Maglingkod para Paglingkuran ang Iba

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Dahil alam ni Jesus ang kanilang pinag-uusapan, sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo pinag-uusapang kayo’y walang dalang tinapay? Hindi pa ba kayo nakakaintindi? Hindi pa ba ito abot ng inyong isip? (Marcos 8:17 MBBTAG)

Matapos pakainin ni Jesus ang 5,000 at 4,000 gamit ang iilang tinapay at isda, sumakay ang mga disipulo sa bangka nang walang sapat na tinapay para sa kanilang sarili.

Nang simulang pag-usapan nila ang kanilang kalagayan, sinabi ni Jesus, “Bakit ninyo pinag-uusapan ang katotohanang wala kayong tinapay? Hindi pa ba kayo nakakaintindi o nakakakita?” (Marcos 8:17). Ano ba ang hindi nila naintindihan?

Hindi nila naintindihan ang kahulugan ng mga natirang pagkain, na si Jesus ay mag-aalaga sa kanila kapag inaalagaan nila ang iba. Sabi ni Hesus,

“Nang hatiin ko ang limang tinapay para sa limang libo, ilang basket na puno ng piraso ang inyong kinuha?” Sinagot nila siya, “Labindalawa.” “At ang pito para sa apat na libo, ilang basket na puno ng piraso ang inyong kinuha?” At sinabi nila sa kanya, “Pito.” At sinabi niya sa kanila, “Hindi pa ba kayo nakakaintindi?” (Marcos 8:19–21)

Intindihin ang ano? Ang mga natira.

Ang mga natira ay para sa mga naglilingkod. Sa katunayan, sa unang pagkakataon may labindalawang naglilingkod at may labindalawang basket na natira (Marcos 6:43) — isang buong basket para sa bawat naglilingkod. Sa pangalawang pagkakataon, may pitong basket na natira — pito, ang bilang ng sagana at kumpletong kasapatan.

Ano ang hindi nila naintindihan? Na aalagaan sila ni Hesus. Hindi mo malalampasan ang pagbibigay ni Jesus. Kapag ginugol mo ang buhay mo para sa iba, matutugunan ang iyong mga pangangailangan. “Ang Diyos ko ay tutugon sa bawat pangangailangan ninyo ayon sa kanyang kayamanan sa kaluwalhatian kay Cristo Jesus” (Filipos 4:19).

This article was translated by Fatima Abello and Joshene Bersales, and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/served-in-serving-others

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts

John Piper

Ang Mapagbigay ay Nakatatanggap ng Biyaya

Ito ang dahilan kung bakit lagi namin kayong ipinapanalangin. Dalangin namin na tulungan sana kayo ng Dios na mamuhay nang karapat-dapat bilang mga tinawag niya.