Paano Magsisi Sa Kasalanan

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos an gating mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng
Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat n gating kasalanan, sapagkat Siya’y tapat at matuwid

(1 Juan 1:9)

Magkaiba ang pagkakaroon ng hindi magandang pakiramdam sa pagiging masamang tao sa
pagkakaroon ng conviction sa kasalanan. Ang pagkakaroon ng pakiramdam ng pagiging
mababang tao ay hindi pareho sa pagsisisi sa kasalanan.

Nitong umaga lang, nagsimula akong manalangin at agad akong nakaramdam ng feeling ng
pagiging hindi karapat-dapat dumulog sa Manlilikha ng buong universe. Isa syang feeling ng
pagiging unworthy, kaya sinabi ko sa Kanya iyon, pero anong naman ngayon?

Wala naming nagbago hanggang sa nagsimula akong maging detalyado sa mga kasalanang
nagagawa ko. Ang pagkakaroon ng hindi magandang feeling about sa sarili natin ay makakatulong
kung papunta ito sa pagsisisi sa specific na mga kasalanan ngunit kung pagkakaroon lang ng
vague feeling na isa kang hindi mabuting tao, kadalasan ay hindi ito nakakatulong.

Ang mala-hamog na pagkakaroon ng pakiramdam ng pagiging hindi karapat-dapat ay dapat
mahulma patungo sa malinaw na konsepto na ito ay dahil sa pagiging hindi masunurin. Sa gayon
ay malinaw mo itong matutukoy patungo sa pagsisisi at paghingi ng kapatawaran. Sa ganito ding
pagkakataon ay malalabanan mo ito gamit ang ebanghelyo.

Kung iisipin ko ang mga bagay na madalas kong hindi nasusunod, iilan ito sa mga iyon.
• Mahalin mo ang Diyos ng buong puso, kaluluwa, isip at lakas. Hindi 95% kundi 100%
(Mateo 22:37)
• Mahalin mo ang iyong kapwa gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili. Maging matiyaga na
ipanalangin ang kapwa na maging maganda ang lahat sa buhay nila gaya ng iyong
panalangin para sa sarili (Mateo 22:39)
• Gawin ang lahat ng bagay ng walang pagtatalo. Walang pagtatalo – sa panlabas man o
panloob (Filipos 2:14)
• Ipagkatiwala ninyo sa Kanya ang inyong mga alalahanin – upang hindi kayo malubog nito
(1 Pedro 5:7)
• Magsalita lamang ng mga bagay na magbibigay sa iba ng grasya – lalo na sa mga malalapit
sayo (Efeso 4:29)
• Samantalahin ang oras. Huwag aksayahin o gamitin sa mga bagay na hindi nararapat
(Efeso 5:16)

Kung usapang kabanalan lang, tiyak na hindi na ako kasali.


Mas malubha man ito sa pagkakaroon lang ng vague feeling ngunit ngayon kilala na natin ang
kaaway. Ang mga kasalanan ay detalyado at specific. Wala na ito sa dating taguan. Maari ko nang
tignan ito sa mata. Ngayon, hindi lang ako nagtatampo na parang bata sa aking pagkalumo kundi
ay humihingi nan g kapatawaran kay Kristo sa hindi pagsunod sa mga bagay na Kanyang inutos.

Ako ngayo’y may panglulumo at galit sa kasalanan. Gusto kong patayin ang kasalanang nasa
sakin, hindi ang aking sarili. Hindi ako suicidal kundi isa akong taong galit sa kasalanan at
mamatay-kasalanan. ( “Kaya dapat mawala sa inyo ang mga pagnanasang makalaman” Col 3:5;
“patayin ang mga gawa ng katawang makalaman” Rom 8:13.) Gusto kong mabuhay kaya naman ay
kailangan kong maging mamatay ng aking kasalanan.

Sa conflict na ito, naririnig ko ang pangakong “Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos an gating
mga kasalanan, maaasahan nating patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat
n gating kasalanan, sapagkat Siya’y tapat at matuwid” (1 John 1:9). Ang kapayapaan ay tiyak na
mangingibabaw.

Sa ganoong paraan, an gating panalangin ay kaaya-aya at makapangyarihan uli.

This article was translated by Paulo Radomes and was originally written by John Piper of Desiring God.
To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/how-to-repent

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts

John Piper

Ang Pagsubok na Nagpaaalala

21 Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na 22 ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit

John Piper

Paano Paglingkuran ang Masamang Amo

Maglingkod kayo nang masaya ang kalooban na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. 8 Sapagkat alam ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang bawat

John Piper

Ang Lunas sa Pagmamataas

Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at ganoong bayan at isang taon kaming mananatili roon, mangangalakal kami

Alistair Begg

Pag-ibig sa Gawa

Minamahal, huwag kayong maghiganti, kundi ipaubaya ninyo ito sa poot ng Diyos, sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Sa halip,