Ano ang pinaka nakakatakot na verse sa Bibliya? Para sa ilang mga Kristiyano maaaring ito ay utos ng “matinding pagkawasak” ng mga taga-Canaan sa Deuteronomio 7:2 o ang hitsura ng hayop sa Pahayag 13:1. Ngunit para sa akin, ang pinaka nakakatakot na bahagi ng Banal na Kasulatan ay ang mga salita ni Jesus sa Mateo 12:36: “At sinasabi ko sa inyo, na ang bawa’t salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom.” (Ang Biblia 1978)
Sa halos buong buhay ko, ang pagsasalita ng mga walang ingat na salita — lalo na sa anyo ng tsismis — ay naging isang prominenteng kasalanan.
Dinidefine ng Oxford English dictionary ang tsismis bilang kaswal o walang pigil na pag-uusap o ulat tungkol sa ibang mga tao, na kalimitang kinasasangkutan ng mga detalye na hindi nakumpirma na totoo. Nang tanungin tungkol sa kahulugan sa Bible ng tsismis, tinukoy ni John Piper ang term na, “Ang mapanirang impormasyon tungkol sa isang tao na mayroon ka na ibinahagi sa iba sa isang paraan na pagiging kompidensiyal, na walang intensiyon na mapabuti sila, at nasisiyahan ka doon sa paraang ipinapakita ang iyong puso na hindi ka humble.”
Ang tsismis ay isang seryosong kasalanan na kinukondena ng Banal na Kasulatan.
Ang tsismis ay isang seryosong kasalanan na kinukondena ng Banal na Kasulatan. Inugnay ni Paul ang tsismis sa pagpatay at paninirang puri sa Roma 1:29. Inuugnay din niya ang tsismis at paninirang puri sa 2 Corinto 12:20 at sa mga tamad at pangingialam sa 1 Timoteo 5:13. Bakit nga ba tayo nang titsismis? Sapagkat ito ay isang uri ng pagkokontrol sosyal, isang paraan upang “ilagay ang isang tao sa dapat kalagyan niya .” Ang layunin ng paglahok sa tsismis at paninirang puri ay upang pabagsakin ng isang karibal o ang kanilang kamag-anak sa katayuan sa lipunan.
Ang layunin ng paglahok sa tsismis at paninirang puri ay upang pabagsakin ng isang karibal o ang kanilang kamag-anak sa katayuan sa lipunan.
Bakit Gusto Natin Ang Tsismis
Ang paggamit ng tsismis bilang isang uri ng social napagkontrol ay mura at epektibo. Ang downside ay, napatunayan na ng kasaysayan, hindi ito nasusukat. Ang tsismis ay maaaring kumalat ng mabilisan sa loob ng komunidad—sa trabaho, sa simbahan, o sa bayan—ngunit ang paglabas ng mensahe sa mas malawak na anyo ay kadalasang hindi nakakamit o kayay magastos. Sa kasaysayan nasasaad, sa malawakan pagpapalaganap ng tsismis ang humahawak lang ay ang pamahalaan o ang media dahil sa kakayanan nitong ibahagi sa masa.
Sinabi rin ng economistang si Tyler Cowen na ito ay ang nakatagong layunin ng media. “Anuman ang sabihin sa iyo ng media sa kanilang trabaho,” sabi ni Cowen,
“ang pangunahing gawain ng media talagang pukawin ang interest ng manonood sa pamamagitan ng pagaangat o pagpapabagsak ng isang partikular na indibidwal ng kanyang katayuan.” Dagdag pa niya,
“Ang katayuan ng mga indibidwal na ipinahiwatig ng isang partikular na media source ay hindi kailanman katulad ng sa atin, at ni sa kalingkingan natin. Mayroon kang higit pa na galit at pagkontra sa nasagap mong balita sa kanila kaysa sa makakuha ka ng isang positibo at di malilimutang pagbabago mula sa iyong mga sinangayunan na balita.”
Sa kabuuan, (ang ilan) media ay insulto sa sarili mong personal na katayuan. Maaari mo pa ngang sabihing iniinsulto ka nga ng media. Sa katunayan, iyan ang dahilan kung bakit nasisiyahan ang ibang tao sa mga pinagkukunan nilang media na iyon, dahil nasisiyahan sila sa inyong narating, at ang katayuan ng inyong mga pinaniniwalaan, na binabagsak nila. Para silang naghahagis ng pie sa inyong mukha.
Bilang kapalit, kinaiinisan mo ang media.
Bagama’t maaaring matagal na ang katotohanang ito sa media, ang mga pagbabago sa teknolohiya sa komunikasyon mula noong 1990s ay mas lumawak at naging mas demokratiko kung ano ang bumubuo sa “media.” “Ang Internet, smart phone, at social media (ISS) ay pinabalik tayo ng 20,000 taon sa nakalipas,” sabi ng ekonomistang Arnold Kling. “Ibig sabihin, mas umaasa na tayo ngayon sa tsismis kaysa noong maliliit na tribo pa tayo.”
Ang tagumpay ng internet, smart phone, at social media—o ISS ani ni Kling—ay pinagsama upang lumikha ng isang bagong usbong na entity na maaari nating tawagin ang “Gossip Machine”. Ang “paglitaw” ay nangyayari kapag ang isang entity ay may mga katangian o pag-uugali ay nagpapakita lamang kapag ang mga ilang bahagi ay nakikipag-interact sa mas malawak na kabuoan. Maaari nating isipin ang Gossip Machine bilang isang entity na umaasa sa, ngunit ay hindi kapareho ng internet, smart phone, at social media (dahil ang ISS ay siyempre, ay ginagamit para sa ibang intensyon maliban sa tsismis).
Kung bakit naiiba ang Gossip Machine mula sa ISS ay na ito ay hindi lamang sa paghahasik ng isang tsismis at dahil kayang akitin tayo upang makabuo ng bagong tsismis. Lahat tayo ay may hangaring ibagsak ang katayuan sa lipunan ng ibang tao, mga kaibigan, pamilya, o kaaway. Gayunman, para sakaramihan sa atin at sa haba ng panahon, ang hangaring ito ay para bang nahimbing. Hinihikayat tayo ng Gossip Machine gisingin ang pagnanasang ito ito at magkasala.
Tatlong Hakbang Para Maging Kasalanan ang Isang Hangarin
Ayon kay Augustine, mayroong tatlong mga hakbang nainvolved para udyukin ang isang hangarin na maging kasalanan: iyan ay ang suhestiyon, kasiyahan, at pahintulot. Ang suhestiyon ay dumating kapag natutukso tayo ng isang pagnanasa, alinman sa pamamagitan ng mga naaalala o nararamdaman natin. Ang kasiyahan ay kapag nalalaman natin na masisiyahan tayo sa pagkakaroon ng isang bagay na ipinagbabawal. (Ayon kay Augustine, dapat suriin mabuti ito gamit ang tamang pagrarason.) Ang pahintulot ay kapag hindi natin sinusuri ang isang bagay ng tamang pagrarason, at sa gayon ay hinahayaan natin ang sarili malulong sa inanasang ipinagbabawal. Ang Gossip Machine ay nakakaapekto sa bawat isa sa tatlong mga hakbang na ito.
Ang unang bahagi ng suhestiyon ay dumating kapag hinihimok tayo ng Gossip Machine na ipahayag ang ating sarili — kahit na wala naman tayong kailangang sabihin. Halimbawa, sa Facebook natutugunan ko ang tanong na, “What’s on your mind, Joe?” at sa Twitter na “What’s happening?” Naaakit ako naibahagi ang aking mga saloobin at opinyon o maiiwan ako sa usapan. Ang pangalawang bahagi ng suhestiyon ay dumating kapag nag-scroll tayo sa social media upang makita kung ano ang saloobin ng iba. Ang mga nakapost ay madalas nagumagamit ng tsismis at paninirang-puri upang maibagsak ang katayuan ng ating mga karibal. Kung sa palagay mo ay exaggerated lang ako, tingnan ang iyong sariling mga feed at tingnan kung gaano karaming nagpopost at nagkokomento ang sila ay “nagiging makakaliwa,” “cancelled” ang isang tao para sa pagkakaroon ng ibang idea, o i-share ang isang hindi kupermadong pasaring na nakakababa ng pagkatao.
Ipinapakita sa iyo ng Gossip Machine ang mapanulsol na mensahe (“Sinusubukan ng iyong mga karibal na ibagsak ang iyong katayuan!”) At pagkatapos ay bibigyan ka ng mga paraan magreply ng para bang may kahinahunan. Ngunit nagbibigay din ang Gossip Machine ng kaligayahan. Matapos i-post ang tsismis makakakuha ka ng mga likes at shares at retweet at ng dopamine rush dahil sa pagsangayon ng publiko ang iyong mga sinasabi. O, upang mailagay ito sa salita ng neuroscience, “ang pagbibigay at pagtanggap ng Likes – ay isang unique na tampok sa pagiging online na kahawig sa panlipunan at perang gantimpala sa iyo- magkakaroon ito ng matatindi at paulit ulit paguutos sa ating utak upang maghanap pa ng ibang paraan upang makakuha muli ng gantimpala.” Ang panghuling hakbang — pahintulot sa ipinagbabawal na pagnanasa — dahil ito ay sa ginagawa ng Machine ang tsismis na nakakalugod, kapwa pisikal at emosyonal kaysa sa pag-iwas sa pagkakasala dahil ng tukso .
Gera Laban sa Gossip Machine
Paano natin mapipigilan ang impluwensya ng Gossip Machine? Maaari tayong magsimula sa pamamagitan ng pagtingin sa kung paano nadaig ng iba ang isang nauugnay na umuusbong na entity ng ISS, ang Pornography Machine. Dalawa sa mga pinaka mabisang sandata upang labanan ang pornograpiyang nauugnay sa ISS ay ang pag-iwas at pagiging accountable: iwasan ang pinagmulan ng tukso at pakakaroon ng mga taong accountable kung sakaling matumba ka.
(Habang ang dalawa parang mahirap, ang pagiging accountable ay maaaring maging pinaka-mahirap, dahil maraming mga Kristiyano ay hindi tanggap sa ideya na ang paninirang-puri at tsismis ay itinuturing na mga kasalanan kapag ginamit para sa mabuti na hangarin ng pagpapabagsak ng kanyang kaaway.)
Upang epektibong labanan ang Gossip Machine, kailangan nating simulang makita ang tsismis at paninirang-puri bilang mga kasalanan na nagdadala sa mga tao sa impiyerno, at upang pagisipan mabuti ang walang ingat na salitang sinasabi nila. Sa isang sermon sa Mateo 5:22, sinabi ng Puritan theologian na si Jonathan Edwards na ang mga tao sa impiyerno ay hahangarin na magkasala sa buhay na ito ng mas konti para lang sa mundo. Kung ang mga makasalanan sa impiyerno ay hinahangad na konting pagtsistsismis para mamuhay muli sa mundo, gaano pa tayo na dapat magkaroon ng motibo na itakwil ang kasalanang ito?
This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by Joe Carter for TGC. To read the original version, click here
Upang epektibong labanan ang Gossip Machine, kailangan nating simulang makita ang tsismis at paninirang-puri bilang mga kasalanan na nagdadala sa mga tao sa impiyerno, at upang pagisipan mabuti ang walang ingat na salitang sinasabi nila.
Marianito “Nitoy” M. Gonzales
Marianito “Nitoy” M. Gonzales is an ordinary guy who serves an extraordinary God. A government employee, blogger, and founder of https://delightinggrace.wordpress.com. Happily married to Cristy-Ann and father to Agatha Christie who worship and serve at Faithway Community Baptist Church, Sta. Rita Batangas City.