na enerhiya, isang espiritwal na lakas. Ang lakas na ito ng pananampalataya ang siyang nagpapagalaw sa mundo ng espiritu…Mayroong ilang mga batas na namamahala sa kasaganaan na ipinakikita sa Salita ng Diyos. Ang pananampalataya ang dahilan upang gumana ang mga ito.”[15] Maliwanag na ito ay isang mali at maaaring heretical na pagkakaunawa tungkol sa pananampalataya.

Ayon sa prosperity theology, ang pananampalataya ay isang gawa o pagkilos na hindi ipinagkaloob ng Diyos at hindi nakasentro sa kalooban ng Diyos. Sa halip ito ay isang spiritual force na gawa ng tao, na nakadirekta sa Diyos. Sa totoo, ang anumang theology na tinitingnan lamang ang pananampalataya bilang isang paraan upang makakuha ng materyal na bagay sa halip na upang maging matuwid sa harap ng Diyos ay dapat na husgahang may mali at kulang.

Error #5: Ang panalangin ay isang kagamitan upang pilitin ang Diyos na magbigay ng kasaganaan.

Panghuli, itinuturing ng properity gospel ang panalangin bilang isang kagamitan upang pilitin ang Diyos na magbigay ng kasaganaan. Ang mga mangangagaral ng ebanghelyong ito ay madalas na sinasabi, “May masidhi kayong paghahangad ngunit hindi kayo nagkakaroon” (James 4:2). Ang mga tagapagtaguyod ng prosperity gospel ay naghihikayat sa mga mananampalataya na manalangin para sa personal na tagumpay sa lahat ng mga larangan ng buhay. Sinabi ni Creflo Dollar, “Kapag nananalangin tayo, na naniniwalang natanggap na natin ang ating hinihingi, walang choice ang Diyos kundi ang ibigay ang ating mga ipinapanalangin…Ito ang sikreto para maging matagumpay ang panalangin ng isang Kristiyano.”[16]

Totoong ang mga panalangin para sa personal blessing ay hindi naman mali, ngunit ang labis na pagbibigay-diin ng prosperity gospel sa tao ay ginagawang isang kasangkapan ang panalangin na maaaring gamitin ng mga mananampalataya upang pilitin ang Diyos na ibigay ang kanilang mga hinahangad.

Sa loob ng prosperity theology, ang tao—hindi ang Diyos—ay naging sentro ng panalangin. Ang nakakapagtaka, ang mga mangangaral ng ebanghelyong ito ay madalas na hindi pinapansin ang ikalawang part ng turo ni James tungkol sa pananalangin na nakasaad, “Humingi kayo, ngunit hindi kayo nakatanggap sapagkat ang inyong paghingi ay masama. Ang inyong hinihingi ay gagamitin ninyo sa inyong mga kalayawan” (James 4:3). Hindi sinasagot ng Diyos ang makasariling mga kahilingan na hindi natataas ang Kanyang pangalan.

Totoong lahat ng request natin ay dapat na banggitin natin sa Diyos (cf. Phil. 4:6), ngunit ang prosperity gospel ay nakafocus nang labis sa mga desire ng tao na maaaring magtulak sa mga tao na manalangin nang makasarili, mababaw, at panlabas lang na mga panalangin na hindi nagbibigay ng kaluwalhatian sa Diyos. Bukod dito, kapag isinama ang turo tungkol sa pananampalataya ng prosperity doctrine, ang katuruang ito ay maaaring mag-akay sa mga tao na subukang i-manipulate ang Diyos upang makuha ang gusto nila—isang gawaing walang patutunguhan. Malayo ito sa panalanging mangyari o masunod ang kalooban ng Diyos.

ISANG MALING EBANGHELYO

Sa liwanag ng Banal na Kasulatan, ang pundasyon ng prosperity gospel ay napakarupok. Kung tutuusin, ang prosperity gospel ay talagang isang fake na gospel dahil sa maling pananaw nito sa ugnayan ng Diyos at ng tao. Sa madaling salita, kung ang gospel na ito ay totoo, walang bisa ang biyaya ng Diyos, walang katuturan ang Diyos, at ang tao ang sukatan ng lahat ng mga bagay. Kung pinag-uusapan man nila ang tungkol sa Abrahamic covenant, ang pagliligtas sa kasalanan, ang pagbibigay, pananampalataya, o panalangin, ang mga preachers nito ay ginawang isang quid pro quo (isang pabor para sa isang pabor) na transaksyon ang ugnayan sa pagitan ng Diyos at ng tao. Tulad ng nabanggit ni James R. Goff, ang Diyos ay “pinabababaw bilang isa ‘cosmic bellhop’—assistant o utusan—na tumutugon sa mga pangangailangan at hangarin ng kanyang nilikha.” [17] Ito ay kulang at hindi biblical na pananaw sa ugnayan ng Diyos at ng tao.


[1] Tom Carter, ed., 2,200 Quotations from the Writings of Charles H. Spurgeon (Grand Rapids: Baker Book House, 1988), 216.

[2] Robert Tilton, God’s Word about Prosperity (Dallas, TX: Word of Faith Publications, 1983), 6.

[3] David W. Jones and Russell S. Woodbridge, Health, Wealth, and Happiness: Has the Prosperity Gospel Overshadowed the Gospel of Christ? (Grand Rapids: Kregel, 2010).

[4] Edward Pousson, Spreading the Flame (Grand Rapids: Zondervan, 1992), 158.

[5] Kenneth Copeland, The Laws of Prosperity (Fort Worth, TX: Kenneth Copeland Publications, 1974), 51.

[6] Ken L. Sarles, “A Theological Evaluation of the Prosperity Gospel,” Bibliotheca Sacra 143 (Oct.-Dec. 1986): 339.

[7] Kenneth Copeland, The Troublemaker (Fort Worth, TX: Kenneth Copeland Publications, 1996), 6.

[8] John Avanzini, “Believer’s Voice of Victory,” program on TBN, 20 January 1991. Quoted in Hank Hanegraaff, Christianity in Crisis (Eugene, OR: Harvest House, 1993), 381.

[9] Idem, “Praise the Lord,” program on TBN, 15 September 1988. Quoted in Hanegraaff, 381.

[10] Avanzini, “Believer’s Voice of Victory.”

[11] Kenneth Copeland, The Laws of Prosperity, 26.

[12] Gloria Copeland, God’s Will is Prosperity (Fort Worth, TX: Kenneth Copeland Publications, 1973), 45.

[13] Other verses that the “Law of Compensation” is based upon include Eccl. 11:1, 2 Cor. 9:6, and Gal. 6:7.

[14] Gloria Copeland, God’s Will, 54.

[15] Kenneth Copeland, The Laws of Prosperity, 19.

[16] Creflo Dollar, “Prayer: Your Path to Success,” March 2, 2009, http://www.creflodollarministries.org/BibleStudy/Articles.aspx?id=329 (accessed on October 30, 2013).

[17] James R. Goff, Jr., “The Faith That Claims,” Christianity Today, vol. 34, February 1990, 21.


***Translated from the original article, “5 Errors of the Prosperity Gospel” by David Jones. 

Photo by Christine Roy on Unsplash

This article was originally published by Nitoy Gonzales in treasuringchristph.org To read the original version click https://treasuringchristph.org/2021/06/23/limang-pagkakamali-ng-prosperity-gospel/

Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Marianito “Nitoy” M. Gonzales is an ordinary guy who serves an extraordinary God. A government employee, blogger, and founder of https://delightinggrace.wordpress.com. Happily married to Cristy-Ann and father to Agatha Christie who worship and serve at Faithway Community Baptist Church, Sta. Rita Batangas City.
Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Marianito “Nitoy” M. Gonzales is an ordinary guy who serves an extraordinary God. A government employee, blogger, and founder of https://delightinggrace.wordpress.com. Happily married to Cristy-Ann and father to Agatha Christie who worship and serve at Faithway Community Baptist Church, Sta. Rita Batangas City.

Related Posts

John Piper

Ang Mapagbigay ay Nakatatanggap ng Biyaya

Ito ang dahilan kung bakit lagi namin kayong ipinapanalangin. Dalangin namin na tulungan sana kayo ng Dios na mamuhay nang karapat-dapat bilang mga tinawag niya.