Paano Natin Malalaman Ang Ating Limitasyon?

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ang pagtanggi na kumain ng espesyal na pagkain na nakatalaga sa kanila ay tila isang katakatakang lugar para kay  Daniel at sa kanyang kapwa kabataang Judio na maglagay ng limitasyon . Ngunit sa Lumang Tipan, isa sa mga natatanging katangian ng bayan ng Diyos para mahiwalay sila sa ibang bayan ay ang mga batas na sinusunod nila tungkol sa kung ano ang kanilang pwede at hindi na kakainin at iinumin. Ang pagpili ng pagkain para sa mga tao ng Diyos ay hindi lamang panlabas na pagpapakita na walang gaanong kahulugan; sa halip, ito ay panlabas na katuparan ng kanilang malalim na paniniwala tungkol sa  kung ano ang ibig sabihin ng pagiging sa Diyos.

Nalalaman natin kung nasaan ang mga kabataang dinala at kung ano ang kanilang gagawin at kung ano ang pinangalan sa kanila, ang huling koneksyon nila sa kanilang pinagmulan at pananampalataya ng mga Judio ay ang batas ukol sa pagkain. Kaya sabi ni Daniel, “Kaya ko ito, at kaya kong tanggapin iyan, pero hanggang dito na lang ako. Maglagay ako ng limitasyon; Hindi ko ito isasantabi, at paninindigan ko ito.”

Maging May Paninindigan, Hindi May Nakakasuyang Pag-Uugali

Huwag nating isipin si Daniel at ang kanyang mga kaibigan ay na diyan lang para kainisan. Huwag natin ikalito ang pagiging makadiyos sa pagiging kasuklam-suklam.

Hindi, si Daniel ay “Niloob…ng Diyos na siya’y kalugdan at pagbigyan ni Aspenaz. ” (Daniel 1:9, Magandang Balita Biblia). Kalaunan, nang tumayo sila sa harap ng hari, sila ang pinakamatalino at may mas malalim na kaunawaan sa kanilang mga kaklase, kumpara sa mga kaklaseng isinilang sa Babilonia (mga talata 19–20). Matatalino, makikisig, at masisipag sila. Sila’y tutok sa pag-aaral, nagpapakita sila sa oras, at naging mabubuting estudyante. At gayon pa man may puntong hindi nila dapat labagin.

May isang bagay na nasa loob nila, kaya nagkaroon ng determinasyon sa kanila, at iyon ang naging dahilan upang gawin nila ang paninindigan na ito at ilagay sa panganib ang mga kanilang sarili at sukat kasuklaman sila ng hari (na may posibilidad na ipapatay sila).

Ibinubunyag ng Krisis ang Nasa Loob ng Ating Sarili 

Ang ganyang pagpapasya ay hindi lang isang biglaang desisyon. Hindi ito dumarating ng madalian; Hindi na rin ito lumalabas sa sandali ng paghamon. Inihahayag ng krisis kung ano ang nasa loob ng isang tao; Hindi nito nilikha ito kundi binubulgar. At sa sandaling ang mga lalaking ito ay humarap sa hamon, handa silang sabihin, “Hindi, hindi kami ay bibigay sa anoman gusto nila sa amin.”

Huwag nating isipin na hindi mabigat ang kanilang desisyon, dahil sa agwat natin sa kanilang panahon, kultura, at lugar.

Maaring maisip natin na natukso silang sabihin na: Malayo tayo sa Jerusalem. Iba na ngayon. Nagbago na ang panahon. Iba na ang ihip ng hangin at napakalakas nito para labanan natin, at ang paglaban dito ay hindi makakabuti o makakatulong. Nandito tayo sa Babilonia, at kailangan nating magadhika para magtagumpay sa buhay sa bayan na ito. Yung mga bagay na itinuro ng ating mga ninuno: hindi naman talaga ganoon kaimportante, di ba? (Huwag isipin na ang kaisipan ay nakakulong sa sinaunang kasaysayan ng Judea. Ito ay buhay na buhay sa bawat henerasyon, lalo sa kasalukuyang estado ng Kristiyanismo.)

Tumanggi sina Daniel, Hananias, Misael, at Azarias na tahakin ang landas na iyan. Isang patay na isda lamang ang nagpapadala sa agos; Isang buhay na isda lamang ang lumalangoy laban sa umaagos na tubig. Sila ay lalangoy laban sa agos. Ihihayag na nila ang kanilang limitasyon, maliwanag sa  kanila ang bagay na iyon, at hindi nila ito babaguhin.

Pagkakaroon ng Lakas dahil sa Soberanya ng Diyos

 Bakit ang apat na lalaking ito ay handa at alam ang kanilang limitasyon , at tumayo nang matatag at tumangging baliin ito, samantalang sila ay ginigipit sa mga  pamamamaraang hindi lubos maisip natin? Dahil kilala nila ang Diyos.

Tatlong beses sa unang kabanata ng aklat ni Daniel, sinabi sa atin na “Pinahintulutan ng Panginoon…” at ang mga salitang ito ang susi sa pag unawa sa kabanata. Ang Diyos ang may kontrol. Siya ang may kontrol sa malalaking pangyayari sa mundo; ang pagsalakay at tagumpay ng Babilonia ay nangyari dahil ibinigay ng Diyos kay Nebucadnezar ang tagumpay na iyon.

Ang Diyos na nagbigay sa kanila ng malaking pagpapala na makikita natin sa kasaysayan ng Juda at ng kanilang buhay, ay ang Diyos din na nagbigay ng tagumpay sa mga mananakop. Ang Diyos ang may pananagutan sa pagkatapon ng Kanyang bayan sa Babilonia; Ang Diyos ang may pananagutan sa pagkawasak ng Kanyang templo. Si Nebucadnezar ay maaring umangkin ng papuri, ngunit ang Panginoon ang siyang sumasaklaw nito. At ang Diyos ang may kontrol sa bawat interpersonal na pakikipag ugnayan at mga indibidwal na kinalabasan.

Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.
Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.

Related Posts

John Piper

Ano ang Ginawa ni Hesus para sa Kamatayan

Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom. 28 Gayundin naman, si Cristo’y minsan lamang inihandog upang pawiin ang mga

Jeff Chavez

Irresistible Grace Part 2

The goal of this series is to magnify God’s sovereign grace and to humble man’s pride. This blog post is based on Covenant Reformed Seminary

Jeff Chavez

Irresistible Grace Part 1

The goal of this series is to magnify God’s sovereign grace and to humble man’s pride. This blog post is based on Covenant Reformed Seminary

Jeff Chavez

Limited Atonement Part 2

The goal of this series is to magnify God’s grace and to humble man’s pride. This is blog post is based on Covenant Reformed Seminary