“…sapagkat kay Cristo, ang lahat ng pangako ng Diyos ay palaging “Oo”. (2 Corinto 1: 20, MBB)
Kung “…kay Cristo, ang lahat ng pangako ng Diyos ay palaging “Oo”, (Magandang Balita Biblia)” sa makatuwid ang pagtitiwala sa Kanya ngayon sa kasalukuyan ay ang paniniwala na ang kanyang mga pangako ay magkatotoo.
Iyon ay hindi dalawang magkakahiwalay na pananampalataya – pagtitiwala sa Kanya, at paniniwala sa Kanyang mga pangako. Ang pagtitiwala kay Hesus – ang paniniwala kay Jesus para sa kaligtasan – ay nangangahulugang paniniwala na tinutupad niya ang kanyang salita. Ang pagiging satisfied sa ipinako sa krus at nabuhay na muli na si Jesus ay may kasamang paniniwala na sa bawat sandali sa hinaharap, hanggang sa walang hanggan, walang maghihiwalay sa atin mula sa Kanyang pag-ibig, o maiiwasan Siyang gawin ang lahat ng bagay para sa ating ikabubuti. At ang “mabuting” iyon sa huli ay nakikita at nalalasap ang kagandahan at halaga ng Diyos kay Cristo bilang ating kataas-taasang Kayamanan.
Ang confidence na ang all-satisfying na kabutihan na ito ay mananatili para sa atin magpakailanman ay batay sa lahat ng maluwalhating biyaya ng nakaraan, lalo na ang biyaya na hindi pagtatago ng Diyos sa Kanyang sariling Anak ngunit ibinigay Siya para sa ating lahat (Roma 8:32).
Kailangan nating tikman ngayon ang espiritwal na kagandahan ng Diyos sa lahat ng Kanyang nagawa sa nakaraan – lalo na ang kamatayan at muling pagkabuhay ni Cristo para sa ating mga kasalanan – at sa lahat ng Kanyang mga pangako. Nakaugat sa nakaraang biyaya, ang aming kumpiyansa at pagtitiwala ay humahawak sa lahat na ang Diyos mismo ay magiging para sa atin sa susunod na sandali, at sa susunod na buwan, at sa walang katapusang panahon ng kawalang-hanggan.
Siya at Siya lamang ang magsasatisfy sa kaluluwa sa hinaharap. At dapat nating siguraduhin ang hinaharap na ito, kung nais nating ipamuhay ang radikal na buhay Kristiyano na tinawag sa atin ni Kristo upang ipamuhay ito dito at ngayon.
Kung ang ating kasalukuyang kasiyahan kay Cristo ngayon – ang ating kasalukuyang pananampalataya – ay wala dito ang Oo sa lahat ng mga pangako ng Diyos, hindi nito tatanggapin ang kapangyarihan para sa radikal na paglilingkod sa lakas na ibibigay ng Diyos (sa bawat sandali sa hinaharap) (1 Pedro 4 : 11).
Ang aking dalangin ay ang pagsasalamin ng tulad nito sa likas na katangian ng pananampalataya sa hinaharap na biyaya (future grace) ay makakatulong sa amin na maiwasan ang mababaw, masyadong pinasimpleng mga pahayag tungkol sa paniniwala sa mga pangako ng Diyos. Ito ay isang malalim at kamangha-manghang bagay.
This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/faith-for-the-future
Marianito “Nitoy” M. Gonzales
Marianito “Nitoy” M. Gonzales is an ordinary guy who serves an extraordinary God. A government employee, blogger, and founder of https://delightinggrace.wordpress.com. Happily married to Cristy-Ann and father to Agatha Christie who worship and serve at Faithway Community Baptist Church, Sta. Rita Batangas City.