Nakita ko ang kanilang pag-uugali, pero pagagalingin ko sila. Papatnubayan ko sila at aaliwin ang mga nalulungkot sa kanila. (Isaias 57:18)
“Matutunan mo ang iyong doktrina mula sa mga teksto ng Bibliya. Mas matibay ito at nagpapalusog sa kaluluwa.
Halimbawa, matutunan mo ang doktrina ng hindi matitinag na biyaya mula sa mga teksto. Sa ganitong paraan, makikita mo na hindi ito nangangahulugan na hindi maaaring labanan ang biyaya; ito ay nangangahulugan na kapag pumili ang Diyos, kaya niya at talagang malalabanan niya ang resistensya na iyon.
Sa Isaias 57:17–19, halimbawa, pinaparusahan ng Diyos ang kanyang mapanghimagsik na mga tao sa pamamagitan ng pagpalo sa kanila at pagtatago ng kanyang mukha: ‘Dahil sa kasalanan ng kanyang hindi makatarungang pakinabang ako ay nagalit, ako ay sumakit sa kanya; tinago ko ang aking mukha at nagalit’ (talata 17).
Ngunit hindi sila tumugon ng pagsisisi. Sa halip, patuloy sila sa pagtalikod. Lumalaban sila: ‘Ngunit patuloy siyang tumalikod sa paraan ng kanyang sariling puso’ (talata 17).
Kaya, maaaring labanan ang biyaya. Sa katunayan, sinabi ni Esteban sa mga pinuno ng mga Hudyo, ‘Palagi ninyong nilalabanan ang Banal na Espiritu’ (Gawa 7:51).
Ano ngayon ang gagawin ng Diyos? Wala ba siyang kapangyarihan na dalhin ang mga lumalaban sa pagsisisi at kabuuan? Hindi. Hindi siya walang kapangyarihan. Ang susunod na talata ay nagsasabi, ‘Nakita ko ang kanyang mga paraan, ngunit gagamutin ko siya; aakayin ko siya at ibabalik ang ginhawa sa kanya at sa kanyang mga nagdadalamhati’ (Isaias 57:18).
Kaya, sa harap ng matigas, lumalabang pagtalikod sa biyaya, sinasabi ng Diyos, ‘Gagamutin ko siya.’ Siya ay ‘magbabalik.’ Ang salita para sa ‘magbabalik’ ay ang ‘gawing buo o kumpleto.’ Ito ay kaugnay sa salitang shalom, ‘kapayapaan.’ Ang kabuuan at kapayapaan na iyon ay binanggit sa susunod na talata na nagpapaliwanag kung paano binabaliktad ng Diyos ang isang lumalaban sa biyaya.
Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng ‘paglikha ng bunga ng mga labi. Kapayapaan, kapayapaan (shalom, shalom), sa malayo at sa malapit,’ sabi ng Panginoon, ‘at gagamutin ko siya’ (Isaias 57:19). Nililikha ng Diyos ang wala doon — kapayapaan, kabuuan. Ito ang paraan ng ating kaligtasan. At ito rin ang paraan ng ating pagbabalik mula sa pagtalikod — paulit-ulit.
Ang biyaya ng Diyos ay nagtatagumpay sa ating paglaban sa pamamagitan ng paglikha ng papuri kung saan ito ay wala. Dinadala niya ang shalom, shalom sa malapit at malayo. Kabuuan, kabuuan sa malapit at malayo. Ginagawa niya ito sa pamamagitan ng ‘pagbabalik,’ iyon ay, pagpapalit sa sakit ng paglaban sa katinuan ng pagsuko.
Ang punto ng hindi matitinag na biyaya ay hindi na hindi tayo makakalaban. Makakalaban tayo, at ginagawa natin. Ang punto ay kapag pumili ang Diyos, nalalabanan niya ang ating pagtutol at nagbabalik ng isang mapagpasakop na espiritu. Siya ang lumilikha. Sinasabi niya, ‘Magkaroon ng liwanag!’ Siya ang nagpapagaling. Siya ang namumuno. Siya ang nagbabalik. Siya ang nagpapalakas ng loob.
Kaya naman, hindi tayo dapat magyabang na tayo ay bumalik mula sa pagtalikod. Tayo ay dapat magpatirapa sa harap ng Panginoon at may nanginginig na kagalakan magpasalamat sa kanya sa kanyang hindi matitinag na biyaya na nagtagumpay sa lahat ng ating paglaban.”
This article was translated by Fatima Abello and Joshene Bersales, and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/prevailing-grace