Sa pagitan ng “already” ng iyong pagkakaligtas at ang “not yet” ng iyong pagpunta sa tahanan na langit, may ilang bagay na mas mahalaga sa buhay ng Cristiyano kaysa sa praktikal at gumagana na lebel ng pagka-unawang biblikal. Isa sa pinakamahahalagang kaloob ng Ama sa kanyang mga anak dito at ngayon ay ang kaloob na kanyang Salita, at hindi lang tayo magiging kung ano tayo ayon sa pagkatawag sa atin ng Diyos at palaging gawin ang ipinag-uutos sa atin ng Diyos na gawin nang walang kakayahang kumuha ng karunungan at kaalaman mula sa mga pahina ng kanyang kamangha-manghang Aklat.
Pero may pagtatapat akong sa iyo.Medyo nakakahiya at nakaka-aba, pero handa akong sabihin ito sa publiko: Hindi ako laging nasasabik sa pagbabasa at pag-aaral ng Bibliya. Alam kong hindi ako nag-iisa sa ganitong pagiisip. Para sa madaling madistract na makasalanan na katulad natin, ang pag-aaral ng Biblia ay maaaring kung minsan pabigat, mahirap, nakalilito, at hindi nakakapanabik.
Kaya ngayon, sa pagsisikap na ipaalala sa sarili ko at sa inyo na magpatuloy, nais kong ikunsidera natin ang walong nagbibigay buhay at nagpapabago ng puso na pagpapala na nagmumula lamang sa pagkilala sa Salita ng Diyos. Pagkatapos, gusto kong magrekomenda ng di-kapani-paniwalang resource na magbubukas ng pinto sa bagong paraan ng pag-aaral ng iyong Bibliya.
1. Kamalayan sa Diyos
Simula sa unang anim na salita ng Biblia – ” Nang pasimula ay nilikha ng Diyos…” – ang Kanyang pag-iral, ang katangian, at plano ng Diyos ay nasa sa lahat ng mga pahina ng Banal na Kasulatan. At dahil nilikha Niya tayo para sa Kanya, na ginawa upang mahalin at paglingkuran Siya, nilayon upang lumakad na kaniig Siya, at tinawag upang gawin ang lahat ng ating iniisip, sinasabi, at ginagawa sa Ngalan niya, may ilang bagay na mas mahalaga sa atin kaysa sa Banal na Kasulatan, dahil doon natin matatagpuan ang Diyos.
Ang regular na pag-aaral ng Biblia ay nagiging dahilan ng lahat ng bagay sa inyong buhay at sa akin upang mabuhay ng may kamalayan ng Diyos, at ang palagiang pag-aaral ng Salita ng Diyos ay sumasagip sa atin mula sa pagkakaroon ng pagkalimot sa Diyos na siyang palaging panganib sa bawat makasalanan. Kung hindi aktibong na naghahalungkay tayo sa mga pahina ng Banal na Kasulatan, nanganganib tayong kalimutan, sa praktikal na antas, na mayroong Diyos.
2. Kamalayan sa Sarili
Pangalawa lamang sa paghubog ng kaalaman tungkol sa Diyos ay ang mapagpakumbabang kaalaman tungkol sa sarili. Ngunit dahil ang kasalanan ay mapanlinlang, dapat nating talikuran ang ideya na walang nakaaalam sa atin nang mas mabuti kaysa sa ating sarili. Hangga’t nananatili ang kasalanan, magkakaroon tayo espirituwal na pagkabulag tungkol sa sarili sa ating lahat.
Batid ang nakakabulag na kapangyarihan ng kasalanan, bininyagan tayo ng Diyos ng salamin na ang kanyang Salita (Santiago 1:22-25). Ang pagtingin dito ay magbibigay sa inyo ng tumpak na kaalaman tungkol sa inyong sarili at malinaw na larawan ng lalim ng inyong pangangailangan hindi lamang ng Salita ng Diyos, kundi ng Diyos ng Salita.
3. Kaalaman Tungkol sa Plano ng Diyos
Ang makapangyarihang prinsipyong ito ay makikita sa panalangin ng ating Panginoon – “Dumating nawa ang iyong kaharian. Masunod nawa ang iyong kalooban dito sa lupa tulad ng sa langit.” (Mateo 6:10, Magandang Balita Biblia). Anó ang prinsipyo? Ikaw at ako ay nilikha upang mabuhay para sa isang bagay na mas malaki kaysa sa ating mga sarili. Dahil dito, ginagawa ng Diyos na sagipin tayo mula sa loob ng mga mumunting kaharian ng sarili at dalahin tayo sa kanyang malaking Kaharian ng kaluwalhatian at biyaya.
Ngunit ano ang ibig sabihin ng hanapin ang kaharian ng Diyos? Ang sagot ay nasa mga sa pahina ng Banal na Kasulatan. Ang Bibliya ay nagbibigay sa atin ng malinaw na larawan ng buhay na hinubog hindi sa kung anong gusto natin, kundi sa naisin ng Diyos. Ang pag-aaral ng Bibliya ay magbibigay ng isang larawan ng buhay na hinugis hindi ng inyong mga plano para sa sarili, kundi sa plano ng Diyos para sa iyo.
4. Personal na Pagbabago
Kung itatanong mo, Ano ang ginagawa ng Diyos ngayon sa buhay ng kanyang mga anak? maaari mong sagutin ang tanong sa isang salita – pagbabago. Oo, ang kapangyarihan ng kasalanan ay nawasak na, ngunit ang presensya ng kasalanan ay nananatili pa rin, kaya ang Diyos ay gumagawa sa pamamagitan ng biyaya upang unti-untin na baguhin ang bawat isa sa atin.
Gustung-gusto ko ang pagsasalarawan na ginamit sa Isaias 55:13 upang ilarawan ang nagpapabagong kapangyarihan ng Salita ng Diyos (ang matitinik na halamang ligaw ay nagiging puno ng cypress). Kung ulan at snow ang magdidilig ng isang maliit na matinik na halamang ligaw sa iyong bakuran, aasahan mo ang isang mas malaking matinik na halamang ligaw, ngunit sa halip ay lumilitaw ang isang puno ng cypress. Kapag hinayaan natin na mailubog sa ulan ng Salita ng Diyos ang iyong kaluluwa, hindi ikaw nagiging mas malaking bersyon ng dati mong pagkatao, ngunit sa pamamagitan ng biyaya ay nagiging isang bagay na radikal na bago at kakaiba!
5. May Gospel Worldview
Hindi ko alam kung naisip mo ito, pero ikaw ay isang theologian. Hindi ko ibig sabihin na isang akademikong theologian na nag-aaral ng biblikal na kasaysayan at wika sa Bibliya sa seminary, ngunit isang pang-araw-araw na theologian. Araw-araw, ipinaliliwanag natin ang ating mga karanasan sa pamamagitan ng lens ng theology . Gumagawa tayo ng mga palagay at kumukuha ng mga pagpapasiya tungkol sa Diyos, sa ating sarili, at sa ating mundo.
Mapanganib, dahil karamihan sa atin ay gumagawa ng mga theological na pagpapasya sa hangin, nang walang matibay na biblikal pangangatwiran. At marahil mas mapanganib pa, ni hindi natin alam na ginagawa natin ang mga ito! Minsan pa, ito ang dahilan kung bakit napakaganda ng pag-aaral ang Bibliya. Binibigyan tayo nito ng malawak na pagtingin o “origin to destiny” na perspektibo tungkol sa lahat ng naganap, sa lahat ng umiiral sa kasalukuyan, at lahat pang mangyayari, para maunawaan natin nang wasto ang ating mundo at tumugon nang angkop dito.
6. Street-Level na Gabay
Kung katulad ninyo ako, at sa palagay ko’y nararanasan mo rin ito, halos walang isang araw hindi mo gusto (at kailangan) ang isang “street level” na direksyon para sa pang-araw-araw na pamumuhay. Ano ang dapat kong sabihin sa usapang ito? Paano ako tutugon sa sitwasyong iyon? Ano ang dapat kong planong gawin sa lugar ito? Halos bawat oras ay minarkahan ng mga sandali ng desisyon, hindi malaki, o nagpapabago ng buhay, ngunit 10,000 maliliit na sandali ng desisyong huhubog sa ating buhay at legacy.
Dahil nabubuhay tayo sa 10,000 sandali ng desisyon, nakapapanatag na malaman na ang Salita ng Diyos ay kumikilos bilang “…ilawan sa aking mga paa, At liwanag sa aking landas.” (Mga Awit 119:105, Ang Biblia (1978). Kapag pinag-aaralan natin ang mga Banal na Kasulatan, nagbubukas tayo ng espirituwal na GPS na tumutulong sa atin na mag-navigate sa ating mga sandali ng desisyon sa mga pag-uusap, sitwasyon, lugar, at relasyon sa buhay.
7. Katapatan sa Ministry
Sa huli, paulit-ulit tayong ipinapaalala sa atin ng Salita ng Diyos na ang pinakamahalagang gawain sa buong universe ay ang Kanyang gawain ng pagtubos (redemption). Ang pag-aaral ng Bibliya ay magpapaalala sa atin na hindi tayo tinawag na maging mga tumatanggap lamang ng kanyang biyaya, kundi mga kasangkapan ng kaparehong biyayang iyon sa buhay ng iba.
Ang Biblia ay higit pa sa pagpapaalala lamang; tinutukoy nito kung paano tayo nakikibahagi sa ganoong ministry. Maraming talata sa Banal na Kasulatan – II Corinto 5:20, I Pedro 5:1-10, at I Corinto 2:1-2. Habang lalo mong pinag-aaralan ang Salita ng Diyos, lalo kang magiging tapat, at mahahasa sa praktikal na ministry na atin pinamumuhay kung saan tayong lahat ay tinawag.
8. May Mas Malalim na Pagmamahal kay Jesus
Ang Bibliya ay hindi koleksyon ng mga kuwento o listahan ng mga salitang may karunungan, kundi ng isang kuwentong tumatabok sa bawat pahina, mula simula hanggang sa katapusan. Ang Bibliya ay kuwento tungkol kay Jesus. Bawat talata ay umaasam na makita Siya, nilalaan ang pag-asa sa Kanya, itinuturo kung ano ang kaya Niyang ayusin, o pagbabalik-tanaw sa Kanya nang may pasasalamat.
Ang pag-aaral sa Bibliya ay inilagay si Jesus sa iyong harapan, ipinaaalala sa iyo nang paulit-ulit ang kanyang presensya, plano, kapangyarihan, at mga pangako. Magiging dahilan ito para alalahanin mo na si Jesus ang pinakadakilang kaloob sa iyo ng Diyos at ang bunga nito ay magiging mas malalim na pagmamahal mo sa Kanya at mas masiglang ipagdiwang ng Kanyang biyaya.
Gusto mo bang mas mahalin pa si Jesus? Mas pag-aralan mo pa ang iyong Biblia.
This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by Paul Tripp. To read the original version, click https://www.paultripp.com/articles/posts/8-blessings-of-studying-your-bible