Minamahal, huwag kayong maghiganti, kundi ipaubaya ninyo ito sa poot ng Diyos, sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Sa halip, “kung ang iyong kaaway ay nagugutom, pakainin mo siya; kung siya’y nauuhaw, bigyan mo siya ng maiinom; sapagkat sa paggawa mo nito ay magbubunton ka ng mga baga sa kanyang ulo.”
Roma 12:19–20
Ang “mga nagbabagang baga” sa talatang ito ay hindi nangangahulugang paghihiganti o sakit. Sa halip, ito ay simbolo ng kahihiyan at pagsisisi na nararamdaman ng mga tao kapag, sa halip na gantihan sila ng nararapat sa kanilang ginawa, ay ipinapakita natin sa kanila ang kabaitan at pagiging bukas-palad. Ito ang epekto kapag ang mga Kristiyano ay tinatrato ang mga nagkamali sa kanila nang walang poot o paghihiganti, kaya’t ito ay tunay na kahima-himalang kilos. Kapag nangyari ito, ayon kay John Calvin, maaaring “masira ang isip ng kaaway sa dalawang paraan. Maaaring siya’y lumambot dahil sa kabaitan, o … maaaring siya’y masaktan at magdusa dahil sa pagsaksi ng kanyang konsensya.”
Kaya’t ang mga baga na ito ay hindi para magdulot ng sakit kundi ng pag-heal. Ang ating mga mapagbigay na aksyon ay dapat maghikayat ng pagkakasundo, na nagdadala sa tao sa atin, hindi nagtutulak sa kanya palayo. Katulad ito ng awa na tinanggap natin mula sa Diyos noong tayo’y mga kaaway pa Niya (Roma 2:4; 5:8).
Kung tayo’y magiging tapat, hindi talaga ganitong klase ng baga ang hinahanap natin kapag tayo’y nasaktan at naagrabyado. Marami sa atin ang magiging masaya na malaman na ang mga baga ay talaga namang bumagsak sa ulo ng ating mga kaaway, na nag-iwan ng paso at peklat sa kanila. Sa katunayan, ito ay tila hindi na sila nagkulang! Pero ito ay nagpapakita ng ating kahinaan at hindi ng ating pananampalataya. Hindi ito tumutukoy o tunog tulad kay Jesus. Iyon ang dahilan kung bakit napaka-hamon ng mga talatang ito.
Pansinin na ang salita ng Diyos ay hindi lang tayo sinasabihan na huwag maghiganti, kundi magpakasigasig na magbigay ng pagpapala. Kapag hindi tayo nagre-react sa poot, hindi pa tayo ganap na sumusunod. Bilang mga tagasunod ni Jesus, hindi lamang tayo dapat umiiwas sa paggawa ng masama sa ating mga kaaway; dapat din tayong gumawa ng mabuti sa kanila. Madali nating kumbinsihin ang ating sarili na ang pagwawalang-bahala sa ating mga kaaway ay sapat na solusyon o ito na ang pinakamas mahusay na magagawa natin; pero dito natin matutuklasan na talagang dapat natin silang pakitunguhan nang magaan! Ang ating tungkulin ay tumugon sa maling gawain nang may espiritu ng kabutihan, umaasang ang Diyos ay laging maghuhusga nang makatarungan at samakatuwid, hindi natin kailangan at hindi dapat maghukom (1 Pedro 2:23).
Kahit bilang mga miyembro ng katawan ni Cristo, marami pa rin sa atin ang nagtatangkang bigyang-katwiran ang ating pagsuway at paghihiganti na mga aksyon o kaisipan. Ngunit habang maaaring kayanin ng isipan ng ating mga kaaway ang ating mga argumento at maging matatag ang kanilang espiritu laban sa ating mga banta, ang pag-ibig sa gawa ay maaaring magdala sa kanila sa pagsisisi.
Paano kailangan ma-transform ang iyong puso o maapektuhan ang iyong mga aksyon ng mga talatang ito? Huwag mong iwasan ang hamon na ito. Ang bahagi ng paglago sa pagiging katulad ni Cristo ay ang paghahanap ng mga paraan upang gumawa ng mabuti sa iyong mga kaaway, na kumikilos mula sa labis na kabaitan at pagiging bukas-palad ng Diyos.
This article was translated by Domini Primero of DBTG and was originally written by Alistair Begg for Truth For Life. To read the original version, click https://www.truthforlife.org/devotionals/alistair-begg/6/29/2024/