Maagang Nagbangon si Jesus

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Anong Sinasabi  ng Umaga Tungkol sa Atin

Nasaan si Jesus? Wala na siya, at tila malapit nang magpanic si Pedro.

Ang nakaraang araw ay halos hindi kapanipaniwalang maging totoo. Tila nabaligtad ang mundo  ng Capernaum, ang bayan ni Pedro dahil ni Jesus. Ito ay araw ng Sabbath (Marcos 1:21). Nagturo si Jesus sa sinagoga, at ang mga taong kinalakihan ni Pedro — ang kanyang mga kaibigan, kanyang mag-anak, lahat ng pamilyar na pangalan at mukha — ay namangha at na bigla. Una, sa turo ni Jesus. Pagkatapos, nang magsalita ang isang lalaking may maruming espiritu, sumagot lang si Jesus, “Ikaw ay tumahimik, at lumabas ka sa kaniya!” Sumunod ang demonyo.

Sobrang namangha ang taga-Capernaum. Agad kumalat ang katanyagan ni Jesus. Pagkatapos ay nagpunta si Jesus sa bahay ni Pedro at pinagaling ang kanyang biyenang babae mula sa lagnat.

At bago na tapos ang araw na iyon, ang bahay ni Pedro ang naging sentro ng atensyon ng bayan nang hapong iyon at gabi (Marcos 1:32–33). Pinagaling ni Jesus ang mas maraming may sakit at nagpaalis ng mas maraming demonyo. Iyon ang pinakadakilang araw sa buhay ni Pedro, at ang pinakadakilang araw sa kasaysayan ng Capernaum. Ano pang kamangha-mangha na maaring manyari?

Mayroon pa palang sorpresa na dumating nang umagang iyon: Wala na si Jesus.

Habang Madilim Pa

Nang bumangon si Pedro kinabukasan, at hindi matagpuan si Jesus, tumawag si Pedro ng mga tao at sila’y naghanap. Hindi nagtagal ay na suyod nila ang buong Capernaum at naisip na hindi siya nasa bayan, kaya ibinaling nila ang kanilang paghahanap sa ilang, ang mapanglaw na lugar, sa labas ng bayan. Doon nila siya natagpuan — nag-iisa, matahimik, kontentado.

Jesus, ano ang ginagawa mo? “Hinahanap ka ng lahat.” (Marcos 1:37, Ang Dating Biblia (1905). Gusto nila ng mas maraming himala, ngunit hindi na magkakaroon ng kasunod pa sa Capernaum. Nagawa na ni Jesus ang lahat na dapat gawain, sa ngayon. Oras na para lumipat sa “…ibang dako ng mga kalapit na bayan,” sabi niya sa kanila, upang mangaral din siya roon, ” sapagka’t sa ganitong dahilan ako’y naparito.” (Marcos 1:38, Ang Dating Biblia (1905). Lumabas siya mula sa Capernaum para makatakas sa katanyagan sa paggawa ng himala at para maipangaral niya ang kanyang mensahe sa ibang lugar.

Lumabas din siya, na mababasa natin sa verse 35, upang manalangin, para magkaroon ng oras mag-isa kasama ang kanyang Ama:

“At nagbangon siya nang madaling-araw, na malalim pa ang gabi, at lumabas, at napasa isang dakong ilang, at doo’y nanalangin.” (Marcos 1: 35, Ang Dating Biblia (1905)

Isang Bagay na Dapat Gawin

Marami pang mapapansin tayo dito kaysa sa pagiging ehemplo ni Jesus para sa ating kapanahunang gawaing tinatawag na “quite time.” Gayunpaman, sa loob ng maraming siglo natagpuan ng mga Kristiyano ang mahalaga karunungan dito (kahit mahirap itong sabihin). Pinili ni Jesus na bumangon habang madilim pa. Binigyan pansin niya ang maagang umaga, sa halip na piliing matulog pa, kahit mula sa isang mahaba at nakapapagod na araw. Maaari kaya tayong magkaroon ng isang bagay na matututuhan natin mula sa kanya tungkol sa oportunidad ng mga maagang umaga?

Kapag malaki ang pangangailangannatin, o may malaking tungkulin, o may malaking oportunidad, maaga tayong bumangon upang matugunan ito.”

Hind si Jesus ang unang bumabangon ng maaga na nakatala sa mga Kasulatan. Kapag nagsimula tayong maghanap, magugulat tayo na may mahabang legacy nang ganito. Tutal, kadalasan ang oras ng pagbangon ng maaga ang nasasaad sa kasaysayan, ang parte ng mga araw na karapat-dapat na itala. Ang mga dakilang tao noong unang panahon, hanggang ngayon, ay bumangon nang maaga kapag may gagawin sila. Bakit hindi mas paglaanan ang iyong pagtulog kung walang kang dapat gawin agad o mahalagang bagay para ikaw ang bumangon? Ngunit kapag malaki ang pangangailangan natin, o may malaking oportunidad, o may malaking tungkulin— isang bagay na nakahihikayat sa atin — maaga tayong bumangon para mapaglaanan agad ito.

Ang Legacy ng Maagang Pagbangon

Sa mga pinakamahalaga mga araw, maagang bumangon si Abraham upang tingnan ang pagkawasak ng Sodom (Genesis 19:27), ng palayasin si Hagar (Genesis 21:14), at sagutin ang panawagan ng Diyos sa Moriah kasama ang kanyang nag-iisang anak (Genesis 22:2–3). Sinabi ng Diyos kay Moses na bumangon nang maaga upang ipakita ang kanyang sarili sa harapan ni Faraon at hingin ang pagpapalaya sa bayan ng Diyos (Exodus 8:20; 9:13). Kalaunan, maaga siyang bumangon upang maisakatuparan ang tipan sa pagitan ng Diyos at ng kanyang bayan sa Sinai (Exodus 24:4; 34:4). Ang kapalit ni Moses, si Joshua, ang humalili sa kanya sa legacy ng maagang pagbangon, upang tawirin ang ilog ng Jordan (Joshua 3:1), upang pabagsakin ang Jericho (Joshua 6:12, 15), upang tuklasin ang traydor (Joshua 7:16), at makuha ang tagumpay pagkatapos ng pagiging talo (Joshua 8:10).

Maagang bumangon si Gideon para tugisin ang hukbo ng Midian sa bantog na araw na wawakasan sila ng isang hukbo ng tatlong daang kalalakihan (Mga Hukom 7:1). Ang propetang si Samuel, matapos marinig ang pag-reject ng Diyos sa unang hari ng Israel, ay maagang bumangon upang harapin si Saul (I Samuel 15:12). At katulad ng isang bata pang David, ang sumunod na hinirang, ay maagang bumangon at bumisita sa kanyang mga kapatid sa lugar ng digmaan kung saan kalaunan ay haharapin niya si Goliath (I Samuel 17:20).

Ano ang Magpapabangon sa Iyo nang Maaga?

Kapag nagsalita ang Espiritu ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang napiling mga instrumento, at nangangako siyang talunin ang isang papalapit na hukbo,  hindi na ka dapat matutulog kinabukasan. Gumising ka nang maaga, tulad ng ginawa ni Jehoshaphat, at magpunta ng malapitan upang salubungin ang kaaway, na may choir na nakasuot ng banal na kasuotan na siyang mangunguna sa daan papunta doon (II Mga Cronica 20:20–21). Kapag nagsimula na ang malawakang revival, at himukin ang mga namumuno na ibalik muli banal na pagsamba, hindi tayo magpapabagal-bagal kapag mataas na ang araw. Gumising ka nang maaga, tulad ng ginawa ni Hezekiah, upang sama-samang kayo sa gawain (II Mga Cronica 29:20).

At, pagkatapos ng exile, nagtitipon ang mga tao para marinig ang salita ng Diyos na basahin at ipaliwanag, hindi ka naghihintay na tanghaliin ka at hayaang pigilan ito ng iba pang mga alalahanin. Magsisimula ka nang maaga sa umaga, tulad ng ginawa ni Ezra, at nagpatuloy hanggang sa kainitan ng tanghali (Nehemias 8:3).

Kapag talagang mahalaga ang isang bagay, maaga tayong bumangon para dito. Kapag may pangako  ang bukas ng tagumpay, o ang ilan ay labis na pagaalala (II Mga Hari 19:35; Isaias 37:36), maaga tayong bumangon upang salubungin ito. Tayo ay “magsisimula nang maaga” (I Samuel 29:10–11) para sa isang mahabang paglalakbay (Genesis 31:55; Mga Hukom 19:5, 8–9; I Samuel 1:19). Ang mabubuting hari at hukbo ay bumangon nang maaga para makidigma (II Mga Hari 19:35; Isaias 37:36). Ang mga tao ay maagang nagbabangon upang tugunan ang mga problema (Genesis 20:8) at gumawa ng mahahalagang mga tipan (Genesis 26:31). Maagang nagbangon ang ating espirituwal na mga ninuno para angkinin ang lupain (Mga Bilang 14:40), upang suriin ang balahibo ng tupa (Mga Hukom 6:38), upang matingnan ang bukid (Ruth 2:7).

At maaga silang nagbangon para manalangin. ” Gising na ako bago pa sumikat ang araw,” sabi ni Awit 119:147 ,ASND), “dahil nagtitiwala ako sa inyong pangako”. Isinulat ni David sa Mga Awit 5, ” Sa umaga, O Panginoon naririnig nʼyo ang aking panalangin, habang sinasabi ko sa inyo ang aking mga kahilingan at hinihintay ko ang inyong kasagutan.” (Mga Awit 5:3 ,ASND). Maging sa sakit (at depresyon?) ng Mga Awit 88, si Heman na si Ezrahite ay hindi nanghina para hindi lumabas sa higaan: ” Kaya Panginoon, humihingi ako ng tulong sa inyo. Tuwing umagaʼy nananalangin ako sa inyo.” (Mga Awit 88:13, ASND).

Naikunsedera mo na ba kung ano ang mga bagay na siyang dahilan para bumangon nang maaga?

Mga Mensahe sa Umaga

Ang ginagawa natin una sa umaga, sa paglipas ng panahon, ay maraming sinasabi tungkol sa ating tunay na mga pinapahalagahan. Sa pangkalahatan, mayroon tayong pinakamahusay na enerhiya para sa umaga, at matapos tayong matulog, kapag tayo ay ganap na gising na. Saan o kanino natin ibibigay ang mga unang bunga ng oras  at atensyon bawat araw? Sa paglipas ng panahon, natututo tayong ibigay ang pinakamainam na lakas natin sa pinakamahalaga, kung ano ang pwedeng maisasakatuparan nang may kompromisong pokus at lakas,at  kung ano ang hindi natin kayang palampasin kahit sinasalakay tayo ng mga hadlang bawat araw.

Nakalulungkot na gumising at tumakbo papunta sa kasalanan at pagsamba sa mga diyus-diyusan (Isaias 5:11; Exodo 32:6). At hindi angkop (at nakakainis para sa mga kapitbahay) na maging maingay ng maaga sa umaga (Mga Kawikaan 27:14). Na, para sa mga layuning Kristiyano, ay maaaring gawing napakahalaga sa maagang umaga. Ang katiwasaya. Ang katahimikan. Ito ang pinakakokonting may nakagagambala na oras sa maghapon.

Ang ginagawa natin una sa umaga, sa paglipas ng panahon, ay maraming sinasabi tungkol sa ating tunay na mga pinapahalagahan.

Napakagandang oras, habang tikom pa ang mga bibig ng mundo, na marinig at unahin ang tinig ng Diyos — at tumugon sa Kanya, tulad ni Jesus, sa maagang panalangin sa umaga. Napakahalagang sandali, bago gumising at umingay ang mundo, na tipunin ang bahagi ng isang araw para sa salita ng Diyos, katulad ng hinihintay na manna ang mga Israelita tuwing umaga sa ilang. Upang maging ang kanyang tinig ang unang naririnig natin araw-araw. At para malaman na gaano man tayo kaaga bumangon, nakikinig ang kanyang tainga sa panalangin.

Maaga Siyang Bumangon

Ang huling chapter sa ebanghelyo ni Marcos ay nagsisimula sa isa pang maagang pagbangon, at ito’y isang nakakagulat na pagbangon:

“Nang araw ng Linggo, kasisikat pa lang ng araw ay pumunta na sila sa libingan. Habang naglalakad sila, nagtatanungan sila kung sino ang mapapakiusapan nilang magpagulong ng bato na nakatakip sa pintuan ng libingan, dahil napakalaki ng batong iyon. Pero pagdating nila roon, nakita nilang naigulong na sa tabi ang bato.” (Marcos 16:2–4, ASND)

Sa gayon ding paraan, napansin din ni Juan ang oras: ” Kinaumagahan ng Linggo, habang madilim pa, pumunta si Maria na taga-Magdala sa libingan. Nakita niyang naalis na ang batong nakatakip sa pintuan nito.” (Juan 20:1, ASND). Idinagdag din ni Lucas na: ” Bukod sa rito iba sa mga babaing kasamahan namin na nagsiparoong maaga sa libingan,” (Lucas 24:22, Ang Dating Biblia (1905)).

Akma ito dahil nang bumangon si Jesus mula sa mga patay, maaga Siyang bumangon. May gagawin Siya. Hindi dapat matutulog kapag ang panahon ng paghahari Niya ay sumisikat na. Nagbangon siya nang may layunin. Maaga siyang bumangon.

This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by David Mathis for Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/jesus-rose-early

Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Marianito “Nitoy” M. Gonzales is an ordinary guy who serves an extraordinary God. A government employee, blogger, and founder of https://delightinggrace.wordpress.com. Happily married to Cristy-Ann and father to Agatha Christie who worship and serve at Faithway Community Baptist Church, Sta. Rita Batangas City.

David Mathis

David Mathis

David Mathis is executive editor for desiringGod.org and pastor at Cities Church in Minneapolis/St. Paul. He is a husband, father of four, and author of The Christmas We Didn’t Expect: Daily Devotions for Advent.
David Mathis

David Mathis

David Mathis is executive editor for desiringGod.org and pastor at Cities Church in Minneapolis/St. Paul. He is a husband, father of four, and author of The Christmas We Didn’t Expect: Daily Devotions for Advent.

Related Posts

John Piper

Ang Pagsubok na Nagpaaalala

21 Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na 22 ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit

John Piper

Paano Paglingkuran ang Masamang Amo

Maglingkod kayo nang masaya ang kalooban na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. 8 Sapagkat alam ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang bawat

John Piper

Ang Lunas sa Pagmamataas

Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at ganoong bayan at isang taon kaming mananatili roon, mangangalakal kami

Alistair Begg

Pag-ibig sa Gawa

Minamahal, huwag kayong maghiganti, kundi ipaubaya ninyo ito sa poot ng Diyos, sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Sa halip,