Paghahanap Ng Isang Mabuting Church

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Isa sa mga pinakanakakalito na isyu  sa buhay Kristiyano sa ika-dalawangput isang siglo sa Amerika ay kung saan ka pupunta upang mag-church. Sa mga bagong mananampalataya na naghahanap ng kanilang unang tahanan na simbahan, sa mga matatagal na Kristiyano na lumilipat sa isang hindi pamilyar na lugar, at kahit sa mga nakaugat sa isang partikular na iglesia ay dapat harapin ang isyung ito nang seryoso. Iyon ay dahil napakarami ngayong mga “simbahan” na masasabi nating “pwede na”, na hindi talaga church, hindi tulad ng nitutukoy sa atin ng Bagong Tipan. Samakatuwid, kung naghahanap ka ng isang tahanan na simbahan, ang tanging lugar upang matuklasan kung ano ang tunay ay nasa Biblia. Ang aklat ng Mga Gawa ay  pinakikita sa atin ng isang blueprint para sa pamumuhay ng isang iglesia:

“Inilaan nila ang kanilang mga sarili upang matuto sa turo ng mga apostol, magsama-sama bilang magkakapatid, magsalu-salo sa pagkain ng tinapay, at manalangin. Dahil sa maraming himala at kababalaghang ginagawa sa pamamagitan ng mga apostol [sa Jerusalem], naghari sa lahat ang takot. Nagsama-sama ang lahat ng sumasampalataya at ang kanilang mga ari-arian ay itinuring na para sa lahat. Ipinagbili nila ang kanilang mga ari-arian at ang napagbilhan ay ipinamahagi sa bawat isa ayon sa kanyang pangangailangan. Araw-araw, sila’y nagkakatipon sa Templo at nagpipira-piraso ng tinapay sa kanilang mga tahanan, na masaya at may malinis na kalooban. Nagpupuri sila sa Diyos, at kinalulugdan sila ng lahat ng tao. At bawat araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas.” (2: 42-47, Mabuting Balita Biblia)

“Inilaan nila ang kanilang mga sarili upang matuto sa turo ng mga apostol…”

Ang unang bagay na matutuklasan natin tungkol sa sinaunang simbahan na ito ay nilaan nila ang kanilang mga sarili sa turo ng mga apostol. Narinig ng mga sinaunang mananampalatayang ang mga aral na ito sa mga apostol mismo; gayunman, mayroon din tayong katulad na turo na matatagpuan sa ating mga Biblia. Samakatuwid, ang isang mabuting church ay isang iglesia na nakasentro sa Bibliya. Walang nang mas mahalaga dito—hindi isang madaming membro, isang matalinong pastor, o mga karanasan dahil ng Banal na Espiritu ang batayan. Ang mga unang mananampalatayang ito ay hindi kailanman ginawa ang mga personal na karanasan na saligan ng kanilang pananampalataya, na isang karaniwang pagkakamali sa kapanahunan natin, dahil ang Bibliya ang pinakamataas na kasangkapan ng Diyos para sa hubugin ang kanyang mga pinili para maging katulad ni Jesus. Kung maglalaan ka ng oras upang basahin ang buong aklat ng Mga Gawa, matutuklasan mo na ito ang buod at sentro ng pangangaral.

Nakakalungkot, may mga mangangaral sa panahon natin ang binabaluktot ang Salita ng Diyos. Kung minsan ay nagmumula ito sa sinserong hangaring palambutin ang matitigas na puso, ngunit ang mga puso ay hindi binabago ng pagkukumpormiso. Maaaring matukso ang isang mangangaral na pababawin ang katotohanan tungkol sa kasalanan at ang pangangailangan ng pagsisisi (repentance), o ang mga mahihirap na bahagi tungkol sa pagkakatawang tao ni Jesus at pagbabayad sala Niya, at palitan ang mga ito ng mga maling pangako ng personal na kasaganaan o pagtuon sa mga isyung pampulitikal. O maaari niyang gamitin ang pamamaraan sa pagtuturo ang pagkukwento, na lumisan na sa turo ng Kasulatan at naglalahad na lang ng mga nakakatawang kuwento. Kaya, kung gayon, ang unang bagay na dapat hanapin sa isang iglesia ay nakalaan ito sa maayos na doktrina.

Inilaan nila ang kanilang mga sarili…magsalu-salo sa pagkain ng tinapay, at manalangin. “

Ipinakikilala sa atin ng Bibliya ang dalawang sakramento, o ordinansa, na ibinigay sa atin ng Panginoong Jesus mismo. Ang mga sakramentong ito—pagpapabautismo at Lord’ Supper—ay matatagpuan sa bawat mabuting simbahan, ibig sabihin, hindi ito opsyonal kahit na ang pakikibahagi sa mga sakramentong ito ay hindi nagliligtas sa sinuman; ang kaligtasan ay matatagpuan lamang kay Cristo mismo. Hindi ito pagpasok sa pagbabautismo na nagbubunga ng kaligtasan; gayunman, ang pagpasok sa pagbababautismo ay nangangahulugan ng paglilinis na dala ni Jesus. Gayon din naman hindi sa pamamagitan ng pagkain ng tinapay at pag inom sa saro tayo ay naligtas kay Cristo, bagkus, ang pagkain at pag inom ay nangangahulugan na tayo ay ligtas na. Ang mabuting simbahan ay magbibigay ng malinaw na paliwanag sa mga sakramento at kung paano makibahagi. Bukod sa mga sakramento, ang panalangin, ay mahalagang bahagi rin ng malusog na church. Ang isang mahusay na simbahan ay isasama ang panalangin sa pagsamba at nabibigyang diin ang sama-sama at personal na panalangin.

 “…naghari sa lahat ang takot…”

Kailangan nating malaman ang halaga ng pagsunod kay Cristo. Sabi Niya, kagalakan, malalim na paggalang, at pagkamangha ang katangian ng pagsamba ng mga mananampalataya sa iglesia ng Bagong Tipan. Naunawaan nila kung gaano kataas at banal ang Diyos—ang kanyang hindi masukat na pagiral (transcendence)—pati na rin ang katotohanang nanahan Siya sa kanyang mga hinirang—ang direktang pakikibahagi Niya (immanence). Ang mabuting church, samakatuwid, ay yaong pinapahalagaan ang malalim na paggalang sa  pagsamba. Gayunman, ang pagkakaroon ng katangiang ito ay hindi nangangahulugang limitado tayo sa isang partikular na istilo ng musika o sa istruktura ng liturgy. Sa katunayan, ang bawat pagsamba ay dapat na masayang pagdiriwang para sa mga  makapangyarihang pagkilos ng Diyos sa pamamagitan ng Panginoong Jesucristo. Bagama’t nararapat na maging marangal ang mga pagsamba, hindi tama na maging nakakabagot ito. Posible para sa isang marangal na pagsamba na maging boring at para sa mga pagpapahayag ng kagalakan na magkaroon ng walang paggalang, ngunit ang pattern sa unang iglesia ay hindi pagkakaroon ng marangal at masaya na magkasalungat sa isa’t isa, na kalimitan makikita sa kontemporaryong mga grupo ng evangelicals ngayon. Sa unang church ang lahat ay napuspos ng pagkamangha dahil naroon ang Panginoong Jesus; nagkaroon ng malalim na paggalang at kagalakan, pormal at hindi pormal, mayroon at walang sinusunod na istraktura.

Hinipan ang mga trumpeta at pinalo ang mga cymbal at ang iba pang mga instrumento ay sumali sa sama-samang tugtugan na ito at itinaas nila ang kanilang tinig sa papuri sa Panginoon at sila ay kumanta. Ang mga mananampalatayang ito ay hindi basta nagpapatangay sa bugso ng damdamin dahil ng musika, sa halip ay nagpapahayag ng tamang doktrina. Sa isang mabuting church, ang pagsamba ay nakatuon sa katotohanan at napupukaw ang isipan ng mga taong dadalo. Maaari rin itong maging emosyonal dahil ang emosyon na ito ay isang repleksyon ng mga puso na nasilo ng pagkamangha at papuri.

“Inilaan nila ang kanilang mga sarili…Nagsama-sama ang lahat ng sumasampalataya at ang kanilang mga ari-arian ay itinuring na para sa lahat. Ipinagbili nila ang kanilang mga ari-arian at ang napagbilhan ay ipinamahagi sa bawat isa ayon sa kanyang pangangailangan. Araw-araw, sila’y nagkakatipon sa Templo.”

Kapag iniisip natin ang salitang “fellowship” o pakikiniig sa bawat isa, may posibilidad tayong mag isip na ito ay paggugol Ng oras para sa kasiyahan sa mga taong katulad natin, ngunit ang biblikal na pakikipagkapwa ay higit pa sa pakikipagsosyalan. Ang mga mananampalataya ay may iisang buhay dahil tayo ay may iisang Tagapagligtas at pinakasundo tayo sa Diyos Ama sa pamamagitan Niya. Ang pakikipag-fellowship sa loob ng iglesia ay halos katulad ng isang pamilya, na nangangahulugan din na may mga pagkakataon kung saan kinakailangan ang kumprontasyon. Sa church, ito ay nasa anyo ng pagdidisiplina, at ang isang mabuting iglesia ay isasagawa ito para sa ikabubuti ng buong kongregasyon at higit sa lahat para sa espirituwal na kapakanan ng nagkakamaling mananampalataya.

Ang katangian ng totoong fellowship ay isang panawagan sa pagkakawang gawa. Sa aklat ng Mga Gawa nakikita natin na nakolekta ang salapi at ibinigay sa mga tunay na nangangailangan. Ang mabuting church, samakatuwid, ay isang simbahan na naghahangad na ipamahagi ang mga resources nito sa mga nangangailangan sa lahat ng oras at sa lahat ng kalagayan nang may mapagsakripisyong kagandahang loob.

“At bawat araw ay idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas.” 

Habang ang mga sinaunang mananampalatayang ito ay natututo, sumasamba, at nagbabahagi, hindi nila ito ginawa habang napapabayaan ang pangangaral ng ebanghelyo. Nalaman natin dito sa Mga Gawa na ang sinaunang church na ito ay dumarami sa bilang araw-araw. Subalit sino ang nagdaragdag? Si Cristo gumagawa niyon. Siya ang tagapanguna ng church; kaya, siya ang nagdaragdag sa iglesia, at karaniwang ginagawa niya ito sa pamamagitan ng pangangaral ng Salita, pagsamba, at tinig ng mga mananampalataya na nagpapalaganap ng mabuting balita ng ebanghelyo. 

Gayunman, sa panahon ngayon, marami tayong nakikitang pamamaraan ng pagsisikap upang ma-win ang mga kaluluwa para kay Cristo na hindi nakasentro sa Kanyang Salita. Ang gayong mga iglesia ay umaasa sa mga mapambola na pamamaraan, programa, packet, ideya at scheme sa halip na magpapahayag nang may tamang doktrina. Hindi ko nais na maliitin ang tamang paggamit ng mga programang may mabuting layunin; gayunman, ang mabuting iglesia ay yaong hangad ng mga miyembro na mamuhay bilang mga sugo ng Panginoong Jesucristo.

Kung naghahanap ka ng isang church, maghanap nlkackung saan ipinapahayag ang Salita, kung saan ang mga ordinansa at panalangin ay binibigyan ng malalim na pagpapahalaga, at kung saan ang pagsamba ay binibigyan ng mataas paggalang. Maghanap ng isang iglesia kung saan ang pakikiniig o fellowship ay nailalarawan sa kagalakan at pagiging bukas palad, at kung saan ang ebanghelyo ay matapang na ipinangangaral. Ganun lang kasimple.

This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by Alistair Begg for Truth For Life. To read the original version, click https://blog.truthforlife.org/alistair-begg-on-finding-a-church

Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.
Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.

Related Posts

John Piper

Ang Pinakamaliit na Pananampalataya

Maliwanag kung gayon, na ang pasya ng Diyos ay nababatay sa kanyang habag, at hindi sa kagustuhan o pagsisikap ng tao. (Roma 9:16 MBBTAG) Sa

John Piper

Ano ang Ginawa ni Hesus para sa Kamatayan

Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom. 28 Gayundin naman, si Cristo’y minsan lamang inihandog upang pawiin ang mga

Jeff Chavez

Irresistible Grace Part 2

The goal of this series is to magnify God’s sovereign grace and to humble man’s pride. This blog post is based on Covenant Reformed Seminary

Jeff Chavez

Irresistible Grace Part 1

The goal of this series is to magnify God’s sovereign grace and to humble man’s pride. This blog post is based on Covenant Reformed Seminary