Pinili Kita

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

“Ikaw ay kinuha ko sa mga dulo ng daigdig; sa pinakamalalayong sulok nito, sinabi ko sa iyo noon, ‘Ikaw ay aking lingkod.’ Pinili kita at hindi itinakwil. Ako’y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.” (Isaias 41:9-10 MBBTAG)

Nakakatukso na isipin na ang ating kahalagahan ay natutukoy ng kung ano ang nakamit natin, kung ano ang ating narating, o kung anong landas na ating tinatahak sa buhay. Subalit ang bawat isa sa mga ito ay walang kabuluhan kapag isinasaalang-alang ang ating pangmatagalang kahalagahan, na nakabatay lamang sa ating kaugnayan sa Diyos. Ang relasyon na ito ay hindi batay sa pangangarap ng gising lamang o mataas na opinyon sa ating sarili. Hindi, ito ay batay sa katiyakan ng mga salitang ito: ” Pinili kita at hindi itinakwil.”

Hindi ba natin binigyan ng dahilan ang Diyos para tanggihan tayo? Kung ang tipan (covenant) ng Diyos sa atin at pagtanggap sa atin ay batay sa ating kakayanan magampanan ang ating mga gawain sa araw-araw, kung gayon wala sa atin ang mananatili sa relasyon sa Kanya nang higit sa 24 na oras. Ngunit ang kamangha mangha ng Kanyang tipan sa atin ay ito ay batay sa Kanyang pagpili. Pinili Niya tayo, tinawag Niya tayo mula sa pinakamalayong sulok ng mundo, at hindi Niya tayo itataboy.

Bago tayo sumunod at maranasan ang biyaya ng Diyos, dapat natin itong maunawaan. Ang biyaya ay gamot sa lahat ng takot at pagkabalisa. Hindi natin kailanman mapagtatagumpayan ang pag-aalala sa pamamagitan lamang ng pag-uulit ng mga self-help na salita, ni hindi tayo magtatagumpay laban sa takot sa pamamagitan lamang ng mga payo ng iba na sundin ang hinihingi ng Kasulatan. Ang gayong pamamaraan ay magreresulta sa panghihina ng loob at pagdududa, maging sa kawalan ng pag asa.

Kapag may mga hindi kanais-nais na kaisipan—natatakot ako at nalulungkot, at hindi ko alam kung ano ang gagawin o mahina ako at walang halaga, at hindi ko alam kung paano magpatuloy—dapat nating ipaalala sa ating sarili ang biyaya ng Diyos, na nagsasabi sa atin, tinawag kita. Ikaw ang pinili ko. Mahal na mahal kita. Hindi kita tinanggihan. Ang biyaya lamang ng Diyos ang makakatulong sa atin na mapagtagumpayan ang ating mga takot at bigyan tayo ng ganitong pagtitiwala. Ang Kanyang mga pangako ay siyang nangingibabaw  na perspektibo, na nagtuturo sa atin na ituon ang ating isipan sa pag-asa na eternal at mamuhay sa liwanag ng katotohanan nito.

Mayroon ka bang mga ilog na sa palagay mo ay hindi matatawid? Mayroon bang mga bundok na hindi mo kayang maakyat? Natatakot ka ba sa isang bagong gawain na naghihintay sa iyo? Nakakaranas ka ba ng mga patuloy na paghihirap? Tandaan na ang katotohanan ng Diyos ay hindi nagbabago. Hindi nagbabago ang kanyang mga layunin. Hindi nagbabago ang Kanyang Anak. Ang hindi nagbabagong Diyos na ito ay ang Diyos na kasama mo at para sa iyo. Makinig sa Kanya ngayon: ” Pinili kita at hindi itinakwil. Ako’y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba. Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.”
This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by Alistair Begg for Truth For Life. To read the original version, https://www.truthforlife.org/devotionals/alistair-begg/3/16/2023/

Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.
Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.

Related Posts

John Piper

Tayo ang Maghahari sa Lahat ng Bagay

Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang umupo na katabi ko sa aking trono, tulad ko na nagtagumpay at nakaupo ngayon katabi ng aking Ama

Alistair Begg

Humupa Ka

Alam Ko ang kanilang pagdurusa.   Exodo 3:7 Ang bata ay natutuwa habang kinakanta niya, “Ito’y alam ng aking ama”; at hindi ba’t tayo rin ay

Alistair Begg

Handang Magdusa?

Inalok nila siya ng alak na hinaluan ng mira, ngunit hindi niya ito tinanggap. Marcos 15:23 Isang gintong katotohanan ang nakapaloob sa pangyayaring itinulak ng

John Piper

Ang Pagsubok na Nagpaaalala

21 Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na 22 ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit