Salamat Po, Panginoon

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Salamat po, Panginoon

Sa liwanag ng umaga 

Na nagpapaalala ng Iyong presensya at katapatan

Salamat po, Panginoon Sa bawat hanging aking hinihingi 

Na nagpapaalala ng iyong awang umaagapay

Salamat po, Panginoon 

Sa lakas ng katawan na nagpapaalala sa akin

 na ang lahat ng lakas ay nagmulala sa Iyo

Salamat po, Panginoon

para sa isang isip na gumagana

Na nagpapaalala sa akin

Na lahat ng rasyonal na pagiisip ay nagsisimula sa Iyo.

Salamat po, Panginoon,

para sa koordinasyon ng mga bahagi ng aking katawan

Na nagpapaalala sa akin sa

karunungan ng Iyong disenyo.

Salamat po, Panginoon,

para sa pagkain at tirahan

Na nagpapaalala sa akin sa

Iyong pagiging mapagbigay sa mga aming mga pangangailangan.

Salamat po, Panginoon,

para sa trabaho na dapat gawin at mga gawain na dapat tapusin

Na nagpapaalala sa akin ng Iyong

walang tigil na paggawa para sa aking kapakanan.

Salamat po, Panginoon,

para sa aking pamilya at mga kaibigan

Na nagpapaalala sa akin ng na

Tanggap ako sa Iyong walang-hanggang pamilya.

Salamat po, Panginoon,

para sa Iglesia mo

Na nagpapaalala sa akin Sa Iyong

pangako na tutugunan ang aking mga espirituwal na pangangailangan.

Salamat po, Panginoon,

sapagkat patuloy Ninyo akong sinasagipin mula sa aking sarili

Na nagpapaalala sa akin ng Iyong

patuloy na espirituwal na pangangalaga.

Salamat po, Panginoon,

para sa mga naghihikayat, nagpapanatag, at nagpapayo sa akin

Na nagpapaalala sa akin ng

Iyong tapat at masigasig na biyaya.

Salamat po, Panginoon,

para sa kadakilaan ng iyong Salita

Na nagpapaalala sa akin na

Ikaw ang pinakadakilang guro ko.

Salamat po, Panginoon,

para sa makapangyarihan tanglaw ng Inyong Espiritu

Na nagpapaalala sa akin ng Iyong

sigasig para malaman, mahalin, at paglingkuran Ikaw.

Salamat po, Panginoon,

para sa masakit na kombiksyon

Na nagpapaalala sa akin ng aking

pangangailangan ng Iyong nagpapabanal na biyaya.

Salamat po, Panginoon,

sa pagpapatuloy at pagtanggap ng aking mga pangungumpisal

Na nagpapaalala sa akin na

mabagal Kayong magalit at sagana ang Iyong pag-ibig.

Salamat po, Panginoon,

para sa  mga sariwang umpisa at bagong simulain

Na paulit-ulit akong pinaaalalahanan

ng katapatan ng Inyong pagpapatawad.

Salamat po, Panginoon,

para sa aking tungkulin bilang Iyong kinatawan

Na nagpapaalala sa akin na

mamuhay na mayroong pananaw ng Iyong kaharian.

Salamat po, Panginoon,

para sa iyong mapag-gabay na kamay

Na nagpapaalala sa akin na

ang buhay ko ay gumagalaw ayon sa iyong kagustuhan.

Salamat po, Panginoon,

para sa pasakit at mga pagsubok

Na nagpapaalala sa akin ng

ang aking kahinaan at lakas.

Salamat po, Panginoon,

sapagka’t Kayo’y nagbibigay ng nagpapalakas na biyaya

Na nagpapaalala sa akin na

Hindi ako nilayong mamuhay nang para sa sarili lamang.

Salamat po, Panginoon,

para sa isang tadhana na tiyak

Na nagpapaalala sa akin na ang

pag-asa ay matatagpuan lamang sa Iyo.

Salamat po, Panginoon,

na kayo ang Panginoon ng mga Panginoon

at sa pamamagitan ng biyaya

Ako ay Inyong anak magpakailanman.

“Ako’y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso; aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa. Ako’y magpapakasaya at magpapakagalak sa iyo: ako’y aawit ng pagpuri sa iyong pangalan, Oh ikaw na kataastaasan.” (Awit 9:1-2, Ang Dating Biblia (1905)

Mga Tanong Na Dapat Pagnilayan

  1. Kailan ka huling sumamba sa Diyos para magpasalamat sa araw-araw na pagpapala sa pagbibigay ng araw at ng init at liwanag na ibinibigay Niya?
  1. Ilista ang ilang karagdagang pagpapalang na nararanasan mo araw-araw. Ano ang mga nakasanayan mong natatanggap na nalilimutan mong iyon ay mga kaloob ng Diyos?
  1. Aling aspeto sa listahan ng “Salamat po, Panginoon” ang pinaka-nararanasan mo araw-araw? Sa iyong palagay, bakit ito ang iyong na pili?

     4. Aling bahagi saq listahan ng “Salamat po, Panginoon” ang hindi gaano mo napapasin, o kalimitan ay    binabalewala o karapat-dapat para sa iyo? Sa iyong palagay, bakit I to ang iyong na pili?

This short devotional was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by Paul David Tripp.  To read the original version click https://www.paultripp.com/wednesdays-word/posts/thank-you-lord

Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Marianito “Nitoy” M. Gonzales is an ordinary guy who serves an extraordinary God. A government employee, blogger, and founder of https://delightinggrace.wordpress.com. Happily married to Cristy-Ann and father to Agatha Christie who worship and serve at Faithway Community Baptist Church, Sta. Rita Batangas City.

Paul Tripp

Paul Tripp

Paul Tripp is a pastor and best-selling author of more than 20 books, including My Heart Cries Out: Gospel Meditations for Everyday Life.
Paul Tripp

Paul Tripp

Paul Tripp is a pastor and best-selling author of more than 20 books, including My Heart Cries Out: Gospel Meditations for Everyday Life.

Related Posts

John Piper

Ang Pagsubok na Nagpaaalala

21 Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na 22 ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit

John Piper

Paano Paglingkuran ang Masamang Amo

Maglingkod kayo nang masaya ang kalooban na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. 8 Sapagkat alam ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang bawat

John Piper

Ang Lunas sa Pagmamataas

Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at ganoong bayan at isang taon kaming mananatili roon, mangangalakal kami

Alistair Begg

Pag-ibig sa Gawa

Minamahal, huwag kayong maghiganti, kundi ipaubaya ninyo ito sa poot ng Diyos, sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Sa halip,