Paano Magbasa ng Salita ng Diyos? Part 2

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ang pagbabasa at pagbubulay ng Salita ng Diyos ay larawan ng isang Kristiyano na pinagpapala. 

Mapalad ang taong hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni umuupo man sa upuan ng mga manunuya; kundi nasa kautusan ng PANGINOON ang kanyang kagalakan, at nagbubulay-bulay araw at gabi sa kanyang kautusan.

Psalms 1:1-2 ABAB

May mga payo, daan, at upuan ng masama, ngunit hindi doon matatagpuan ang isang tunay na Kristiyano. Ang kagalakan niya ay matatagpuan sa Salita ng Diyos.

Una na nating nakita na ang pagbabasa ng Bibliya ay nararapat na puno ng pananalangin upang tayo ay magkaroon ng kaliwanagan at maisabuhay natin ito sa tulong ng Banal na Espiritu. Tignan natin ngayon ang tatlo pang paraan kung paano magbasa ng Salita ng Diyos. Ang mga ito ay “expectant reading”, “consistent reading”, at “informed reading.” Sa susunod na blog ay titignan natin ang “Christocentric Reading.”

Expectant Reading 

Ang pagkatakot sa PANGINOON ay malinis, na nananatili magpakailanman: ang mga kahatulan ng PANGINOON ay totoo at lubos na makatuwiran. Higit na dapat silang naisin kaysa ginto, lalong higit kaysa maraming dalisay na ginto; higit ding matamis kaysa pulot at sa pulot-pukyutang tumutulo. Bukod dito’y binalaan ang iyong lingkod sa pamamagitan nila, sa pagsunod sa mga iyon ay may dakilang gantimpala.

Psalms 19:9-11 ABAB

Ang Salita ng Diyos ay isang gold mine. Sa totoo lang, higit pa ito sa mina ng ginto. Sinabi sa talata sa itaas na “higit na dapat silang naisin kaysa ginto, lalong higit kaysa maraming dalisay na ginto.” Hindi matutumbasan ng anumang kayamanan sa mundo ang Salita ng Diyos. Dahil dito, ating makikita ang kagandahan ng lumikha ng ginto mismo, ang ating Panginoong Hesu-Kristo. Punong-puno ito ng kayamanan. Makakapulot tayo ng tunay at hindi lumilipas na kayamanan mula dito. Hindi kailan man tayo mawawalan ng mapupulot sa nag-uumapaw na bukal ng Salita ng Diyos. 

Dagdag pa dito, ang salita ng Diyos ay libre. Hindi lang tayo makakaasa na tayo ay makakalikom ng dakilang kayamanan ng ating kaluluwa kundi makatitiyak din tayo na ito ay walang limitasyon. Hindi matutumbasan ang halaga nito, wala tayong pambili, pero ito ay libre nating makukuha. 

Read it expecting to learn to know God better. Read it expecting to learn more about who you are as one of God’s creatures. Read it expecting that you will not understand everything that you read… But read it knowing that the essential things are clearly set out in some place or other. So read your Bible. Expect to meet God in His book. ~ Ben Shaw of Reformation Bible College, How to Read the Bible.

Gaano natin pinahahalagan ang pagbabasa ng Salita ng Diyos? Ano ang ating saloobin sa tuwing tayo ay nagbabasa nito? Tayo ba ay nagagalak? Tayo ba ay tunay na umaasa sa Diyos na nangako na sa pagsunod sa mga iyon ay may dakilang gantimpala?

Consistent Reading

Ang pagbabasa ng Salita ng Diyos ay palagian o araw-araw. The general pattern is daily meditation. Papasok na naman ang bagong taon. Marahil marami sa atin ang mag-uumpisa ulit ng Bible Reading plan, pero ito ba ay masusundan natin araw-araw? Natapos ba natin ang ating Bible Reading plan sa taon na na lilipas? 

Ating aminin na marami sa atin ang bumabagsak dito, kaya ito ay nangangailangan ng disiplina. Hindi kinakailangan na magbasa ka ng sampung kabanata araw-araw. Magandang disiplina yun pero ang mahalaga ay ang kalidad ng iyong pagbabasa. Hindi minamadali ngunit may pagpapatuloy. Kung tayo ay kumakain araw-araw ganun din sa ating espiritwal na buhay. Mainam na kahit maiksi ay araw-araw na binabasa at pinagbubulayan ito. Maaari din tayo maglaan ng oras para magbasa ng ilang kabanata o talata araw araw. 

Mapalad ang taong nakikinig sa akin, na nagbabantay araw-araw sa aking mga tarangkahan, na naghihintay sa mga haligi ng aking mga pintuan.

Proverbs 8:34 ABAB

Mapalad ang taong araw-araw na pumipitas sa halamanan ng Salita ng Diyos. Walang makakapagsabi ng wala siyang oras. We have the same amount of time everyday. All Christians without exception can set aside 15mins/day in reading the Bible, and you can finish reading it in less than a year. 

If we are honest enough, we are guilty. Gaano kadalas tayo gumagamit ng ating mga “phone” o mga “digital” na gamit? At ilang oras ang ginugugol natin sa pagbabasa ng Salita ng Diyos? Sa pagkain ng masasarap na pagkain hindi na kailangang itulak ang tao. Pero bakit sa Salita ng Diyos kailangan pa ito?

Your neglected Bible is a plain evidence  that you do not love God. ~ J.C. Ryle, Practical Religion. p. 121

Hindi mo masasabi na kulang ang iyong oras. Ang isyu ay kawalan ng pagnanais at motibasyon na basahin ang Salita ng Diyos. Wag mong sabihin na wala kang oras. Sabihin mo na wala kang gana o pagnanais kaya hindi mo ito iuuna o pinaglalaanan ng oras. Kailangan mong magsisi. 

Salamat sa Panginoon dahil sa Kanyang biyaya binigyan Niya ang Kanyang mga tao ng bagong pusong umiibig sa Kanya at binibigyan Niya ng pagnanais na basahin at kilalanin pa Siya sa Kanyang Salita. Kahit na tayo ay bumabagsak tayo ay magpapatuloy at magsisikap sa Kanyang biyaya.

Mga praktikal na tulong: 

  • Read at the same time and at the same place. We can establish regularity. Sikapin na ito ang pinakaunang gawin sa umaga. Hindi tayo magbabasa ng Bibliya dahil nakahanap lang tayo ng pagkakataon sa isang araw na tila ba “by chance” lamang ang pababasa natin. You cannot read the bible if you only have a chance. It will end with no chance. By nature, we are creatures of habit. We must incorporate bible reading and prayer daily. 
  • Gumamit ng reading guide. Sa pamamagitan nito makikita mo ang pag-unlad mo sa pagbabasa ng Salita ng Diyos. Isang magandang plan ay ang Book-at-a-time Bible Reading Plan o kaya yung mga Reading Plan mismo sa likod ng iyong bibliya. Ano mang plano yan, ang mahalaga ay hingin mo ang tulong ng Banal na Espiritu para ito ay iyong maipagpatuloy tungo sa malalim na pagkakilala sa Diyos na umibig sa atin kay Kristo.
  • Kumuha ng accountability partner, kaibigan, kapamilya, o asawa upang mapag-usapan ito at mapaalalahanan ka sa pagbabasa ng Bibliya. Hindi tayo nagtitiwala sa kakayahan ng tao pero nais nating humingi ng tulogn sa mga taong pinalago ng Diyos sa pagbabasa ng Kanyang Salita.

Informed Reading

Sa pamamagitan ng iyong mga tuntunin ay nagkaroon ako ng kaunawaan; kaya’t kinapopootan ko ang bawat huwad na daan.

Psalms 119:104 ABAB

Sa pagbabasa ng Bibliya, sikapin natin na ito ay maunawaan. Hindi tayo magbabasa ng Bibliya na parang ito ay mga random quotes lang na ating ipino-post sa ating FaceBook wall. Mainam na tayo ay familiar sa Bibliya sa kabuuan nito. Dapat tayo ay may pagkaunawa sa partikular na aklat na ating binabasa. Ang mga sumusunod ang kailangan nating isaalang-ala sa pagbabasa ng Bibliya: 

  • Historical Context. Dapat nating malaman ang kasaysayan na may kinalaman sa kabanata o talata na ating binabasa. Karamihan sa mga Bibliya ngayon ay may panimula ang bawat aklat. Nakakatulong na basahin natin din iyon para hindi tayo basta basta kukumuha ng aplikasyon sa bawat teksto. Kung may hindi talaga maunawaan, itanong sa pastor. Sa pababasa ng mga aklat ng mga propeta sa lumang tipan, nakakatulong na alam natin kung sino sa kanila ang nabuhay bago o pagkatapos ipatapon ang mga Israelita sa Babilonia. 
  • Immediate Meaning. Alamin ang kahulugan ng talata. Ano ang relasyon nito sa nauna at sumunod na mga talata? Bakit ito naisulat ng may akda? Alamin ang uri ng aklat. Ito ba ay pagsasalaysay, awit, kasaysayan o liham? Makakatulong ito para mailapat natin ng mainam ang bawat Salita ng Diyos sa ating buhay sa tulong ng banal na Espiritu. Ang unang tanong natin sa pagbabasa ng Bibliya ay hindi, ‘ano ang kahulugan nito para sa akin?‘ kundi, ‘ano ang sinasabi nito at ano ang kahulugan nito sa panahon ng pagkakasulat?’
  • Personal Application. Ano ang sinasabi ng talata sa kasalukuyan kong sitwasyon? Nais nating ilapat ang Salita ng Diyos sa ating pamumuhay. May mga nagbabasa para punuin lamang ang isipan. Ngunit nawa magbasa tungo sa kabanalan, upang pamunuan ng Salita ng Diyos ang ating puso at isipan.

There must be knowledge of God before there can be love to God. We may reverence the letter, yet has no love for the LORD. You will never get comfort to your soul out of what you do not understand. ~ Charles Spurgeon

Sa pagbabasa ng Bibliya, ito ang mga dapat nating tanungin upang tayo ay lubusang makapitas ng pagkain ng ating kaluluwa. 

  • Ano ang sinasabi ng talata tungkol sa Diyos?
  • Ano ang sinasabi ng talata tungkol kay Kristo? (More on this on the next blog) 
  • May mga utos ba na dapat sundin? May mga prinsipyo ba na dapat ipamuhay? May kasalanan ba na dapat pagsisihan? May mga pangako ba na dapat nating yakapin? May katotohanan ba na dapat natin paniwalaan? 

Nawa tayo ay gabayan ng Diyos sa pagbabasa ng Kanyang nakasulat na Salita, nang sa gayon mas makilala at ibigin pa natin ang Buhày na Salita ng Diyos. 

Sa Diyos lamang ang Papuri!


Ito ay hango sa mensahe ng aming pastor sa Bella Vista Outeach.

Jeff Chavez

Jeff Chavez

Jeff Chavez is a servant of the LORD Jesus Christ, husband of Gloryben, and father of Myrhh Abigail. One of the preachers and teachers at Herald of Grace Covenant Bible Church of Cavite.
Jeff Chavez

Jeff Chavez

Jeff Chavez is a servant of the LORD Jesus Christ, husband of Gloryben, and father of Myrhh Abigail. One of the preachers and teachers at Herald of Grace Covenant Bible Church of Cavite.

Related Posts

John Piper

Ang Mapagbigay ay Nakatatanggap ng Biyaya

Ito ang dahilan kung bakit lagi namin kayong ipinapanalangin. Dalangin namin na tulungan sana kayo ng Dios na mamuhay nang karapat-dapat bilang mga tinawag niya.

Alistair Begg

Pumunta Ka Ulit

At sinabi niya, “Pumunta ka ulit,” pitong beses. 1 Mga Hari 18:43 Ang tagumpay ay sigurado kapag ipinangako ito ng Panginoon. Kahit na nanalangin ka

John Piper

Maglingkod para Paglingkuran ang Iba

Dahil alam ni Jesus ang kanilang pinag-uusapan, sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo pinag-uusapang kayo’y walang dalang tinapay? Hindi pa ba kayo nakakaintindi? Hindi pa