Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa? “At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit. “At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit. Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon sa kanyang karangyaan ay hindi nakapagdamit nang singganda ng isa sa mga bulaklak na ito. Kung dinadamitan ng Diyos ang damo sa parang, na buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya!
(Mateo 6: 27-30,Magandang Balita Biblia)
Ang Mateo 6:25–34 ay naglalaman ng pitong pangakong nilayon ni Jesus para tulungan tayong lumaban para sa pananampalataya at maging malaya sa pag-aalala. Sa unang bahagi nakita natin ang una’t pangalawang pangako; ngayon naman ay tingnan natin ang ikatlo at ikaapat.
Ikatlong Pangako : ” Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng kanyang pagkabalisa?” (Mateo 6:27)
Ito ay isang pangako — ang simpleng pangako ng katotohanan na matutuklasan mo mula sa karanasan: Ang pagiging balisa ay hindi makagagawa ng anumang kabutihan sa iyo. Iyan ay isang katotohanan. Hindi ito ang pangunahing argumento, ngunit kung minsan kailangan lang nating maging matigas sa ating sarili at sabihing, “O aking kaluluwa, ang pagiging balisa ay walang silbi. Wala itong ipinangangako. Hindi lamang nito nakakasira ng ating araw, kundi pati na rin sa ibang tao. Itakwil mo ito. Ibigay mo ito sa Diyos. At ipagpatuloy mo ang iyong gawain.”
Ang pagkabalisa ay walang nagagawaing mabuti. Iyan ang totoo. Paniwalaan mo ito. At kumilos na ayon sa katotohanang ito.
Ikaapat na Pangako: ” Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit. “At bakit kayo nababalisa tungkol sa pananamit? Isipin ninyo kung paano tumutubo ang mga bulaklak sa parang; hindi sila nagtatrabaho ni gumagawa ng damit. Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon sa kanyang karangyaan ay hindi nakapagdamit nang singganda ng isa sa mga bulaklak na ito. Kung dinadamitan ng Diyos ang damo sa parang, na buháy ngayon, at kinabukasan ay iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya! “ (Mateo 6:28–30)
Kumpara sa mga bulaklak sa parang, ikaw ay mas pinapahalagahan ng Diyos, dahil ikaw ay mabubuhay magpakailanman, at sa gayon ay makapagdudulot sa Kanya ng walang hanggang papuri bilang kanyang mga minamahal na anak.
Gayunman, ang Diyos ay may labis na pag-agos ng malikhaing lakas at pangangalaga, ibinuhos niya ito sa mga bulaklak na tumatagal lamang ng ilang araw. Kaya, tiyak na dadalhin niya ang gayon ding sigla at malikhaing kasanayan at gagamitin ito upang pangalagaan ang kanyang mga anak na mabubuhay magpakailanman. Ang tanong ay: Maniniwala ba tayo sa pangakong ito, at itataboy ang pag-aalala?
This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/7-reasons-not-to-worry-part-2
Marianito “Nitoy” M. Gonzales
Marianito “Nitoy” M. Gonzales is an ordinary guy who serves an extraordinary God. A government employee, blogger, and founder of https://delightinggrace.wordpress.com. Happily married to Cristy-Ann and father to Agatha Christie who worship and serve at Faithway Community Baptist Church, Sta. Rita Batangas City.