Saan Matatagpuan ang Pag-asa? Sa Limang Salita na Nakakapagbago ng Buhay:

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

“Ako ay Lagi Mong Kasama”

Ikaw at ako ay patuloy na naghahanap ng pag-asa. Nais nating lahat ng dahilan sa pagbangon sa umaga at motibasyon upang magpatuloy. Narito ang ilang mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa pag-asa.

  1. Itinanim ng Diyos sa kaibuturan ng bawat tao ang pagasa. Hindi tayo nabubuhay sa likas na hilig; hinahanap natin lahat ang ating pagkakakilanlan, kahulugan, layunin, at panloob na pakiramdam ng kagalingan sa isang bagay.
  2. Kung ano ang iyong inilagak sa iyong pag-asa ay ang magtatakda ng direksyon ng iyong buhay. Alam mo man ito o hindi, ang landas ng iyong buhay ay diniderekta ng pag-asa. Kung ito man ay isang pag-asa sa isang pilosopiya, isang tao, isang panaginip, isang lokasyon, o anupaman, ang iyong buhay ay mabubuo sa kung ano ang iyong inaasahan.
  3. Ang pag-asa ay laging may kalakip / kasama na inaasahan at isang bagay. May inaasahan akong isang bagay at inaasahan sa isang tao o isang bagay na maghahatid nito.
  4. Ang pag-asa, upang maging pag-asa, ay kailangan na meron kakayanan ayusin kung ano ang nasira.  Inaasahan na hindi matugunan ang iyong mga pangangailangan ay hindi masyadong maghahatid ng pag-asa. Inilalagay mo lamang ang iyong pag-asa sa iyong mekaniko kung mayroon siyang kakayanan na ayusin ang nasira sa iyong sasakyan.
  5. Lagi mong pinapangaralan ang iyong sarili ng isang ebanghelyo ng ilang uri / klase ng pag-asa. Palagi mong inaabot ang pag-asa at pinangangaralan ang iyong sarili sa bisa ng kung ano ang iyong inaabot.

Ngunit narito ang pinanggalingan ng katotohanan tungkol sa ebanghelyo. Ang pag-asa ay hindi isang sitwasyon. Ang pag-asa ay hindi isang lokasyon. Ang pag-asa ay hindi isang pag-aari. And pag–asa ay hindi isang karanansan. Ang pag-asa ay higit pa sa isang pananaw o katotohanan. Ang pag-asa ay isang tao, at ang kanyang pangalan ay Hesus! Siya ay darating sa iyo at gumawa ng isang pangako ng pag-asa: “Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon” (Mateo 28:20). Ngayon ay mayroon ng pag-asa. Mayroon kang isang malalim na bagay na panghahawakan pa kasya sa pag-asa na ang mga tao ay magiging maigi sayo, na magiging maayos / gagana  ang trabaho mo, na makakapili ka ng magandang desisyon kapag ikaw ay tinukso, na ikaw ay magigiging matalino sa paggawa ng magandang desisyon, na ikaw ay makakaiwas sa kahirapan o sakit, o ikaw ay magkakaroon ng magandang lugar na matitirahan at sapat na makakain. Hindi, ito ay walang hanggan at malalim na personal na pag-asa. Nakasalalay ito sa katotothanan na binalot ka ng makapangyang bisig ni Jesus at hinding hindi ka nya kailanman bibitawan. Kung wala kang naisip na umubra at lahat ng masasamang bagay na kinakatakutan mo ay dumating, may pag-asa ka pa rin, sapagkat siya ay kasama mo sa kapangyarihan at biyaya.

Para sa karagdagang pag-aaral at pampalakas ng loob / panghihikayat : Hagai 1:12-15

This devotional is from New Morning Mercies by Paul David Tripp and was translated by Andrea Ruiz-Atanacio.

Andrea Ruiz-Atanacio studied Nursing Aide in St. Chammuel and serves as a children and youth Bible teacher in Arthur Center in Antipolo.

Paul Tripp

Paul Tripp

Paul Tripp is a pastor and best-selling author of more than 20 books, including My Heart Cries Out: Gospel Meditations for Everyday Life.
Paul Tripp

Paul Tripp

Paul Tripp is a pastor and best-selling author of more than 20 books, including My Heart Cries Out: Gospel Meditations for Everyday Life.

Related Posts

John Piper

Ang Mapagbigay ay Nakatatanggap ng Biyaya

Ito ang dahilan kung bakit lagi namin kayong ipinapanalangin. Dalangin namin na tulungan sana kayo ng Dios na mamuhay nang karapat-dapat bilang mga tinawag niya.

Alistair Begg

Pumunta Ka Ulit

At sinabi niya, “Pumunta ka ulit,” pitong beses. 1 Mga Hari 18:43 Ang tagumpay ay sigurado kapag ipinangako ito ng Panginoon. Kahit na nanalangin ka

John Piper

Maglingkod para Paglingkuran ang Iba

Dahil alam ni Jesus ang kanilang pinag-uusapan, sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo pinag-uusapang kayo’y walang dalang tinapay? Hindi pa ba kayo nakakaintindi? Hindi pa