Walang Katuturang Pag-uusap

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Papaano Tinitimbang ng Diyos ang Ating mga Salita

May ilang tao na nakasulat ng bestseller na mga libro na nagdodokumento ng kanilang pagpunta sa langit. Sinasabi nila na namatay sila at bumalik upang sabihin sa atin ang nakita nila.Pero ang totoo, bihirang tumugma ang kanilang mga salaysay sa mga katulad na pangyayaring nakatala sa Banal na Kasulatan. Ang mga dinala sa isang silid na may trono — tulad ni Isaias, halimbawa — ay hindi nagsasabi sa atin tungkol sa pagkakita sa kanilang mga mahal sa buhay o pagkain na paborito nilang kainin.

” Noong taon na mamatay si Haring Uzias, nakita ko si Yahweh na nakaupo sa isang napakataas na trono.” (Isaias 6:1, Magandang Balita Biblia), sinabi ni Isaias. Detalyado niya ipinahayag kung paano pinuno ng dulong damit ng Haring ito ang buong templo. Naitala niya ang mga makapangyarihang nilalang na nagaalab sa apoy, na lumilipad sa paligid ng trono ng Hari, na sumisigaw, “Banal, banal, banal ang Panginoon ng mga hukbo.” Nanginginig ang mga pundasyon sa tunog ng kanilang dumadagungdong na tinig (Isaias 6:1–4, Ang Dating Biblia 1905).

Si Isaias ay hindi napabuntong hininga sa kapanatagan, o na pasipol man lang. May mga mata mula sa trono na matalim na tinititigan siya na para bang may isang tabak na humiwa sa kanya. Ang propeta, bilang tugon, ay napasalita at napasumpa sa kanyang sarili: “Sa aba ko! sapagka’t ako’y napahamak” (Isaias 6:5, Ang Biblia (1978).

Si Isaias ay namamangha sa harapan ng Banal na nakakikilala sa kanya: bawat kasalanan, bawat baluktot na motibo, bawat lihim na gawa. Hinatulan niya ang  kanyang sarili na siya ang may sala. Alam ba niya kung anong kasalanan ang unang nagawa niya bago ang sandaling iyon?

At ang nakikita ni Isaias, sa palagay ko ay ang hindi pa nagkakatawang-tao  Diyos Anak  sa luklukan (Juan 12:41), sinaway niya ang kanyang sarili para sa paggamit ng kanyang dila.

“Sa aba ko! sapagka’t ako’y napahamak; sapagka’t ako’y lalaking may maruming mga labi, at ako’y tumatahan sa gitna ng bayan na may maruming mga labi: sapagka’t nakita ng aking mga mata ang Hari, ang Panginoon ng mga hukbo.” (Isaias 6:5, Ang Biblia (1978)

Nakikita ng kanyang mga mata ang Banal na Hari ng Israel, ang Diyos ng mga hukbo, at hindi siya tumatakbo upang umupo sa kanyang kandungan, kundi napasubsob sa kanyang mukha, umamin sa kanyang kasamaan, hindi lamang sa kanyang dila, kundi sa dila ng mga tao na kung saan siya namumuhay kasama nila. Dito ay hindi siya nanaghoy na nanirahan siya sa mga taong may seksuwal na imoralidad, mamamatay-tao, o pagsamba sa diyus-diyusan. Ang sinabi niya, at ang sinasambit ng mga tao — ang kanilang mga pag-uusap — ay nakakakilabot sa kanya sa harap ng Nag-iisang Matuwid.

Ang Kasalanan ng Walang-ingat na Pananalita

Kung nakita ng bawat isa sa atin ang Panginoon ngayon, matatakot tayo kung gaano karumi ang ating mga bibig. I-imbentaryo ang iyong sarili: salitang padalos-dalos, salitang sumusumpa, marahas na salita, salitang may pagnanasa, salitang may pamumusong, huwad na salita, salita ng kasinungalingan, salita ng pagkachismoso, nambobolang mga  salita, malupit at mapanglait na salita. Ilang mga daga ang lumabas diyan sa imburnal na yan?

Binanggit ni Pablo, sa pagsasabi na  ang buong sangkatauhan sa harapan ng Diyos ay hinatulan na at nahaharap sa parusa, ang mga Awit upang ipahiwatig sa atin ang kasalanan natin laban sa Diyos:

   “Ang kanilang lalamunan ay bukas na libingan. 

Sa kanilang mga dila ay ginagamit nila ang pandaraya.

 Ang kamandag ng mga ulupong ay nasa mga labi nila. 

Ang mga bibig nila ay puno ng pag­sumpa at mapait na mananalita.” (Mga Taga Roma 3:13–14, Ang Salita ng Diyos)

Kung nakita ng bawat isa sa atin ang Panginoon ngayon, matatakot tayo kung gaano karumi ang ating mga bibig.

Ngunit ito ang Lumang Tipan, maaari nating isipin. Hindi kilala ni Isaias at ng mga manunulat ng Awit si Cristo tulad ng pagkakilala natin. Ang kanilang Diyos, nakakatakot tulad ng kidlat at kulog, ay hindi pa lubusang inihayag ang kanyang pagiging maawain. 

Subalit pakinggan ang sinasabi ni Cristo mismo:

“At sinasabi ko sa inyo, na ang bawa’t salitang walang kabuluhang sabihin ng mga tao ay ipagsusulit nila sa araw ng paghuhukom. Sapagka’t sa iyong mga salita ikaw ay magiging banal, at sa iyong mga salita ay hahatulan ka.”  (Mateo 12:36–37, Ang Dating Biblia (1905)

Sa pagharap sa mga Fariseo tungkol sa pamumusong sa Banal na Espiritu, si Jesus, na nakikipagtalo sa hindi gaanong mahalaga papunta sa mas importante, ay nagdaragdag ng kategorya sa ating maitim na pananalita: ang mga walang katuturang salita. Maging ang mga walang-kabuluhang salita — hindi lamang mga pamumusong laban sa Banal na Espiritu — ay susukatin at titimbangin. Ang mga tao ay mananagot  sa bawat isang salita. Lahat sila. Milyung-milyong salita sa bawat bibig. Nairekord. Naalala. Kailangan sa hukuman ng Diyos ni Isaias.

“Ako’y Tao Lamang”

Ano mismo ang walang-ingat na mga salita?

Ang walang ingat na mga salita ay walang saysay, walang layunin, hindi produktibo, at walang silbi. Ang salitang Griyego para sa “walang-ingat” (argos) ay ginagamit upang ilarawan ang mga taong nakatayo lang sa palengke na dapat ay nagtatrabaho sila (Mateo 20:3–7), mga taong nagpupunta sa bahay-bahay na nagsasayang ng oras at nagiging sanhi ng problema (I Timoteo 5:13), mga Creta na hindi gumawa ng mabuting bagay na dapat nilang gawin (Titus 1:12). Ang mga salitang walang kabuluhan ay patalon-talon sa mga katangiang hindi produktibo, nagiging sanhi ng problema, at tumatanging magpala sa iba. At mananagot tayo sa  bawat salitang ganito.

Marahil pareho ang ating tugon sa atin natunghayan: Mukhang  sobra naman iyan. Ako’y tao lamang.

Ngunit nang malaman mismo ni Isaias, hindi gagana ang dahilang iyan. Anuman ang iniisip niya bago niya nakita ang Diyos na ito, binago lahat ito nang sandaling tumayo siya sa harapan ng trono. Tinig ng propetang humatol ng kamatayan laban sa kanyang sarili. Kapag natutukso tayong isipin na napakalupit ng pamantayang ito, itinuturo sa atin ni John Calvin ang tamang direksyon:

Marami ang tumitingin dito [na hahatulan sa bawat salitang walang ingat] na napakatindi; ngunit kung isasaalang-alang natin ang layunin ng ating mga dila, kikilalanin natin, na ang mga taong iyon ay nagkasala dahil pagiging deboto sa kanilang kamangmangan, at binenta ang mga sarili sa ganoong layunin.

Bawat isa ay mananagot para sa eksaktong dahilan ng sinabi ni Calvin: ang ating mga dila ay ginawa para sa maluwalhating mga layunin.

Bukal ng Buhay

Natutukso akong magkaroon ng mababaw na paghatol dahil mababaw ang pananaw ko sa mga salita — isang pananaw na hindi katulad ng kay Jesus. Rerepasuhin niya sa atin ang ating walang-ingat na mga salita dahil inaasahan niyang makakatulong ang ating mga salita sa kapaki-pakinabang,na ito’y dapat ay makadiyos, na nilagyan ng pampalasang asin, at magbibigay ng biyaya sa ating mga tagapakinig.

Ang pagiwas sa pamumusong, paninira, at pagsisinungaling ay masyadong maliit na layunin para sa bibig ng tao. Hangal at walang ingat na mga salita rin ay makasalanang salita dahil lahat ng ating mga salita ay dapat maging karapat-dapat sa ating pananalita. Dapat sila ay nakafocus magtrabaho para sa kabutihan, magbunga, naglalayong maging kapakinabangan sa iba, at walang-humpay na sumusuporta sa kaluwalhatian ng Diyos. Bawat bibig, na binigyan ng kapangyarihan ng buhay at kamatayan (Mga Kawikaan 18:21), ay dapat bukal ng buhay ang umaagos — at ng mga salita ng Diyos ng buhay na walang hanggan, kahit na ang mga tagapakinig lamang ang nakaririnig ng kamatayan.

Ang pagiwas sa pamumusong, paninira, at pagsisinungaling ay masyadong maliit na layunin para sa bibig ng tao.

Ang mga puso niligtas at bago nang nilalang ay tanging ganitong ang uri ng pananalita. Lahat ng sangkatauhan, kasama si Satanas mismo, “ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya” (Juan 8:44, Ang Dating Biblia (1905). Matapos sabihin sa mga Fariseo na hindi sila makapagsasalita ng mabuti dahil masama ang mga ito, inilahad ni Jesus ang pagkakaiba: ” Ang isang mabuting tao ay nagbubunga ng mabubuting bagay mula sa mabuting kayamanan ng kaniyang puso.” (Mateo 12:35, Ang Salita ng Diyos). Ang mabubuting salita ay nagmumula sa mabubuting puso, na ibinibigay ng Diyos sa mga bagong sinilang kay Cristo.

Aral mula sa Mga Serapin

Nadurog si Isaias sa bigat ng isang mundong masama at walang kabuluhang mga salita na parehong umiipit sa kanya. Nang makita niya ang Diyos at marinig ang nagaalab na tinig, na nag-iisa sa layunin ng papuri, na lantad kay Isaias ang buhay niyang puno ng maruming pananalita. Sa silid na iyon, walang lugar ang mapusong at walang saysay na pananalita.

Ngunit hindi dito natapos ang kanyang kuwento. Hinatulan niya ang kanyang sarili na karapat-dapat sa kamatayan, ngunit may mas malaking biyaya ang Diyos na ibibigay, tulad ng ginagawa niya sa atin. Isang nagniningas na mensahero ang nagdala sa mga labi ni Isaias ng baga na mula altar ng pag-aalay (kung saan ang Hari mismo — ang Kordero ng Diyos — ay mahihiga gaya ng lalaking tupa ni Isaac, na pinatay). At kapag tinanong ng Panginoon kung sino ang dapat isugo ng langit, si Isaias ay tumalikod sa pagsusumpa sa kanyang sarili dahil ng kanyang bibig upang sabik na magboluntaryong humayo upang magsalita bilang kinatawan ng Diyos. ” Narito ako; suguin mo ako.” (Isaias 6:8, Ang Dating Biblia (1905).

Pagpapatawad ang sumalubong sa kanya na katulad ng sa atin, pagbabago ng layunin at pagaatas ng mga bibig kahit ang pinakahangal at walang kabuluhang mga tagapagsalita. Ang dating ibinigay sa kadiliman ay magagamit na ngayon upang purihin ang Diyos at pagpalain ang sangkatauhan. Ang makita ang kaluwalhatian ni Cristo ay pumapawi  sa maliliit na mga layunin upang matubos ang mga dila. At kamangha-manghang biyaya ang nagsusugo sa atin bilang mga serapin na magsalita tungkol kay Cristo.

This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by Greg Morse  for Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/worthless-conversation

Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Marianito “Nitoy” M. Gonzales

Marianito “Nitoy” M. Gonzales is an ordinary guy who serves an extraordinary God. A government employee, blogger, and founder of https://delightinggrace.wordpress.com. Happily married to Cristy-Ann and father to Agatha Christie who worship and serve at Faithway Community Baptist Church, Sta. Rita Batangas City.

Greg Morse

Greg Morse

Greg Morse is a staff writer for desiringGod.org and graduate of Bethlehem College & Seminary. He and his wife, Abigail, live in St. Paul with their daughter.
Greg Morse

Greg Morse

Greg Morse is a staff writer for desiringGod.org and graduate of Bethlehem College & Seminary. He and his wife, Abigail, live in St. Paul with their daughter.

Related Posts

Jeff Chavez

Limited Atonement Part 2

The goal of this series is to magnify God’s grace and to humble man’s pride. This is blog post is based on Covenant Reformed Seminary

Jeff Chavez

Limited Atonement Part 1

The goal of this series is to magnify God’s grace and to humble man’s pride. This is blog post is based on Covenant Reformed Seminary

Jeff Chavez

The Total Depravity of Man Part 3

The goal of this series is to magnify God’s grace and to humble man’s pride. While we are not as bad as we could be,

Jeff Chavez

The Total Depravity of Man 2

The goal of this series is to magnify God’s grace and to humble man’s pride.  This lesson: Moral Inability, is a consequence of Total Depravity.