#14 Magagawa ba ng Diyos ang lahat ng Bagay?

“Alam kong magagawa mo ang lahat ng mga bagay, at wala kang layunin na mahahadlangan.”

Job 42:2 ABAB

Ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat o ‘omnipotent’. Lubos o ‘absolute’ ang Kanyang kapangyarihan. Pero ang aspeto ng kapangyarihan ng Diyos na tinutukoy dito ay ang kapangyarihan Niyang isagawa ang Kanyang kalooban.

Ang Kanyang lubos na kapangyarihan ay walang hanggan, magagawa Niya ang lahat lahat, pero sa makapangyarihang pagsasagawa ng mga bagay, ito ay nakapailalim sa Kanyang kalooban. Sa Matthew 26:53-54, kaya ng Diyos na magpadala ng mga Anghel para labanan ang mga sundalo pero hindi Niya ito ginawa dahil hindi iyon ayon sa Kanyang kalooban. Ganun pa man, walang makakadhalang sa o hindi mabibigo ang Kanyang itinalagang mangyari.

Pansinin na iniugnay ng Katekismo ang kapangyarihan ng Diyos sa Kanyang banal na kalooban. Ibig sabihin, hindi Siya gagawa ng mga bagay na salungat sa Kanyang mabuting kalooban. Ang Diyos ay di-nagbabago at ganap kaya hindi Niya magagawang salungatin ang Kanyang sarili. Maaaring maitanong ng mga bata kung ‘magagawa bang gumawa ng Diyos na batong ‘di Niya kayang buhatin?’ Ang sagot ay hindi.

Ipaunawa sa mga bata na hindi tulad ng Diyos, tayong mga tao ay may naisin na hindi natin naisasagawa dahil nga hindi tayo makapangyarihan. Maaring tayong mabigo at magkamali. Bigyang-diin din na ang nagpapanatili ng buhay ng mga bata ay ang kapangyarihan at biyaya ng Diyos lamang. Wala silang sariling lakas para ito ay ipagpatuloy kaya nararapat na sila ay magtiwala at magpasalamat lamang sa Kanya araw-araw.

Sa Diyos ang Papuri!

Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.


Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.


English version

Q.14. Can God do all things?
A.     Yes. God can do all His holy will. (Job 42:2)

“I know that you can do all things, and that no purpose of yours can be thwarted.

Job 42:2 ESV

God is all-powerful or omnipotent. His power is absolute. But the aspect of God’s power referred to here is His power to carry out His will or His ordained power.

His omnipotence is infinite. He can do all things, but in the mighty execution of things, it is subject to His will. In Matthew 26: 53-54, God can send angels to fight the soldiers but He did not do it because it was not according to His will. Nevertheless, nothing can prevent or frustrate what He intends to happen.

Notice that the Catechism connects the power of God with His holy will. That is, He will not do things that are contrary to His good will. God is immutable and perfect so He cannot contradict Himself. Children may ask, ‘can God make a rock that He cannot lift?’ The answer is no.

Let the children understand that unlike God, we humans have desires that we cannot fulfill or do because we are not powerful. We can fail and make mistakes. Also emphasize that what keeps them alive is the power and grace of God alone. They do not have the strength to sustain themselves so they should trust and thank the LORD every day.

Note: This is question number 13 in Children’s Catechism.

Originally written in https://theologycheck.wordpress.com/2021/10/05/14-magagawa-ba-ng-diyos-ang-lahat-ng-bagay/.