May mga panahon na gustong gusto nating purihin ang Panginoon at minsan…kung tayo’y magiging tapat, may mga panahon na hindi. Pagkatapos may mga panahon na naroroon ang lahat ng rason para purihin Siya pero hindi natin ito nagagawa.
May panahong noon sa kasaysayan ng Israel nang bigyan sila ng Diyos ng malaking tagumpay laban sa kanilang mga kaaway. Noong panahong iyon, ang banta ng digmaan at ang malupit na realidad ng digmaan, ay isang tunay na bagay – tulad pa rin ngayon, nakakalungkot man isipin, sa maraming dako.
Kaya ang malalaking tagumpay ay dahilan para sa malalaking pagdiriwang. At ang pinakamainam na paraan para magdiwang ay purihin ang Panginoon.
Salmo 149: 4-6 “Sapagka’t ang Panginoon ay nalulugod sa kaniyang bayan: Kaniyang pagagandahin ng kaligtasan ang maamo. Pumuri nawa ang mga banal sa kaluwalhatian: Magsiawit sila sa kagalakan sa kanilang mga higaan. Malagay nawa sa kanilang bibig ang pinakamataas na pagpuri sa Dios, At tabak na may dalawang talim sa kanilang kamay,” (Ang Bilbia, 1978)
Ito ay mga hindi kapanipaniwalang mga salita, hindi ba? May sobrang kagalakan doon sa mga talatang iyon na hindi mo maaring hindi mapasin.
Kaya … kailan ka huling binigyan ng tagumpay ng Panginoon? Marahil ito ay isang emosyonal na tagumpay, pinagaling ka sa iyong karamdaman, isang sagot sa iyong pinansiyal na problema. Marahil nakaramdam ka ng pangaapi, pagkatakot, o nag-aalala ka sa inyong kinabukasan, ngunit tinulungan ka Niya.
Puwede ko bang ikaw ay tanungin, ipinagdiwang mo ba ang mga ito? Umawit ka ba ng buong galak sa inyong higaan? Sumigaw ka na ba ng may pagpupuri sa Kanya? At kung hindi, bakit?
Kapag may nangyayaring mabuti sa inyong buhay, hayaan mong mapuno ng pagpupuri sa Diyos ang iyong puso at dumaloy ito sa inyong mga labi. Bigyan Siya ng lahat ng kaluwalhatian para sa kanyang ginawa, dahil ito ang tamang gawin – dahil sa susunod na ikaw ay nahaharap sa isang suliranin, ito ay makakatulong sa iyo na maalala ang Kanyang makapangyarihang mga gawa sa iyong nakaraan.