Magsikap Na Mas Masiyahan Sa Diyos

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Paanyaya sa Kristyanong Hedonismo

Sa buwan ng Oktubre, kami ay nagplano na maglathala ng labindalawang artikulo na may malinaw na pagtuon sa tinatawag naming Kristyano Hedonismo (Christian Hedonism). Ito yung una.

Para sa amin sa Desiring God, ito ay tulad ng pagsasabing, “Kami ay magdidiwang kung bakit kami narito”. Ang pangalan ng ministeryo ay “Desiring God” dahil sa 1987 na libro sa ganyang pamagat. Ang subtitle ng libro ay mahalaga: Mga Pagninilay Ng Isang Kristyanong Hedonist. Yan ay kung sino kami: Mga Kristyanong Hedonist. Ang website na ito ay umiiral bilang pag apaw ng Biblikal na pagninilay-nilay ng mga Kristyanong Hedonist.

Ang layunin ko dito ay linawin ang kahulugan namin ng katagang “Kristyanong Hedonismo”.

Ngayon, alam ko na ang katagang “Kristyanong Hedonismo” ay wala sa Bibliya. Gaya ng mga salitang Trinity, pagiging alagad, pag e-ebanghelyo, paglalahad, pagpapayo, etika, pulitika, charismatic at marami pang iba ay wala sa Bibliya. Hindi nagsama ng ika animnapu’t pitong aklat ang Bibliya na kung tawagin ay “Ang Pagbubuo sa Kabuuan”. At wala din itong glossary ng mga konsepto.

Ang Diyos ay nalugod na magbigay ng inspirasyon sa dami ng mga dose-dosenang magagandang sinulid ng katotohanan na hinabi sa lahat ng animnapu’t anim na libro. Di lahat ng sinulid ay nabigyan ng pangalan. Iniwan Nya ang labis na maluluwalhating gawain na dapat nating gawin.” Ang mga gawa ni Yahweh, tunay napakadakila, mga nalulugod sa kanya, lagi itong inaalala;” (Psalm 111:2). Habang inaaral natin at sinusundan ang magagandang sinulid at pinapanood ang Punong Manghahabi, makikita natin ang mga mahahalagang katotohanan, at binibigyan natin sila ng pangalan upang mapagusapan natin ito habang nagsasama sama ang mga ito sa isang naoobserbahang pattern. Isa sa mga pattern na iyon ay ang “Kristyanong Hedonismo”.

Seryosong Kaluwalhatian, Seryosong Kagalakan.

Ang aming paborito pangugusap upang ipaliwanag ang diwa ng Kristyanong Hedonismo ay ganito: Ang Diyos ay lubos na naluluwalhati sa atin kapag tayo ay lubos na nasisiyahan sa Kanya. Naniniwala kami na ang katotohanang ito ay naguugat sa walang hanggang Trinitaryong relasyon ng Diyos. Naniniwala kami na nasa puso ito ng kung bakit nilikha ng Diyos ang sanlibutan. At naniniwala kami na ang implikasyon nito sa buhay, ngayon at magpakailanman, ay sa lahat-lahat. Ang katotohanang ito ay nakakaapekto sa bawat aspeto sa buhay ng tao – sa pag inom ng orange juice hanggang sa pagkain ng pizza (1 Corinthians 10:31), sa pagtanggap sa mga di kakilala (Romans 15:7), sa paghinga ng huli nating hininga (Philippians 1:20). Di ito peripheral. Di kailanman. Di sa kahit anuman.

Masasabi mong kami ay seryoso. Para sa amin, ang Kristyanong Hedonismo ay hindi isang moniker o slogan lamang. Ito ay sentro sa gawain ng pagtubos ng Diyos, at sa ating Kristyanong pamumuhay. Ito ay sentro ng lahat-lahat dahil ang kaluwalhatian ng Diyos ay sentral at sa lahat-lahat.

O, kung babaguhin ang spatial metaphor, dahil ang pagluwalhati sa Diyos ang puno’t dulo (di lang gitna) ng sangnilikha, ang Kristyanong Hedonismo ay may pang wakas na kahalagahan, dahil ang Diyos ay di maluluwalhati tulad ng nararapat, kung ang kanyang mga tao ay hindi nasisiyahan sa Kanya tulad ng nararapat.

Ang isang tao ng Diyos na may pusong hindi lubos na nasisiyahan sa kadakilaan at kagandahan at kahalagahan ng Diyos ay magiging isang taong may depekto, at ito ay kahihiyan sa Diyos. Samakatuwid, ang pinaka layunin ng sansinukob – ang pagluluwalhati sa Diyos at ang pagperpekto sa Kanyang mga tao – ay nakasalalay sa tagumpay ng Diyos laban sa ating mga kagustuhang makasalanan na para sa hindi Diyos.

Iyan ang nangyayari sa pamamagitan ng krus, sa muling pagkabuhay, ang pagbuhos ng Banal na Espiritu, ang pag usad ng pagpapakabanal, at ang huling pagperpekto sa lahat ng bagay sa pamamagitan ni Kristo. Ang Diyos ay magkakaron ng tinubos ng dugo, walang kapintansang nobya para sa Kanyang Anak, hindi isang depektibo. At sya ay lubos na maluluwalhati, hindi malalapastangan. Samakatuwid, mahalaga sa kagandahan ng nobya ay ang kanyang kasiyahan sa Anak ng Diyos. Kung wala ito, mapapahiya Siya.

Wesminister at si Warfield

Ang isang paraan para masubok kung ikaw ay isang Kristyanong Hedonist ay ang tanungin ang iyong sarili kung ano ang kahulugan ng salitang “at” sa sagot ng unang tanong sa Westminster Catechism.

Tanong 1: Ano ang pangunahing layunin ng tao?

Sagot: Ang pangunahing layunin ng tao ay dakilain ang Diyos, at magalak na makasama sya sa walang hanggan.

Maaring maisip mo na ang ganitong tanong ay kakaiba: Ano ang ibig sabihin ng “at”? Ngunit marahil ito ay hindi kakaiba kung hihinto ka upang pansinin na ang dalawang mga layunin (dakilain at magalak) na ito ay isang “layunin” lang sa tanong: Ano ang pangunahing layunin ng tao? Hindi nito sinabing, “Anu-ano ang mga pangunahing layunin ng tao?” kaya ang isahang paggamit ng “layunin” ay tulad ng isang bandera na winawagayway sa harapan natin na nagsasabing, “Tigil. Mag isip. Paano nag-uugnay ang dalawang bagay na ito sa paraan na sila ay iisang bagay?”

Ang Kristyanong Hedonismo ay hindi unang sumagot sa kahulugan ng “at” ay “sa” o “sa pamamagitan”. Ang pangunahing layunin ng tao ay dakilain ang Diyos sa pamamagitan ng pagkagalak na makasama sya sa walang hanggan. Noong 1908, sa Princeton Theological Review, sinulat ni Benjamin Warfield na maaring hinango ng Westminster Catechism ang ikalawang bahagi ng unang sagot (“at magalak na makasama sya sa walang hanggan”) mula kay William Ames Catechism na, sa katunayan nakasulat ito na “sa pamamagitan ng pagkagalak na makasama sya sa walang hanggan” (Warfield’s Works, Vol. 6, Baker, 2003, 396).

Si Warfield mismo ay halos magbigay ng kahulugan sa dalawahang sagot ng unang tanong sa paraang Kristyanong Hedonist:

Walang sinuman ang tunay na Reformed [Sasabihin ko sa biblical] sa kanyang isipan maliban kung kanyang maunawaan na ang tao ay hindi lamang instrumento ng banal na kaluwalhatian, ngunit ito din ay nakalaan na ipakita ang kaluwalhatian ng Diyos sa kanyang sariling kamalayan, upang magalak sa Diyos: Hindi, maliban kung sya mismo ay nalulugod sa Diyos bilang Syang pinakamaluwalhati sa lahat. (397)

Paraphrase: Hindi sapat na sabihin na ang tao ay nakalaan upang luwalhatiin ang Diyos nang hindi nililinaw na ang paraan na nakalaan sa tao upang luwalhatiin ang Diyos ay sa pamamagitan ng panloob na estado ng kanyang kamalayan; at ang panloob na estado ng kamalayan na iyon na nagluluwalhati sa Diyos sa kanyang nararanasang “pagkagalak sa Diyos”. Na ang ibig sabihin ay nalulugod sa Diyos bilang Syang pinaka-maluwalhati sa lahat. Na sya ding parehas sa pagsasabi ng pangunahing layunin ng tao ay dakilain ang Diyos sa pamamagitan ng pagkagalak na makasama sya sa walang hanggan. O: Ang Diyos ay naluluwalhati sa tao sa pamamagitan ng kasiyahan ng tao sa Diyos.

Mas nilinaw pa ni Warfield sa kanyang mga huling pangugusap ng kanyang sanaysay:

“Ang pangunahing layunin ng tao ay dakilain ang Diyos, at magalak na makasama sya sa walang hanggan.” Siguradong hindi upang masiyahan sa Diyos nang hindi sya naluluwalhati, sapagkat paanong Siya na nagmamayari ng likas na kaluwalhatian ay kasiyahan nang hindi naluluwalhati? Ngunit siguradong hindi luluwalhatiin ang Diyos ng di Siya kinasisiyahan – sapagkat paanong Sya na ang kaluwalhatian ay ang Kanyang pagiging perpekto ay maluwalhati kung sa Kanya ay di nasisiyahan. (400)

Siyang tunay! Kunin ang huling retorikal na tanong: “Paanong Sya…maluluwalhati kung sa Kanya ay di nasisiyahan?” Sagot: Hindi, sa kahit papaano hindi ayon sa nararapat. Kaya’t gawing pahayag ang tanong na iyon: Ang Diyos ay di maaring maluwalhati tulad ng nararapat maliban kung sa Kanya ay masisiyahan katulad ng nararapat.

John Brown And Thomas Vincent

Si John Brown ng Haddington, isang ministro ng Scottish na namatay noong 1787, ay pinalawak ang Westminister Catechism sa ganito:

T. Bakit ang pagluluwalhati at pagkagalak sa Diyos ay pinagsama sa iisang pangunahing layunin?

S. Sapagkat walang maaring makakuha o tamang makahanap sa isa nang wala ang isa pa.

T. Paano natin lubos na niluluwalhati ang Diyos?

S. Sa pamamagitan ng pagtanggap at pagkagalak sa Kanya ng lubos.

Ang Kristyanong Hedonismo ay binibigkas ang huling tanong na ito at sinasagot ng, Ang Diyos ay lubos na naluluwalhati sa atin kapag tayo ay lubos na nagagalak sa Kanya.

Si Thomas Vincent, isang Puritan, ministro ng Ingles na namatay noong 1678, ay mayroong katulad na tanong:

T: Bakit ang pagluluwalhati sa Diyos at ang pagkagalak sa Diyos ay pinagsama bilang iisang pangunahing layunin? S: Dahil ang Diyos ay pinagsama sila sa gayon ang mga tao ay hindi tunay na makakapaghanap sa isa ng wala ang isa pa. Sila na nasisiyahan ng higit sa Diyos sa kanyang bahay sa lupa, ay siyang lumuluwalhati at nagagalak sa Kanya. At kapag ang Diyos ay lubos na kinasisiyahan ng mga banal sa langit, Sya ay higit na maluluwalhati. (Ang mga panipi mula kay Brown at Vincent ay pinagsama ni Virginia Huguenot.)

Kaya, isa sa pinakamahalagang pahayag ng Kristyanong Hedonismo – “Ang Diyos ay lubos na naluluwalhati sa atin kapag tayo ay lubos na nasisiyahan sa Kanya” – ay hindi bago. Ito ay nagmula sa iba’t ibang katekismo sa kasaysayan, lalo na ang kilalang tanong sa Westminister, “Ano ang pangunahing layunin ng tao?” na may sagot na “Ang pangunahing layunin ng tao ay dakilain ang Diyos, at magalak na makasama sya sa walang hanggan.”

Ang Kristyanong Hedonismo ay nakikiisa sa mahabang linya ng mga pastor at mga teologo na kinikilala na ang dalawang sagot na ito ay may malalim na pagkakaisa na ang pagluluwalhati sa Diyos sa puso ng tao ay hindi mangyayari kung saan ang Diyos ay hindi kinasiyahan ng lubos bilang kataas-taasang yaman ng puso.

Biblikal ba ito?

Oo naman, hindi mahalaga sa huli na ang katekismo ng tao ay nagpatibay sa Kristyanong Hedonismo. Ang mahalaga sa huli ay kung tinakda ba ng Diyos ang mundo sa ganitong paraan, at ipinahayag Niya sa atin ang katotohanang ito sa Kanyang hindi nagkakamaling salita, ang Bibliya.

Ang Desiring God ay nagtatrabaho ng 25 taon upang ipakita mula sa Kasulatan na ang sagot sa tanong na iyon ay oo. Kami ay may isang libong beses na higit na pagpapahalaga kung ano ang iniisip ng Diyos kaysa sa sinasabi ng sinumang iba pa. Kayo ay aming hinihikayat na gawin din ito. Kung iniisip nyo na ang Kristyanong Hedonismo ay hindi tinuturo sa Bibliya, hindi naming nais maniwala kayo dahil ito ay tinuturo namin. Kami ay umaasang kayo ay mananatili sa amin sa buong buwan ng Oktubre at subukin lahat ng mga bagay, habang tinitignan natin ang Kristyanong Hedonismo sa iba’t ibang mga anggulo.

Tatapusin ko ang artikulong ito sa isang teksto sa Bibliya na nagtruturo na ang Diyos ay lubos na naluluwalhati sa atin kapag tayo ay lubos na nasisiyahan sa Kanya. At pagkatapos babanggitin ko ang pinaka-nakapaloob, praktikal na implikasyon.

Kamatayan Bilang Kapakinabangan

Sa Philippians 1:20 sinabi ni Pablo na ang pasyon ng kanyang buhay ay luwalhatiin si Kristo. Ganito nya ito sinabi: “Ang aking pinakananais at inaasahan ay… maparangalan si Kristo sa buhay man o sa kamatayan”. Tapos sa mga susunod na pangungusap, pinaliwanag nya kung pano nya luluwalhatiin si Kristo sa kamatayan at sa buhay. Sa parehong paliwanag, pinakita nya na sya ay nagiisip tulad ng isang Kristyanong Hedonist.

Sa patungkol sa kamatayan, sabi nya na ang dahilan na maluluwalhati si Kristo sa kanyang kamatayan ay dahil mararanasan nya na ang kamatayan ay kapakinabangan (verse 21). At ang dahilan na mararanasan nya ang kamatayan bilang kapakinabangan ay dahil sa ang ibig sabihin nito ay “makapiling ni Kristo, sapagkat ito ang lalong mabuti” (verse 23). Ang ginagawa ko, bilang seryosong tagabasa ng Bibliya, ay huminto sa puntong ito at magtanong, “Bakit ang danasin si Kristo bilang kapakinabangan sa oras ng kamatayan ay lumuluwalhati kay Kristo?” Ano ang iyong isasagot?

Pinaliwanag nya ang “pakinabang” sa mga salitang “lalong mabuti.” Iyon ay, ang mamatay at makapiling ni Kristo ay higit na mas mabuti kaysa sa lahat ng inaalok ng mundong ito (dahil malapit na syang mamatay). Sasabihin nya itong bagay na ito sa bandang huli ng liham na ito: “itinuturing kong walang kabuluhan ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong mahalaga, ang pagkakilala kay Kristo Hesus na aking Panginoon” (Philippians 3:8)

Sinasabi ni Pablo sa kanyang pagtantya at karanasan sa kahalagahan ni Kristo ay napakahusay na nakakakuha sya ng higit na kagalakan mula sa pagiging kasama ni Kristo kaysa sa anumang bagay sa mundo. Ito ang dahilan kung bakit naluluwalhati si Kristo sa daranasing kamatayan ni Pablo. Ginagawa mong maganda at maluwalhati ang isang tao kapag nasisiyahan ka sa kanya at sa kanyang presensya, na ang pagkawala ng lahat ng bagay sa mundo, upang makasama sya, ay nararamdaman mong bilang pakinabang.

Kaya ang aking paraphrase sa pagiisip ni Pablo dito ay si Kristo ay higit na napaparangalan kay Pablo kapag higit na nasisiyahan si Pablo kay Kristo na mas nasisiyahan sya kay Kristo kaysa sa kahit anong inaalok ng mundo, kahit na ang maging kapalit nito ay ang kanyang buhay. Yan ang Kristyanong Hedonismo. At yun mismo ang tinuro at pinamuhay ni Pablo.

Buhay Na May Kagalakan

Paano kung nabuhay si Pablo? Sinagot nya ang tanong na ito bilang Kristyanog Hedonist din.

Alalahanin mo na sinabi nya, “Ang aking pinakananais at inaasahan ay… maparangalan si Cristo sa buhay man o sa kamatayan.” Sa katunayan, kahit na mas gustuhin nyang mamatay, kung ang pakinabang lamang nya ang sinasaalang-alang, alam nyang mabubuhay sya. Ang Diyos ay may gawain na dapat nyang gawin. Kaya paano ipinakita sa atin ni Pablo na ang kanyang natitirang buhay ay luwalhatiin si Kristo?

Ngunit alang-alang sa inyo, mas kailangan pang manatili ako sa buhay na ito. Dahil dito, natitiyak kong ako’y mabubuhay pa at makakasama ninyong lahat upang matulungan kayong magpatuloy nang may kagalakan sa inyong pananalig sa Panginoon. Kung magkagayon, lalo ninyo akong maipagmamalaki at lalo ninyong pupurihin si Kristo Hesus dahil sa aking pagbabalik sa inyo. (Philippians 1:24-26)

Sundan ang kanyang pagiisip: (1) Mananatili akong buhay at makakasama ninyo. (2) Ang layunin at epekto na makasama ko kayo ay ang kagalakan ng inyong pananalig. (3) Ang epekto ng kagalakan na ito ay kayo ay “lumuwalhati kay Kristo Hesus” Nakikita nyo ba ang layunin kung san patungo ang kanyang buhay at ministeryo? At paano maabot ang layunin?

Ang layunin ay “luwalhatiin,” o literal na “magmalaki” (Greek kauchēma), kay Kristo. Ang salitang “magmalaki” ay maaring isalin na “nagagalak” o “papuri” o “nagpapakita upang maging mahusay.” Iyon ang layunin – ang kaluwalhatian ni Kristo (sa verse 20). At pano nilalayon ni Pablo na maabot nila ang layunin? Sa pamamagitan ng pagtulong na maranasan nila ang “kagalakan sa pananalig.” Pwede nya lang sanang sabihing “pananalig”. Ngunit sinabi nyang “kagalakan sa pananalig.” Bakit? Dahil ang pinagmamalaki nila, ang kanilang pagdadakila, ang pagluluwalhati nila kay Kristo, ay nangyayari sa pamamagitan ng kagalakan nila kay Kristo. Ito ang Kristyanong Hedonismo. Ang pangunahing layunin ng Philippians ay luwalhatiin ang Diyos (sa Kanyang Anak) sa pamamagitan ng pagkagalak na makasama sya sa walang hanggan. Si Kristo ay lubos na naluluwalhati sa mga Philippians kapag sila ay lubos na nasisiyahan sa Kanya.

Kami ay Kristyanong Hedonist dahil ito ang tinuturo ng Bibliya.

Ang Ating Pinakadakilang Tungkulin

Sinabi ko na tatapusin ko ito sa pamamagitan ng pagbibigay ko sa inyo ng pinaka-nakapaloob, praktikal na implikasyon ng Kristyanong Hedonismo. Ito yun: Dahil ang Diyos ay lubos na naluluwalhati sa iyo kapag ikaw ay lubos na nasiyahan sa Kanya, ito ay ang kaloob ng Diyos, ipinag-utos ng Bibliya mong tungkulin, sa bawat sandal ng iyong buhay, ang sikaping mas lubos na nasisiyahan sa Diyos bilang iyong kataas-taasang Kayamanan kaysa sa anupaman.

Ang Bibliya ay nagbibigay suporta sa praktikal at malawakang implikasyon ng Kristyanong Hedonismo. Mag-iiwan ako ng isang pahayag mula kay Hesus para iyong isipin

Ang umiibig sa kanyang ama o ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang umiibig sa kanyang anak nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. (Matthew 10:37)

Tanungin mo ang iyong sarili: Anong uri ng pag-ibig na mayroon ang mabuting magulang sa kanyang mga anak? At ang mabubuting anak para sa kanilag magulang? Hindi ba isang “cherishing love”? Isang “treasuring love”? Ang yumayakap, pag-ibig na na naghahangad? Sabi ni Hesus, mas higit syang ibigin, higit na i-cherish, mas ituring na yaman ng higit sa mga pinakamamahal na kasiyahan sa lupa.

Kung gayon, ang hangarin na maging ganoong klaseng tao ang tungkulin natin. Sa katunayan, ang ating pinakadakilang tungkulin. (Matthew 22:36-37)
This article was translated by Gino Orcullo and was originally written by John Piper. To read the original version, click here.

Gino Orcullo

Gino Orcullo

Gino Orcullo is a member of Lifehouse Church in Makati/Taguig. Finished a degree in Mass Communication major in Broadcast Communication but working as a Web Developer in Makati. A sinner who is saved by grace alone, through faith alone, in Christ alone to the glory of God alone.

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts

Alistair Begg

Pumunta Ka Ulit

At sinabi niya, “Pumunta ka ulit,” pitong beses. 1 Mga Hari 18:43 Ang tagumpay ay sigurado kapag ipinangako ito ng Panginoon. Kahit na nanalangin ka

John Piper

Maglingkod para Paglingkuran ang Iba

Dahil alam ni Jesus ang kanilang pinag-uusapan, sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo pinag-uusapang kayo’y walang dalang tinapay? Hindi pa ba kayo nakakaintindi? Hindi pa

Alistair Begg

Banál na Pag-aalala

“Huwag mong isama ang kaluluwa ko sa mga makasalanan.”   Salmo 26:9 Dahil sa takot, nanalangin si David ng ganito, dahil may bumubulong sa kanya, ‘Baka

John Piper

Dumiretso sa Diyos

26 Sa araw na iyon ay hihingi kayo sa kanya sa aking pangalan, at hindi ko sinasabing ako mismo ang hihiling sa Ama para sa