Bago nilikha ang mga bundok, o bago mo nilikha ang lupa at ang sanlibutan, ikaw ay Diyos, mula sa walang hanggan hanggang sa walang hanggan.
Psalms 90:2 ABAB
Lahat ng bagay sa mundo at ang buong sanlibutan ay may pinagmulan. Lahat ng nakikita natin ay may pasimula, mga puno, mga bundok, at mga bituin sa langit. Ang Diyos lang ang walang pasimula at walang katapusan, dahil Siya ang Walang Hanggang Diyos. Bilang Tunay na Diyos, ito ay kinakailangang katangian Niya. Kung Siya ay may pasimula, hindi Siya Diyos!
Ipaunawa sa mga bata na hindi tulad ng Diyos nagsisimula ang buhay ng tao sa kapanganakan at nagtatapos sa pagkakataon na sila ay mamatay. Makikita natin ito sa mga libingan kung saan nakalagay ang taon ng kapanganakan at kamatayan. Ang mga bata mula sa loob ng sinapupunan ng kanilang ina ay dumadaan sa proseso hanggang sila ay ipanganak at lumaki. Ngunit ang Diyos ay walang prosesong pinagdaanan, Siya ay di-nagbabago, Siya ay Diyos mula sa walang hanggan hanggang sa walang hanggan.
Mahalaga itong katotohanan dahil may mga paniniwala na nagsasabi na maging ang uniberso ay walang pasimula. Pero malinaw sa Bibliya na “sa pasimula nilikha ng Diyos ang langit at lupa” (Genesis 1:1).
Dapat ding ituro sa mga bata na dahil dito tayo ay maaaring umasa sa Diyos, dahil hindi nakasalalay sa atin o sa anumang bagay ang Kanyang pag-iral o ‘existence’.
Ang Diyos ay walang hanggan, at walang katapusan. Ang buhay natin ay may katapusan. Ipaunawa sa mga bata na kahit anong oras maaaring matuldukan din ang buhay nila. Kaya nga nararapat silang manampalataya sa Kanyang Anak na si Hesus upang magkakaroon ng buhay ng walang hanggan.
Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.
Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.
English version
Q.10. Does God have a beginning?*
A. God does not have beginning and end, and He doesn’t change (Psalm 90:2).
Before the mountains were brought forth, or ever you had formed the earth and the world, from everlasting to everlasting you are God.
Psalms 90:2 ESV
Everything in the world and the whole universe has an origin. Everything we see has a beginning, trees, mountains, and stars in the sky. Only God has no beginning and end, because He is the Eternal God. As the True God, this is a necessary attribute of God. If He had a beginning, He is not God!
Let the children understand that unlike God, our life begins when we are born and ends once we die. We see it in tombs where the year of birth and death are engraved. Children from their mother’s womb go through the process until they are born and grow up. But God has no process to go through, He is unchanging, and He is God from eternity to eternity.
This fact is important because there are beliefs that say that even the universe had no beginning. But the Bible is clear that “in the beginning, God created the heavens and the earth” (Genesis 1: 1).
Children should also be taught that because of this we can depend on God, because His existence does not depend on us or any of His creation.
God is eternal, and without end. Our lives have an end. Let the children understand that their lives will end at any time. That is why they must believe in His Son Jesus Christ that they may have eternal life.
To God be the glory!
*In the original Baptist Catechism this is not included. We are following a Filipino Version
Originally written in https://theologycheck.wordpress.com/2021/09/30/10-may-pasimula-ba-ang-diyos/.