Nakaramdam ka na ba ng pressure na magbigay? Yung bang kapag ang mga tao ay kumatok sa iyong pinto at humingi ng pera para sa layuning ito o iyon, o magpadala sa iyo ng isang email na humihingi ng iyong suporta? Hindi ito magandang pakiramdam, hindi ba?
Tila lahat ay may mga kamay sa mga panahong ito na hinihiling sa inyo na mag-ambag dito, duon o sa iba pang bagay. At ang hindi komportableng pakiramdam na iyon kung minsan, para sa akin, ay maaring nangyayari dahil sa isa sa dalawang dahilan. Una, ito ay maaaring dahil wala tayong puso para sa partikular na dahilan at ikalawa, dahil tayo ay natatakot na kung tayo ay magbigay, hindi magkaroon ng sapat na para naman sa sarili … at dahil diyan na-guiguilty tayo.
Ito ay hindi komportable, hindi ba? Kaya ano ang sagot?
2 Corinthians 9:7- 8 (Ang Dating Biblia 1905) Magbigay ang bawa’t isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka’t iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya. At maaaring gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo; upang kayo, na mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawa’t mabuting gawa:
Sa madaling salita, una, dapat tayong magbigay kung saan inaakay tayo ng Banal na Espiritu na magbigay, dahil sa lugar na iyon, madarama natin ang malaking kagalakan sa ating pagbibigay. Huwag madala ng pressure, huwag hayaan ang iyong sarili na mamanipula sa pagbibigay sa isang bagay na hindi komportable ka.
At kapag nagbigay ka, magbigay ng bukas-palad. Huwag matakot na magkulang ka para sarili kung magbibigay pa tayo, dahil hindi mo kayang lampasan ang pagiging mapagbigay Diyos. Hindi mo kaya, dahil mahal Niya ang mga masaya na nagbibigay. Maaari ka niyang bigyan ng higit pang mga pagpapala kaysa sa kailangan mo para lagi kang magkaroon ng maraming kasapatan para sa lahat. Eto ang katotohanan, magkakaroon ka ng sapat na maibibigay sa bawat mabuting gawa.
Magbigay ayon sa pagngunguna ng Espiritu.