Pitong Mga Dahilan Kung Bakit Hindi Dapat Mag-Alala (Unang Bahagi)

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano baga ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit ang sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Hindi baga mahigit ang buhay kay sa pagkain, at ang katawan kay sa pananamit? Masdan ninyo ang mga ibon sa langit, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas, ni nangagtitipon man sa mga bangan; at sila’y pinakakain ng inyong Ama sa kalangitan. Hindi baga lalong higit ang halaga ninyo kay sa kanila? (Mateo 6: 25-26, Ang Dating Biblia, 1905)

Sa bahaging ito ng sermon ng Panginoong Jesus sa Bundok dito tayo magfofocus at  hahatiin natin sa tatlong bahagi. Sa Mateo 6:25–34, partikular na binigyan pansin ni Jesus ang tungkol sa pagkabalisa sa pagkain at damit. Sa totoo, ang mga ito ay may kaugnayan sa lahat ng pagkabalisa.

Kahit sa Amerika, na may malawakang sistemang pangangalaga sa mga mamamayan nito, ang pagkabalisa sa pananalapi at pabahay at pagkain at damit ay maaaring matindi. Hindi pa riyan na babanggit ang mga Kristiyano na naninirahan sa mga sitwasyon kung saan may nagbabanta na mas malaking kahirapan. Ngunit sinabi ni Jesus sa ika-tatlongpung talata, na ang ating pag-aalala ay nagmumula sa kaunting pananampalataya sa pangako ng biyayang panghinaharap (future grace) mula sa ating Ama: “Oh kayong mga  kakaunti ang pananampalataya.”

Ang mga talatang ito (25 hanggang 34) ay naglalaman ng atleast pitong pangakong dinisenyo ni Jesus na tulungan tayong labanan ng may mabuting pakikibaka sa kawalang-paniniwala (unbelief) at maging malaya sa pag-kabalisa. (Ngayon ay tinitingnan natin ang una’t pangalawang pangako — pagkatapos ay sa susunod na dalawang bahagi ay ang iba pa.)

Unang Pangako: “Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano baga ang inyong kakanin, o kung ano ang inyong iinumin; kahit ang sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin. Hindi baga mahigit ang buhay kay sa pagkain, at ang katawan kay sa pananamit?” (Mateo 6:25, Ang Dating Biblia (1905)

Dahil ang iyong katawan at ang iyong buhay ay lubhang mas kumplikado at mahirap ibigay kaysa sa pagkain at pananamit, gayunpaman, ang Diyos ay, sa katunayan, ay lumikha at nagbigay sa iyo ng pareho, kung gayon ay tiyak na magagawa at handang magbigay sa iyo ng pagkain at damit.

Bukod pa rito, anuman ang mangyari, ibabangon ng Diyos ang inyong katawan balang-araw at pangangalagaan ang inyong buhay at katawan para sa Kanyang walang-hanggang fellowship.

Ikalawang Pangako ” Masdan ninyo ang mga ibon sa langit, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas, ni nangagtitipon man sa mga bangan; at sila’y pinakakain ng inyong Ama sa kalangitan. Hindi baga lalong higit ang halaga ninyo kay sa kanila?” (Mateo 6:26, Ang Dating Biblia (1905)

Kung handa at kaya ng Diyos na magpakain sa mga nilikha hindi gaanong mahalaga tulad ng mga ibon na hindi makagagawa ng anumang bagay na magkakaroon sila ng pagkain— na nagagawa natin pagtatanim – ay tiyak na magbibigay Siya ng kailangan natin, dahil mas mahalaga tayo kaysa sa mga ibon. Tayo, hindi tulad ng mga ibon, ay may kamangha-manghang kakayahang luwalhati ang Diyos sa pamamagitan ng pagtitiwala, pagsunod, at pasasalamat sa Diyos.

This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/7-reasons-not-to-worry-part-1

Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Marianito “Nitoy” M. Gonzales is an ordinary guy who serves an extraordinary God. A government employee, blogger, and founder of https://delightinggrace.wordpress.com. Happily married to Cristy-Ann and father to Agatha Christie who worship and serve at Faithway Community Baptist Church, Sta. Rita Batangas City.

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts

Alistair Begg

Panatilihin ang Sabbath, Unang Bahagi

“Alalahanin mo ang araw ng sabbath upang ipangilin.” Exodo 20: 8 (Ang Dating Biblia, 1905) Sa buong kasaysayan ay may mga Kristiyano na may mabubuti

Alistair Begg

Tinatapos ng Diyos Ang Kanyang Sinimulan

“Natitiyak kong ang mabuting gawang pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin hanggang sa Araw ni Jesu-Cristo.” Filipos 1:6 (Magandang Balita Biblia) Kapag may

John MacArthur

Pastor: Priyoridad ba ang Iyong Kabanalan?

Ano ang Dulot ng Pragmatismo Nababawasan ang interes sa kabanalan at ang pagiging maka Diyos sa henerasyong ito ng mga nakababatang pastor dahil sa pragmatismo.