Pumunta Ka Ulit

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

At sinabi niya, “Pumunta ka ulit,” pitong beses.

1 Mga Hari 18:43

Ang tagumpay ay sigurado kapag ipinangako ito ng Panginoon. Kahit na nanalangin ka nang buwan-buwan nang walang nakikitang tugon, imposible na maging bingi ang Panginoon kapag seryoso ang Kanyang mga tao sa isang bagay na may kinalaman sa Kanyang kaluwalhatian. Ang propeta sa tuktok ng Carmel ay patuloy na nakipagbuno sa Diyos at hindi kailanman nagpadala sa takot na baka hindi siya karapat-dapat sa mga hukuman ni Jehovah. Anim na beses bumalik ang lingkod, ngunit sa bawat pagkakataon, ang tanging sinabi lang ay “Pumunta ka ulit.”

“Hindi tayo dapat mag-isip ng pagdududa kundi panghawakan ang ating pananampalataya kahit hanggang pitumpu’t pitong beses. Ang pananampalataya ay nagpapadala ng umaasang pagtingin mula sa tuktok ng Carmel, at kung walang makita, muli at muli siyang nagpapadala. Sa halip na madurog dahil sa paulit-ulit na pagkadismaya, ang pananampalataya ay higit pang pinalalakas upang mas taimtim na manalangin sa kanyang Diyos. Siya ay nagpapakumbaba ngunit hindi nadudurog: mas malalim ang kanyang mga daing, at mas mariin ang kanyang mga buntong-hininga, ngunit hindi niya kailanman binibitawan ang kanyang kapit o tumitigil sa pag-asa.

Mas kanais-nais para sa ating laman at dugo na magkaroon ng mabilis na sagot, ngunit ang mga naniniwalang kaluluwa ay natutong magpasakop at nakita nilang mabuti ang maghintay para sa Panginoon at sa Kanya mismo. Ang mga naantalang sagot ay kadalasang nagtutulak sa puso na suriin ang sarili at humahantong sa pagsisisi at espirituwal na pagbabago: matitinding dagok ang naibibigay sa ating kasamaan, at ang mga makasalanang imahe ay nililinis. Ang malaking panganib ay baka manghina ang tao at makaligtaan ang pagpapala.”

“Kaibigan, huwag kang mahulog sa kasalanang iyon, kundi patuloy kang magbantay at manalangin. Sa wakas, nakita ang maliit na ulap—ang tiyak na hudyat ng pagbuhos ng malakas na ulan; at ganoon din sa iyo, tiyak na ibibigay ang tanda ng kabutihan, at babangon ka bilang isang nagwawaging prinsipe upang tamasahin ang awa na iyong hinanap. Si Elias ay isang taong may mga damdamin tulad natin; ang kanyang kapangyarihan sa Diyos ay hindi dahil sa sarili niyang merito. Kung ang kanyang mapanampalatayang panalangin ay naging napaka-epektibo, bakit hindi ang sa iyo? Idalangin mo ang mahalagang dugo nang walang tigil na pagpupursige, at ito ay mangyayari sa iyo ayon sa iyong ninanais.”

This article was translated by Domini Primero of DBTG and was originally written by Alistair Begg for Truth For Life. To read the original version, click https://www.truthforlife.org/devotionals/spurgeon/9/28/2024/

Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.
Alistair Begg

Alistair Begg

Alistair Begg is the senior pastor of Parkside Church in Cleveland, Ohio, the Bible teacher at “Truth For Life,” and the author of Brave by Faith: God-Sized Confidence in a Post-Christian World. He is married to Susan, and together they have three grown children and five grandchildren.

Related Posts

John Piper

Ang Mapagbigay ay Nakatatanggap ng Biyaya

Ito ang dahilan kung bakit lagi namin kayong ipinapanalangin. Dalangin namin na tulungan sana kayo ng Dios na mamuhay nang karapat-dapat bilang mga tinawag niya.