Sampung Kahulugan ng Salitang “Yahweh”

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

“Sabihin mo sa kanila na sinugo ka ni Yahweh, ng Diyos ng inyong mga ninuno, ang Diyos nina Abraham, Isaac at Jacob. At ito ang pangalang itatawag nila sa akin magpakailanman.” (Exodus 3:15,  MBBTAG)

Ang pangalan ng Diyos ay halos palaging isinalin na LORD (lahat ay malalaking titik) sa English Bible. Ngunit ang salita nito Hebrew ay binibigkas na parang “Yahweh,” at binuo sa salitang “Ako” (I’am).

Kaya’t tuwing maririnig natin ang salitang Yahweh, o tuwing nakikita mo ang LORD sa Ingles na Bible, dapat mong isipin: ito ay isang proper name (tulad ng Pedro o Juan) na nabuo sa salitang “Ako” (I’am) at pinapaalalahanan tayo sa bawat oras na ang Diyos ay absolute (ganap).

Mayroong hindi bababa sa 10 bagay na pinangalanang Yahweh, “AKO,” sabi tungkol sa Diyos:

1. Wala Siyang simula. Ang bawat bata ay nagtanong, “Sino ang gumawa ng Diyos?” At bawat matalinong magulang ay isasagot, “Walang gumawa ng Diyos. Ang Diyos ay Siya na. At palaging Siyang ganoon. Walang simula. ”

2. Ang Diyos ay hindi magwawakas. Kung ang pagiging Diyos Niya ay walang simula, hindi siya maaaring mawala sa pagiging Diyos Niya.

3. Ang Diyos ay ganap na realidad (absolute reality). Walang realidad bukod sa Niya. Walang realidad sa labas ng Kanya maliban kung gugustuhin Niya ito at gawin ito. Siya ang lahat na sa magpakailanman. Walang puwang, walang universe, walang kawalan. Diyos lang.

4. Ang Diyos ay lubos na independent. Hindi siya umaasa sa anupaman bagay o tao upang Siya ay maging ganap o suportahan Siya o payuhan Siya o gawing anoman Siya.

5. Lahat ng hindi Diyos ay lubos na nakadepende sa Diyos. Ang buong universe ay pumapangalawa lang. Nagkaroon nito dahil ng Diyos at mananatili sa bawat sandali sa pagpapasya ng Diyos na panatilihin itong maging.

6. Ang buong universe ay,kung  ipaghahambing sa Diyos, ay wala. Ang nagakataon, dumedepende sa ganap na realidad, independiyenteng realidad bilang isang anino sa sangkap. Ang isang echo sa isang tunog kulog. Ang lahat ng namamangha tayo sa mundo at sa mga kalawakan ay, kumpara sa Diyos, ay wala.

7. Ang Diyos ay constant. Siya ay pareho ng kahapon, ngayon, at magpakailanman. Hindi Siya maaaring mapaimprove. Hindi Siya nagiging kahit ano. Siya ay kung Sino Siya.

8. Ang Diyos ay ang absolute na pamantayan ng katotohanan at kabutihan at kagandahan. Walang aklat ng mga batas na kung saan tinitingnan Niya upang malaman kung ano ang tama. Walang almanac upang magtatag ng mga kaalaman. Walang samahan ang magtutukoy kung ano ang mahusay o maganda. Siya mismo ang pamantayan ng kung ano ang tama, kung ano ang totoo, kung ano ang maganda.

9. Ginagawa ng Diyos ang anumang nais Niya at itoy palaging tama at laging maganda at laging naaayon sa katotohanan. Lahat ng realidad na nasa labas Niya ay nilikha Niya at dinisenyo at pinamamahalaan bilang ganap na realidad. Kaya’t Siya ay lubos na malaya mula sa anumang mga hadlang na hindi nagmula sa payo ng Kanyang sariling kalooban.

10. Ang Diyos ang pinakaimportante at pinakamahalagang realidad at tao sa buong universe. Siya ay higit na karapat-dapat sa interes at pansin at paghanga at kasiyahan kaysa sa lahat ng iba pang mga realidad, kabilang ang buong universe.

This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/10-things-yahweh-means

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts

John Piper

Ang Mapagbigay ay Nakatatanggap ng Biyaya

Ito ang dahilan kung bakit lagi namin kayong ipinapanalangin. Dalangin namin na tulungan sana kayo ng Dios na mamuhay nang karapat-dapat bilang mga tinawag niya.