“Anim na araw na gagawa ka at iyong gagawin ang lahat ng iyong gawain. Nguni’t ang ikapitong araw ay sabbath sa Panginoon mong Dios:..” Exodo 20: 9-10 (Ang Dating Biblia,1905)
Matapos nating mapatunayan na ang ikaapat na utos ay nananatili para sa ating kapanahunan—isang utos ng Panginoon—at dahil may kahalagahan ito sa ating buhay, maaari na tayong mag-isip nang mabuti kung paano ito susundin. Ngunit dapat tayong maging maingat habang tinutukoy natin ang mga dapat gawain tungkol sa paggalang sa Sabbath (o Araw ng Pamamahinga sa ibang salin). Ang Panginoong Jesus, pagkatapos ng lahat, ay may ilang matitinding mga salita laban sa mga Fariseo tungkol sa paraan ng kanilang moral na partikularidad ay naging isang paraan hindi ng pagsunod kundi ng pagmamatuwid sa sarili (Marcos 2:23 – 3:6).
Kung gayon, isalalang-alang natin, ng may lubos na pagiingat at pagpapakumbaba, kung paano natin dapat alalahanin ang Sabbath at panatilihin itong banal. Paano natin mapipigilan ang mga makamundong alalahanin—ang mga paglilibang at gawain—na naghihimasok sa ating kasiyahan at pagsamba sa Diyos?
Isipin muna natin ang pagsamba natin. Anong mga uri ng pag-uusap ang karaniwang mayroon tayo bago magsimula ang worship service? Nababahala ba tayo sa mga bagay ng Diyos, o tungkol ba ito sa isports, pamilya, at lahat ng iba pang mga bagay? Kailangan buong loob nating unahin ang eternal na mga bagay sa ating isipan at bibig. Kung magpapasiya ka na sa inyong paghahanda sa pagsamba ay isasantabi mo ang bawat prayoridad na mamalaki para sa ibang mga araw, tinitiyak ko na mababago ang nilaan mong oras sa church.
Ganoon din sa pagkatapos ng worship service. Kapag naawit na ang huling awitin at natapos na ang service, gaano kabilis bago bumalik sa makamundong mga bagay ang inyong isipan at pag-uusapan? Kung sa halip ay magkasundo tayong ilaan palagi ang oras pagkatapos ng service sa usapan na tungkol sa kadakilaan ng Diyos, sa katotohanan ng Kanyang Salita, at sa kamangha-manghang pakikitungo Niya sa atin, at sa pagpapanalangin sa bawat isa tungkol sa darating na linggo at sa mga pagsubok na ating kinakaharap, kung gayon mas mauunawaan natin ang mga talata ng “isa’t isa” sa Bagong Tipan tungkol sa pagpapalakas ng loob ng isa’t isa (Hebreo 10:25), nagsasabi ng katotohanan sa isa’t isa (Efeso 4:25), at nagpapatibay sa isa’t isa (I Tesalonica 5:11)—sapagkat nais nating ipamuhay ang mga ito.
Katulad din sa ating pribadong gawain sa Araw ng Panginoon, ang espiritwal na pag-iigi ang dapat prayoridad. Maaaring mangahulugan iyan ng pagsamba ng pamilya, pagbabasa ng mga nakapagpapatibay na aklat, panalangin, pagtalakay sa ipinangaral nang umagang iyon, at marami pang iba—ngunit anuman ang ibig sabihin nito, dapat nating gawing mithiin na huwag hayaang ang mga alalahanin sa ating anim na araw ang tumulak sa ating espirituwal na kasiyahan sa unang araw ng linggo.
Kung nais mong makinabang mula sa pagsunod sa Sabbath, at kung nais mong seryosohin ang ikaapat na utos, kung gayon ang iyong kombiksyon ay dapat na maging tagapagpaliyab sa iyong pagkilos, at ang minimithi mo ay dapat maging gawa. Iwasan ang paggawa ng mga patakaran na nagtataguyod lamang ng sariling pagmamatuwid, ngunit isaalang-alang kung may kailangang baguhin. Paano mo pananatilihing banal ang Sabbath kapag dumating ulit ang Linggo?
Basahin
Isaias 58:13-14 (Magandang Balita Biblia)
Sinabi pa ni Yahweh, “Inyong igagalang ang takdang Araw ng Pamamahinga,
huwag kayong gagawa para sa pansariling kapakanan sa araw na banal.
Sa araw na ito’y mamamahinga kayo at huwag maglalakbay,
o gagawa o mag-uusap ng tungkol sa mga bagay na walang kabuluhan.
At kung magkagayon, madarama ninyo ang kagalakan ng paglilingkod sa akin.
Bibigyan ko kayo ng karangalan sa harap ng buong daigdig;
at tatamasahin ninyo ang kaligayahan habang naninirahan sa lupaing ibinigay ko sa ninuno ninyong si Jacob.
Mangyayari ito sapagkat akong si Yahweh ang nagsabi nito.”
Isaias 59:1-2 (Magandang Balita Biblia)
Hinatulan ang Pang-aapi at Walang Katarungan
Tingnan ninyo, si Yahweh ay may kakayahan upang iligtas ka;
siya’y hindi bingi upang hindi marinig ang inyong hinaing.
Ang masasama ninyong gawa ang dahilan ng pagkawalay ninyo sa Diyos.
Nagkasala kayo kaya hindi ninyo siya makita,
at hindi niya kayo marinig.
This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by Alistair Begg for Truth For Life. To read the original version, click https://www.truthforlife.org/daily/?date=3/1/2023&tab=alistair_begg_devotional