Sa nakalipas na mga taon na ako’y nananalangin para sa aking puso, may pitong “D” na aking nalamang nakakatulong sakin, sana makatulong din sa inyo ang mga ito. Maaari mong gamitin ang mga ito sa iba’t ibang pamamaraan.
Halimbawa, Maari mong gawing Tema sa iyong panalangin ang isang “D” kada araw o maaari ding isang “D” ang tema ng iyong panalangin kada linggo na matatapos ng pitong linggo.
Makakatulong din na may kaakibat na atleast isang verse na pinanghahawakan kada panalangin, Kalaunan, maraming verses din ang papasok sa iyong isipan na magagamit mo galing sa Banal na Espiritu kaya’t makakatulong kung kokolektahin mo ang mga ito.
Palagi kong sinisimulan ang aking panalangin sa mga katagang “Ano man ang mangyari, Panginoon,” sa kadahilanang tayo ay tinuturuan ng Bibliya na maging malakas at taus-puso manalangin at hindi maging mahiyain. Sinusubok din ng mga salitang ito ang aking puso kung gaano ko ba kamahal ang Diyos at kung gusto ko ba talaga ang mga pangako ni Kristo para sa akin? Handa ba talaga ako magpadisiplina sa Diyos upang maiwasan ang paggawa ng kasalanang nag-aalis ng kasiyahan sa aking buhay at makamit ang ganap na kasiyahang nagmumula sa Kanya?
Palagi kong sinisimulan ang aking panalangin sa mga katagang “Ano man ang mangyari, Panginoon,” sa kadahilanang tayo ay tinuturuan ng Bibliya na maging malakas at taus-puso manalangin at hindi maging mahiyain.
Gaano nga ba kalaki ang tiwala ko sa Kanya? Nananampalataya ba talaga ako sa pangako Niya na ibibigay ang lahat ng makakabuti para sa akin kung ako ay hihingi na may pananampalataya?
Ang mga salitang “Ano man ang mangyari” sa aking panalangin ang sumusubok sa akin na magpursigi at ipakita ang aking pananampalatayang may pakumbaba sa ating Diyos Ama.
Ang mga salitang “Ano man ang mangyari” sa aking panalangin ang sumusubok sa akin na magpursigi at ipakita ang aking pananampalatayang may pakumbaba sa ating Diyos Ama.
Naririto ang pitong “D”;
DELIGHT (o Kaligayahan) – “Ano man ang mangyari, Panginoon, bigyan mo ako ng kaligayahang nanggagaling sa Iyo bilang pinakaganap na kayamanan ng aking puso
“Kay Yahweh mo hanapin ang kaligyahan, at ang pangarap mo’y iyong makakamtan” (Mga Awit 37:4)
“Sapagkat kung saan naroon ang iyong kayamanan, naroroon din ang iyong puso” (Mateo 6:21)
DESIRES (o Hangarin) – “Ano man ang mangyari, Panginoon, Iayon mo sa Iyong kalooban ang hangarin ng puso ko
“Ganito kayo manalangin, “Ama naming nasa langit”, sambahin nawa ang Iyong pangalan, Nawa’y maghari Ka sa amin, Sundin nawa ang Iyong kalooban ditto sa lupa tulad ng sa langit (Mateo 6:9-10)
DEPENDENCE (o Pananatili) – “”Ano man ang mangyari, Panginoon, palalimin mo ang pananatili ko sa Iyo sa lahat ng bagay upang mamuhay ako sa pananampalataya sa Iyo
“Ako nga ang puno ng ubas at kayo ang mga sanga, Ang nananatili sa akin, at ako sa kanya,ang siyang nagbubunga ng sagana, sapgkat wala kayong magagawa kung kayo’y hiwalay sa akin” (Juan 15:5)
DISCERNMENT (o Pagsuri/Pagkilala) – “Ano man ang mangyari, Panginoon, turuan mo ako na kilalanin ang tama sa mali sa palagiang pamumuhay ng tama.
“Ang matigas na pagkain ay para sa may sapat na gulang at marunong nang kumilala ng mabuti’t masama (Hebreo 5:14)
DESPERATION – “Ano man ang mangyari, Panginoon, gawin mo akong isang taong laging uhaw sa Iyo upang hindi ako maligaw sa mga panahong nawawala ang pangangailangan ko sa Iyo.
“ang sariling dati-rati’y namumuhay ng baluktot, nang ako’y parusahan, salita Mo ang sinunod” (Mga Awit 119:67)
DISCIPLINE (o Disiplina) – “Ano man ang mangyari, Panginoon, Disiplinahin mo ako para sa ikabubuti ko nang maipakita ko ang kabanalan Mo at ang bunga ng Iyong katuwiran.
“Sa loob ng maikling panahon, dinisiplina tayo ng ating mga magulang para sa ating ikabubuti. Gayon din naman, itinutuwid tayo ng Diyos sa ikabubuti natin upang tayo’y maging banal tulad Niya” (Hebreo 12:10-11)
DILIGENCE (o Katiyagaan) – “Ano man ang mangyari, Panginoon, Palalimin mo ang aking naisin na may tiyaga.
“Kaya’t mag-ingat kayo kung paano kayo namumuhay, mamuhay kayong tulad ng matatalino at di tulad ng mga mangmang. Samantalahin nyo ang bawat pagkakataon na kayo’y makagawa ng mabuti sapagkat punung puno ng kasamaan ang daigdig ngayon” (Efeso 5:15-16)
Ang mga halimbawa na nasa taas ay mga mungkahi lamang, Nawa ang Diyos ang maggabay sayo na manalangin sa ibang pamamaraan.
Kung ano man ang ituro Niya sa atin at ano man ang mga kasangkapan na makakatulong sa atin, Ang Diyos nawa ang magsanhi ng ating ikakalago sa ating pananampalataya hanggang humantong tayo sa pananalanging walang tigil (1 Thess 5:17) at hindi mawalan ng pag-asa (Lucas 18:1).
This article is translated by Paulo Radomes and is originally written by Jon Bloom. To read the original post, click here.
Paulo Radomes
Paulo serves as an Assistant Pastor in God’s Sanctuary Christian Fellowship in Antipolo. He finished college with a Bachelor's degree in Mass Communication and is currently pursuing his Master's in Divinity. He also has his own blog site, thevirtualberean.wordpress.com