Mas Matatag Pa Sa Everest

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.

Roma 8: 28 (Ang Dating Biblia 1905)

Kung nakatira ka sa loob ng napakalaking pangakong ito, ang iyong buhay ay mas matibay at matatag kaysa sa Mount Everest.

Walang maaaring umihip sa iyo kapag nasa loob ka ng mga pader ng Roma 8:28. Sa labas ng Roma 8:28, ang lahat ay kaguluhan, pagkabalisa, takot at kawalan ng katiyakan. Sa labas ng pangakong ito ng mapagsaklaw na biyaya panghinaharap (future grace) ng Diyos, mayroong mga marupok na bahay ng dayami ang  droga,  pornograpiya at napakaraming  walang kwentang at mapangtangay ng atensiyon na bagay. Mayroong mga dingding na patpat at bubong na lata ng marurupok na mga stratehiyan sa investments, mga panandaliang insurance coverage at mga hindi mahalagang retirement plan. Mayroong mga nagpapatibay na karton ng deadbolt, mga alarm systems at mga antiballistic missles. Sa labas ay libo-libo ang kahalili ng Roma 8:28.

Sa sandaling pumasok ka sa pintuan ng pag-ibig patungo napakalaking, hindi mayayanig na istraktura ng Roma 8:28, nagbabago ang lahat. Dumating sa iyong buhay katatagan at lalim at kalayaan.  Hinding hindi ka na matutumba kailanman. Ang kumpiyansa sa isang soberanong Diyos na namamahala para sa iyong kabutihan sa lahat iyong sakit at lahat ng kasiyahan na mararanasan mo ay isang walang kapantay na kanlungan at seguridad at pag-asa at kapangyarihan sa iyong buhay.

Kapag ang bayan ng Diyos ay tunay na namumuhay sa biyayang panghinaharap (future grace) ng Roma 8:28 – mula sa tigdas hanggang sa punerarya – sila ang pinakamalaya at pinakamalakas at pinaka mapagbigay na tao sa buong mundo.

Ang kanilang ilaw ay nagniningning at ang mga tao ay nagbibigay ng kaluwalhatian sa kanilang Ama sa langit (Mateo 5:16).

This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by John Piper of Desiring God.
To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/better-than-everest

Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Marianito “Nitoy” M. Gonzales is an ordinary guy who serves an extraordinary God. A government employee, blogger, and founder of https://delightinggrace.wordpress.com. Happily married to Cristy-Ann and father to Agatha Christie who worship and serve at Faithway Community Baptist Church, Sta. Rita Batangas City.

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts

John Piper

Ika-Labing-isang Oras ng Tagumpay

“Jesus, alalahanin nʼyo ako kapag naghahari na kayo.” (Lukas 23:42 ASND) Isa sa mga pinakamalaking pumapatay ng pag-asa ay ang matagal mo nang pagsisikap na

John Piper

Ang Pangunahing Layunin ng Ministry

Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumatalikod sa Dios at napapahamak, kundi kabilang tayo sa mga sumasampalataya at naliligtas. (Hebreo 10:39 Ang Salita ng Dios) 

John Piper

Ang Pinakadakilang Pagmamahal

Sumusulat ako sa inyo, mga anak, sapagkat pinatawad na ang inyong mga kasalanan alang-alang sa kanyang pangalan. (1 Juan 2:12  MBBTAG)  Bakit kailangan nating bigyang-diin

John Piper

Limang Layunin para sa Paghihirap

Alam natin na sa lahat ng bagay, gumagawa ang Dios para sa ikabubuti ng mga umiibig sa kanya, na kanyang tinawag ayon sa kanyang layunin.