Panatilihin ang Sabbath, Unang Bahagi

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

“Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin.” Exodo 20: 8 (Ang Dating Biblia, 1905)

Sa buong kasaysayan ay may mga Kristiyano na may mabubuti at masigasig, marahil hindi nila sinasadya, ay naniniwala ang Sampung Utos ay talagang Siyam na Utos lamang. Habang lumalaon, ilan ay nagpasya na ang ikaapat na utos ay hindi tulad ng iba pang mga utos sa halip ay isang reliko na nabibilang sa nakaraan. Gayunman, sa totoo, ang utos na alalahanin ang Sabbath (o “Araw ng Pamamahinga” sa ibang salin) at panatilihing banal ito ay may nanatiling kahalagahan para sa ating lahat, maging sa kasalukuyan.

Bakit ang simpleng utos na ito ay nagdadala ng kalituhan sa atin? May ilan na nagsabing ang mga tuntunin at parusa nito ay nakatali sa Lumang Tipan, kaya hindi na ito dapat pahalagahan sa kasalukuyan. Subalit hindi natin tinatrato ang iba pang mga Utos sa ganitong paraan. Sinabi ng iba na ang paraan ng pagsasalita ni Jesus tungkol sa pagiging “panginoon ng Sabbath” (Mateo 12:8) ay nabawasan ang kahalagahan at tibay ng kautusan. Ngunit ang hinahangad ni Jesus na ibagsak ay hindi ang Sabbath mismo kundi ang mga panlabas na patakaran ng mga Fariseo.

Mayroon akong hinala na ang pumipigil sa karamihan ng mga Kristiyano na isipin ang ikaapat na utos ng nararapat ay ang simpleng hindi natin gusto ang mga implikasyon nito. Hindi natin gusto ang paraan ng pagpasok nito sa ating buhay, ang ating paglilibang, at kung ano pa ang mas nauuna sa ating puso. At kaya kumikilos tayo na tila ang utos na ito ay nasa ibang kategorya hiwalay sa iba pang siyam.

Kung nais nating maunawaan ang kahalagahan ng Sabbath at tumugon dito sa isang paraan na napaparangalan ang Diyos, dapat nating ituring , at makaroon ng isang pinaninindigan, ang katotohanan na isinaisantabi ng Diyos ang araw ng Sabbath bilang isang natatangging araw. Nahahalintulad ito sa Linggo ng Paglikha, na ang Diyos ay nagpapahinga sa ikapitong araw at ipinapahayag na ito ay pinabanal. Ang church, sa panahon ng bagong tipan, ay binago ang araw mula sa ikapitong ng linggo sa pinakauna upang markahan ang muling pagkabuhay ni Cristo. Sa parehong mga pagkakataon, nakikita natin na ang pagtatangi ng araw ay nakakonekta sa gawain ng Diyos ng paglikha at pagliligtas.

Sa paniniwalang ito, makikita natin na ang araw iyon ay hindi lamang isang araw na inihiwalay mula sa ibang mga araw, kundi ito ay isang araw na inihiwalay o itinalaga para sa Panginoon. Kung hindi natin ito makikita sa ganitong paraan, matutukso tayong tingnan ang ating mga espirituwal na gawain sa Araw ng Panginoon bilang isang bagay na dapat “mairaos” lamang upang hindi “makaabala” sa nalalabi araw ng ating linggo. Kung ito ang ating mentalidad, tayo ay nakatayo na sinusumpa ng ikaapat na utos.

Ang Sabbath ay dapat pahalagahan para sa kung ano ito: isang regalo ng isang araw na dapat tamasahin natin, na hindi mapuputol ng ating paglilibang o (kung maaari) sa pamamagitan ng trabaho, ang pribilehiyo ng presensya ng Diyos, ang pag aaral ng Salita ng Diyos, at ang pakikipag-fellowship sa mga pinili ng Diyos. At dahil nakikita natin ito sa ganoong paraan, ang utos na ito ay nagiging isang paanyaya: hindi lamang isang bagay na dapat nating gawin kundi isang bagay na gusto nating gawin. Kung hindi ganito ang pagtingin mo sa Sabbath ng Diyos, tanungin mo ang iyong sarili: Ano ang pumipigil sa iyo na parangalan ang Araw ng Panginoon? Isantabi ang inyong mga nakagawian at tanggapin ang kaloob na Sabbath. Mula sa susunod na Linggo, siguraduhin na ang iyong prayoridad ay hindi upang gawing maginhawa ang Araw ng Panginoon para sa iyo kundi upang panatilihin itong banal.

Mga Tanong Na Dapat Pag-Isipan

Paano ako tinawag ng Diyos na magkaroon ng ibang kaisipan?

Papaano binabago ng Diyos ang pinapahalagahan ng aking puso?

Ano ang tinatawag ng Diyos sa akin na gawin habang ginugugol ko ang araw na ito?

Basahin

Mga Hebreo 4:1-11 (Magandang Balita Biblia)

Kaya nga habang nananatili ang pangako ng Diyos, na tayo’y makakapasok sa kapahingahang sinabi niya, mag-ingat kayo at baka mayroon sa inyong hindi makatanggap ng pangakong ito.  Sapagkat tulad nila’y napakinggan din natin ang Magandang Balita, ngunit hindi nila pinakinabangan ang balitang kanilang narinig dahil hindi nila ito tinanggap nang may pananampalataya.  Tayong mga sumampalataya ay tumatanggap ng kapahingahang ipinangako. Ito’y ayon sa kanyang sinabi,

“Sa galit ko’y aking isinumpa,

    ‘Hindi sila makakapasok sa lupain ng kapahingahang aking ipinangako.’”

Sinabi niya ito kahit tapos na niya ang kanyang mga gagawin mula nang likhain ang sanlibutan.  Sapagkat sinasabi sa isang bahagi ng kasulatan ang ganito tungkol sa ikapitong araw, “At sa ikapitong araw, nagpahinga ang Diyos sa kanyang paglikha.”  At muli pang sinabi, “Hindi sila makakapasok sa lupain ng kapahingahang aking ipinangako.”  Ang mga unang nakarinig ng Magandang Balita ay hindi nakapasok sa lupain ng kapahingahan dahil hindi sila sumampalataya. Ngunit may mga inaanyayahan pa ring pumasok sa lupaing iyon ng kapahingahan.  Kaya’t muling nagtakda ang Diyos ng isa pang araw na tinawag niyang “Ngayon”. Pagkalipas ng mahabang panahon, sinabi sa pamamagitan ni David sa kasulatang nabanggit,

“Ngayon, kapag narinig ninyo ang tinig ng Diyos,

    huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso.”

 Kung ang mga tao noon ay nabigyan ni Josue ng lubos na kapahingahan, hindi na sana ipinangako pa ng Diyos ang tungkol sa isa pang araw ng kapahingahan. Kung paanong nagpahinga ang Diyos sa ikapitong araw, mayroon ding kapahingahang nakalaan sa mga taong sumasampalataya sa Diyos,  sapagkat ang sinumang makapasok sa lupain ng kapahingahang ipinangako ng Diyos ay magpapahinga rin sa kanyang pagpapagal, tulad ng Diyos na nagpahinga sa kanyang paglikha. Kaya’t sikapin nating makamtan ang kapahingahang iyon at huwag mabigong tulad ng mga hindi sumasampalataya.

This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by Alistair Begg for Truth For Life. To read the original version, click https://www.truthforlife.org/daily/?date=02/28/2023&tab=alistair_begg_devotional

Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.
Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.

Related Posts

John Piper

Ang Pagsubok na Nagpaaalala

21 Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na 22 ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit

John Piper

Paano Paglingkuran ang Masamang Amo

Maglingkod kayo nang masaya ang kalooban na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. 8 Sapagkat alam ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang bawat

John Piper

Ang Lunas sa Pagmamataas

Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at ganoong bayan at isang taon kaming mananatili roon, mangangalakal kami

Alistair Begg

Pag-ibig sa Gawa

Minamahal, huwag kayong maghiganti, kundi ipaubaya ninyo ito sa poot ng Diyos, sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Sa halip,