May ilang kwento sa Old Testament na mapapaisip at mapapakamot tayo sa mga ginagawa ng mga Israelita gaya ng gintong guya o Golden Calf sa Exodus 32:1-6. Iisipin mong wala na ata sila sa tamang katinuan sa pagtatangkang gumawa ng diyos na yari sa bakal. Isang kamangmangan kung iisipin na magbibigay kapayapaan, kaligayahan at kasiyahan ang pag-aalay ng mga handog sa isang rebulto. Kung babasahin, hindi kapani-paniwala ang buong kwento nito.
Ngunit madalas nating nakakalimutan na meron din tayong sariling mga diyos-diyosan.
Kung iisipin natin ang magiging reaksyon ng mga Israelita pag nakita nila ang mga diyos-diyosan na niluluhuran natin – mga paborito nating palabas sa ating malaking TV, grades natin sa report card, ang gusto nating atensyon na nakukuha natin sa social media. Baka mas isipin pa ng mga Israelita na mas kamangmangan pa ang mga ito kaysa sa ginawa nilang golden calf.
Ang dahilan kung bakit ang idolatry ang pinaka-una sa Sampung Utos ay dahil idolatry din ang dahilan kung bakit tayo nakakagawa ng kasamaan. Sabi nga ni Tim Keller “hindi natin masusuway ang ibang kautusan kung hindi natin masusuway ang unang utos” Kaya naman ang sikreto sa pagbabago ay palaging suriin at alisin ang diyos-diyosan ng ating puso.
ang sikreto sa pagbabago ay palaging suriin at alisin ang diyos-diyosan ng ating puso.
Ang pag-alis ng ating mga diyos-diyosan ay mahirap gawin dahil ayaw nating na-eexpose ang mga ito. Ayaw natin aminin kahit mismo sa sarili natin na nakagawa na tayo ng ating diyos-diyosan sa pulitika, sa trabaho, sa relationships o maging sa ating comfort zone. Mas pipiliin pa natin na kumbinsihin ang sarili na hindi ito mga diyos-diyosan kundi mga bagay lang na nagbibigay kasiyahan sa atin na kadalasan nating binibigyan ng too much focus.
Hindi naman lahat ng gusto natin ay diyos-diyosan na kagad, syempre napakadaming bagay na nilalang sa mundo ang pwedeng magbigay sa atin ng kasiyahan na ma-eenjoy natin. Pwede naman nating ma-appreciate ang mga binigay ng Diyos na hindi Siya napapalitan bilang sentro ng kasiyahan. Ngunit kung ang mga regalong ito ang magiging priority ng ating isipan, then doon magsisimula ang problema.
Narito ang mga lugar sa buhay mo ang dapat suriin para matukoy kung ang “good things” sa buhay mo ay unti-unti nang napapalitan ang ating “Good God”.
Pwede naman nating ma-appreciate ang mga binigay ng Diyos na hindi Siya napapalitan bilang sentro ng kasiyahan. Ngunit kung ang mga regalong ito ang magiging priority ng ating isipan, then doon magsisimula ang problema.
SURIIN ANG IYONG IMAGINATION.
Ano-ano ang mga iniisip mo pag nangangarap ka? Pag naglalakbay ang iyong isipan, ito ba ay mga materyal na bagay, gaya ng fishing boats at mga exotic na bakasyon o kaya naman mga bagay na hindi literal na gamit gaya ng pagiging sikat gaya ng mga celebrity o kaya naman ang approval ng mga kaibigan?
SURIIN ANG IYONG BINIBIGYAN NG ATENSYON.
Sa mga oras na mas pinipili mong gawin ang ibang bagay imbes na palaguin ang iyong spiritual discipline, ano ang ibang bagay na yon? Ilan ang mga ito? Marami ba? Nakakaubos ba ang mga ito ng oras na nagreresulta sa hindi paggawa ng mas productive na mga gawain?
SURIIN ANG IYONG GASTUSIN.
Excluding bills, paano mo ginagastos ang iyong pera? Anong mga bagay ang nagbibigay sayo ng mga pagkakautang?
SURIIN ANG IYONG PRAYER LIFE.
Ano ang nararamdaman mo pag hindi tumutugon ang Diyos sa pamamaraan na gusto mo sa iyong panalangin? Nananampalataya ka ba na alam Niya ang mas makakabuti? O nagtatanim ka ng galit at bitterness? May mga unanswered prayers ba sa buhay mo na nagresult ng pagdududa mo sa kabutihan ng Diyos o nagresulta ng pagtakwil sa Kanya?
SURIIN ANG IYONG BUHAY RELATIONSHIP.
Anong klaseng tao ang minamahal mo ng lubos? Anong klaseng tao ang gusto mong pasayahin sa lahat? Meron ka bang mga kaibigan o minamahal na unti unting naglalayo sayo sa Diyos?
SURIIN ANG IYONG EMOSYON.
Ano ang pinaka-kinakatakutan mo? Ano ang pinaka inaasam mong mangyari o makuha? Anong bagay ang pinaka-gusto mong gawin? Ano pinaka-ninanais mo? Ano ang pinaka-dahilan ng iyong pagkagalit o pagkalungkot?
SURIIN ANG IYONG MGA ALALAHANIN.
Ano ano ang iyong mga alalahanin? Anong bagay ang lubos na nagbibigay sayo ng pagkabalisa? Anong bagay ang natatakot kang mawala?
SURIIN ANG IYONG NAKARAAN AT HINAHARAP.
Kung bibigyan ka ng pagkakataong gumamit ng time machine, ano ang gusto mong baguhin? Yung nakaraan o yung future?
Anong mga bagay ang nagbibigay sayo ng nostalgia? Ano ang mga bagay na lubos mong pinagsisihan? Ano ang inaasahan mong mangyayari sa future? Anong bagay ang magbibigay sayo ng kawalan ng pag-asa pag hindi nangyari ito sa future?
Maari mong gamitin ang mga ito upang malaman ang mga naisin ng iyong puso at pag nasuri mo na kung ano anong bagay sa buhay mo ang may potensyal na maging diyos-diyosan, Alamin mo kung ang mga ito ba ay kadalasang nasa unahan ng prioridad mo at narereplace nito ang Diyos. Mabuti din na ipanalangin ito at hingin na bigyan ka ng kakayahan na mas lalong maging masuri sa mga bagay na ito, at nang magabayan ka Niya sa mahaba at lubos na katapatan.
Gaya ng mga Israelita, mas makakabuting tanggapin natin ang mga mapait na resulta ng ating mga nakaraang diyos-diyosan, ngunit ang lahat ng pagtitiis ay sulit kung ito nama’y magbabalik sa atin sa tunay na papuri kay Hesus.
This article was translated by Paulo Radomes and was originally written by Joe Carter of TGC. To read the original version, click here.
Paulo Radomes
Paulo serves as an Assistant Pastor in God’s Sanctuary Christian Fellowship in Antipolo. He finished college with a Bachelor's degree in Mass Communication and is currently pursuing his Master's in Divinity. He also has his own blog site, thevirtualberean.wordpress.com