Mar 9

Nagmamalasakit ang Diyos sa Iyo

Solid Joys Devotionals (Tagalog)

Kaya nga, pasakop kayo sa kapangyarihan ng Diyos at dadakilain niya kayo pagdating ng takdang panahon. 7 Ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin sa buhay sapagkat siya ay nagmamalasakit sa inyo.

(1 Pedro 5:6–7, MBBTAG)

Bakit isang uri ng pagmamataas, o pride, ang pag-aalala tungkol sa hinaharap?

Ganito ang puwedeng sagot ng Diyos (na paraphrase ng Isaiah 51:12):

Ako — ang Panginoon, ang iyong Manlilikha — Ako ang siyang nagbibigay ng ginhawa sa ’yo, ang nangangakong mag-aalaga sa ’yo; at ang mga nagbabanta sa ’yo ay mga tao lamang na namamatay. Kaya, ang ibig sabihin ng takot mo ay wala kang tiwala sa Akin — at kahit hindi ka sigurado kung maaalagaan ka ng sariling resources mo, mas pinipili mo pa ring umasa sa ’yong sarili, kaysa manalig sa Aking biyaya sa hinaharap. Kaya ang lahat ng iyong pangamba — gaano man kaliit ito — ay pagmamataas.

Ang lunas? Talikuran ang pag-asa sa ’yong sarili at umasa sa Diyos, at manampalataya sa sapat na kapangyarihan ng pangako ng Kanyang biyaya sa hinaharap.

Makikita mo sa 1 Pedro 5:6–7 na ang pag-aalala ay isang uri ng pagmamataas. Pansinin ang grammatical na pagdudugtong-dugtong sa pagitan ng mga talata. “Pasakop kayo . . . [verse 7], ipagkatiwala ninyo sa kanya ang inyong mga alalahanin.” Ang verse 7 ay hindi bagong pangungusap. Isa itong subordinate clause (o sugnay na pantulong). Sa Ingles, nag-uumpisa ito sa isang participle (o pandiwari): “Humble yourselves . . . [by] casting all your anxieties on him.”

Ibig sabihin, ang pagtitiwala sa Diyos para sa ’yong mga alalahanin ay isang paraan ng pagpapakumbaba sa lilim ng Kanyang makapangyarihang kamay. Para itong pagsasabi na, “Maging magalang sa pagkain . . . huwag ngumuya nang nakabukas ang bibig.” O, “Mag-ingat sa pagmamaneho . . . tumingin lagi sa kalye.” O “Maging mapagbigay . . . mag-imbita ng kaibigan sa Pasko.” O, “Magpakumbaba . . . ipagkatiwala ang iyong mga alalahanin sa Diyos.” 

Isang paraan ng pagpapakumbaba ay ang pagtitiwala sa Diyos para sa lahat ng ating mga alalahanin. Ibig sabihin, ang pride ay isang hadlang sa pagtitiwala sa Kanya. Ibig sabihin, ang sobrang pag-aalala ay isang uri ng pagmamataas, kahit gaano pa kaliit ito. 

Ngayon, bakit kabaligtaran ng pagmamataas ang pagtitiwala sa Diyos para sa ating mga alalahanin? Dahil ayaw aminin ng pride na may alalahanin ito. O na hindi natin ito kayang lutasin mag-isa. At kahit aminin pa ng pride na hindi niya kayang lutasin ang mga takot nito, ayaw pa rin nitong aminin na baka ang lunas ay ang pagtitiwala sa isang taong mas matalino at mas malakas sa kanya.  

Sa madaling salita, ang pride ay isang uri ng unbelief at hindi nito gustong magtiwala sa Diyos para sa Kanyang biyaya sa hinaharap. Sa kabilang banda, inaamin naman ng pananampalataya na kailangan niya ng tulong. Hindi ito gagawin ng pride. Umaasa ang faith na tutulong ang Diyos. Hindi ito gagawin ng pride. Ipinagkakatiwala ng faith ang kanyang mga alalahanin sa Diyos. Hindi ito gagawin ng pride.

Kung gayon, ang paraan para labanan ang pagmamataas ay aminin na meron kang mga alalahanin, at pahalagahan ang pangako ng hinaharap na biyaya sa mga salitang, “Siya ay nagmamalasakit sa iyo.” Pagkatapos, ilagay ang iyong mga kinakargang takot sa Kanyang makapangyarihang balikat.

Devotional excerpted from Future Grace, pages 94–95

This article was translated by Joshene Bersales and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/god-cares-for-you

Joshene Bersales

Joshene Bersales

Joshene Bersales considers Joshua her Bible hero, and strives to have faith that can make the sun stand still. She graduated with an AB Literature (English) degree from Ateneo de Manila University. She is a writer, editor, and translator. Joshene loves theater, traveling, and collecting children’s books. You can find her on IG: @joshenebersales

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.