Mas OK Pa Rin Ba Ang Physical Copy ng Bible?

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Paano Hinuhubog ng Mga Screen Ang Ating Pagbabasa

May isang regalo akong natanggap mula sa aking mga magulang noong 2001. Ilang linggo akong naghintay at heto na, nasa ilalim ng Christmas tree noong bisperas ng Pasko, mula kay Mom at Pop: isang 1st edition ng English Standard Version. Ang aking unang bagong Bibliya pagkatapos umalis sa bahay. Ito ang magiging unang Bibliya na aking babasahin mula cover to cover – at patuloy na babasahin. Sa katunayan, ginagamit ko pa rin ito araw-araw ngayon, halos 20 years na ang nakakalipas. Oo, ang mga pahina ay sira-sira at punit na. Ang ilan mga lumang marka ay kapaki-pakinabang; ang iba ay nakakagulo. Ang cover ay malapit nang matanggal. Inayos ito ng aking asawa noong Father’s Day noong nakaraang taon at binigyan ito ng panibagong buhay.

Maraming beses ko nang gustong i-retire ang Bible ko. Sa bawat buwan na lumilipas, ang mundo ay nagiging mas digital, at naiisip ko na ang paggamit ng papel na Bible ay parang sinauna na. May ilang panahon rin kong sinusubukan ang pagbabasa sa umaga sa isang laptop o sa i-Pad. Gumamit rin ako ng Kindle ng mahabang panahon. Sa online naman ay nahihikayat ako sa mabilis na pag-cliclick para sa pagaaral ng  mga study notes at commentaries, at ang abilidad ng “copy and paste” kung gagamitin mo ito sa iba pang paraan.

Ngunit nakakapagtaka, ang mga gadgets na ito ay parang bang nililigalig ako paglipas ng panahon. Maaring ang akin mata, isip o yung nahahawakang papel, parang may nararamdaman akong isang bagay na wala sa pixel ng screen. Ang aking sarili ay hindi kasing husay, kalmado at payapa, sa tuwing tumitingin ako sa isang screen. At madali akong madistract sa paggamit ng mga gadgets na iyon. Iyon at iba pang rason, ay ang dahilan upang patuloy akong bumabalik sa aking dating papel na Bible. 

Ngayon marahil ay nagsisimula na akong malaman kung bakit.

Ang Naiibang Pagbabasa ng Bible

Halika, sumama ka sa akin ngayong simula ng isang bagong taon, at sumali ka sa akin sa paggawa ng isang bagay na counter-culture: yan ay ang pagkuha ng physical copy ng Bible at matutong basahin ito nang iba sa iyong cellphone at iba pang gadgets, at gawing mo ang Salita ng Diyos bilang batong sasandigan mo sa mundo na puno ng mga salitang gumuguho lang na parang buhangin. Hindi mo kailangan ng luma, punit-punit, may mga marka at gamit na na Bible na tulad ng sa akin. Gayunpaman, maaari mong isaalang-alang kung ang isang physical Bible talaga ay may magagawa ba talagang tulong sa iyong quiet time kasama ang Diyos. May ilang pagaaral tungkol dito na dapat ikunsidera, hindi lamang mula sa aking karanasan. 

Hindi ako magkukunwari na ang imbitasyong ito ay para sa lahat. Kung masaya ka sa paggamit mo ng gadget, at hindi nahuhulog sa mga bitag ng digital distractions at napapaikli ang iyong attention span, e di mabuti. Hindi ito bagong batas. Isang paalala lamang mula sa isang sulok ng digital na mundo. Ito lamang ay isang tapik mula sa isang kaibigan.

Malalim Versus Mababaw na Pagbabasa

Sampung taon ng nakakalipas mula nang sumikat si Nicholas Carr sa kanyang nakakaalarmang aklat na The Shallows: What the Internet Is Doing to Our Brains. “Ang kalmado, mas nakafocus, hindi naliligalig, ang linear na isip ay itinutulak ng isang bagong uri ng isip na nais at kailangang makuha at magbigay ang impormasyon sa maikling salita, hindi magkakatugma, madalas sumasambulat na magkakahalo – na kung itoy mabilis, maiituring itong mahusay.” Sa bawat paglipas na taon, mas maraming tinig ang kinukwestiyon at dumadagdag na magbigay opinyon sa pagiisip na ito.

Ang ilan ngayon ay pinag-uusapan ang ating utak bilang “bi-literate”. Sa ngayon, natutunan natin bumuo ng dalawang uri ng pagbabasa, na pwedeng ituon sa partikular na media. Ang isa ay linear, mabagal, mas malalim, deliberate, lohikal, magkakaugnay, focus na focus, at ito’y sa papel. Ang isa naman: mas hindi linear, mabilis, kalat, hindi magkakatugma, at mas mababaw, habang nagba-browse tayo at nag-scascan, ang mga mata ay tumatalon o lumilibot sa paligid ng pahina, ito ang sa digital.

Ang Mahalagang Milliseconds

Ayon kay Maryanne Wolf, director ng Center for Reading and Language Research sa Tufts University, ang tumaas na bilis ay hindi isang simpleng pangkalahatang pagsagap ng isip.

“Kailangan nating maintindihan ang halaga ng kung ano ay maaaring mawala sa atin kapag mabilis tayong na-skim ang text na pinalampas natin ang mahalagang milliseconds ng malalim na proseso ng pagbabasa. Dahil sa mga sandaling iyon – ang mga prosesong sa ating utak- na maaring maabot natin mahusay na sariling pangunawa at mga mahahalagang pagtuklas.”

At kung hinahayaan lang natin at hindi pinapahalagahan ang mga “mahahalagang milliseconds” na ito sa ating ibang binabasa, gaano pa kaya ito kung sa salita ng Diyos? Kung ang ibang binabasa natin ay may kalakip na pagiingat, higit na pasensya, higit na kasigsigan, mayroon pagkusa, hindi ba dapat ganito rin ang trato natin sa salita ng Diyos sa Banal na Kasulatan?

Ang isyu ay may partikular na kahalagahan para sa mga Kristiyano, para sa mga mambabasa ng Bibliya,  para sa “People of the Book”  at sa simbahan na ilang siglo nang nandiyan. Nitong nakaraang taon lamang, si Karen Swallow Prior, professor ng English sa Southeast Seminary, na nagsusulat para sa mga Kristiyano kung paano binabago ng mga screen ang paraan ng pagbasa natin ng Banal na Kasulatan, ay nabanggit na “ang pagbabasa sa mga digital na gadgets ay hindi lumilikha ng parehong uri ng mga circuit ng utak bilang isang malalim na pagbabasa” at nagbabala tungkol sa “habit ng mababaw na pang unawa na nabuo sa pagbabasa sa digital.”

Nagtapos siya sa isang matibay na claim na maaaring masorpresa ang maraming mga mambabasa: “Bilang ‘People of the Book,’ ang mga Kristiyano ay may isang partikular na tawag na pangalagaan at itaguyod ang gift ng malalim na pagbabasa mula sa mga physical na Bible.”

Hindi Ang Medium, Kundi Ang Pagmemeditate

Ang pangunahing realidad na nais kong purihin dito ay pagmemeditate, hindi ang medium – yan ay kung paano mo binabasa, hindi kung sa papel o sa screen ba ito. Ang Bibliya ay uri ng libro, bukod sa ibang aklat, na idinisenyo upang mabasa nang dahan-dahan, malalim, mas iniintindi, at paulit-ulit.

Ang mga sinaunang text, lalo na ang sa Bibliya, ay hindi sinusulat tulad ng karamihan sa ating mga nababasa ngayon – agaran, para mailathala agad, at para sa mabilisang pagbabasa. Sa halip, tulad ng naobserbahan ni Alastair Roberts, “Kapag ang mga libro ay rare at mamahalin, ang mga text ay may mas siksik na pakahulugan, na kailangan ng maingat na pagbabasa na hindi karaniwan sa ating panahon.” Ang Bibliya ay isang aklat natulad nito. Sinauna. Dahan-dahang isinulat, hindi agad agad ipinublish. Maingat na kinopya. Nakalaan para sa mabagal, mas iniintinding, maingat na pagbabasa – at sa paulit-ulit na pagbabasa. Ito ang nais kong ipaalam na hindi na hindi uso ngayon: Gusto kong i-enjoy ang mga rewards ng “isang uri ng maingat na pagbabasa na hindi karaniwan sa ating panahon.” Ang Bible na nasa papel ay tinuturuan ako nito.

Hindi ako gumagawa ng isang idea na sa mabagal, pagbabasa ng papel lamang at hindi sa digital. Ang barko ay naglalakbay na sa digital. Hindi natin maiiwasan ito. Magbabasa parin tayo sa digital. At ito ay isang napakalaking regalo. Halos tiyak ko na binabasa mo ang mga salitang ito nang digital. Yan ay mabuti. Ngunit mayroon palang nawawala sa atin kapag pala nagbabasa tayo sa digital. Ngunit kung mawalan tayo ng kakayahang magbasa nang malalim, magiging mas malaking pagkawala iyon.

At mas ramdam natin ang pagkawala na iyon sa pagbabasa sa mga pahina ng Banal na Kasulatan. Sa isang mundo na mas nagiging digital, kung saan kinakailangan ng intensyonalidad upang mapanatili ang pagkakaiba ng iyong pagbabasa sa pagitan ng papel at plasma, at hindi lahat ay nasa mga screen, maaaring may karunungan na hindi nasa pagiging paperless, lalo na pagdating sa mga salita ng Diyos.

Mag-Slow Down, Magbasa nang Malalim

Sa huli, syempre, ang isyu ay hindi ang medium ngunit sa pagmemeditate. Mabagal na pagbabasa. Malalim na pagbabasa. Hayaang mababad ang iyong isipan at puso sa mga salita ng Diyos, sa halip na mag-skim. Dapat sapat ang bagal upang hayaan ang text na kusang mangusap sa iyo, hubugin ka, basahin ka, wasakin ka, sa halip na mag-browse ng mga paragraphs para lang umangkop sa sariling nating nahahaka.

Ang mga Psalms ay madalas na ipinagdiriwang ang uri ng buhay na nabuo at napunan sa pamamagitan ng pagninilay sa mga salita ng Diyos araw at gabi (Awit 1:2; 63:6; 119:97). Ang gayong pagmemeditate ay nangyayari sa pamamagitan ng pagbagal, pagtutuon ng ating mga mata (Awit 119:15) sa Diyos at sa kanyang mga kamangha-manghang mga gawa (Awit 119:27; 145:5), pagnilayan siya (Awit 77:12; 143:5) sa ating mga puso (Awit 19:14; 49:3; 77:6).

Kung honest ka, iyan ba ay isang bagay na regular mong naranasan kapag nagbabasa ka sa isang screen? Oo ang ilan. At ang ilan sa atin ay tila sa papel na Bible nahahanap ang ganoong karanasan. Tila mayroon kadahilanang misteryoso, nahahanap ko sa lumang Bible na papel na tulungan ako sa aking mabagal at pagbasasa nang malalim.Kaya, muli, halika na at sumali sa akin. Ngunit papel man o hindi, matutong basahin ang Bible nang iba sa iyong cellphone at iba pang mga may screen. Ito ang mga salita ng Diyos. Bagalan. Namnamin. Ibigay sa iyong sarili ang mga “mahalagang milliseconds,” at hilingin sa Diyos na pahabain sila sa dagdag na mahahalagang minuto ng pagmemeditate habang nakatigil ka upang ma-enjoy ang Diyos sa kanyang Salita.

This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by David Mathis for Desiring God. To read the original version, click here.

Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Marianito “Nitoy” M. Gonzales is an ordinary guy who serves an extraordinary God. A government employee, blogger, and founder of https://delightinggrace.wordpress.com. Happily married to Cristy-Ann and father to Agatha Christie who worship and serve at Faithway Community Baptist Church, Sta. Rita Batangas City.

David Mathis

David Mathis

David Mathis is executive editor for desiringGod.org and pastor at Cities Church in Minneapolis/St. Paul. He is a husband, father of four, and author of The Christmas We Didn’t Expect: Daily Devotions for Advent.
David Mathis

David Mathis

David Mathis is executive editor for desiringGod.org and pastor at Cities Church in Minneapolis/St. Paul. He is a husband, father of four, and author of The Christmas We Didn’t Expect: Daily Devotions for Advent.

Related Posts

John Piper

Tayo ang Maghahari sa Lahat ng Bagay

Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang umupo na katabi ko sa aking trono, tulad ko na nagtagumpay at nakaupo ngayon katabi ng aking Ama

Alistair Begg

Humupa Ka

Alam Ko ang kanilang pagdurusa.   Exodo 3:7 Ang bata ay natutuwa habang kinakanta niya, “Ito’y alam ng aking ama”; at hindi ba’t tayo rin ay

Alistair Begg

Handang Magdusa?

Inalok nila siya ng alak na hinaluan ng mira, ngunit hindi niya ito tinanggap. Marcos 15:23 Isang gintong katotohanan ang nakapaloob sa pangyayaring itinulak ng

John Piper

Ang Pagsubok na Nagpaaalala

21 Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na 22 ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit