#16 Saan mo matututuhan kung paano mo iibigin at susundin ang Diyos?

Q: Saan mo matututuhan kung paano mo iibigin at susundin ang Diyos?
A: Sa Bibliya lamang.

Ang lahat ng mga kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa katuwiran, upang ang tao ng Diyos ay maging ganap, nasasangkapang lubos sa lahat ng mga gawang mabuti.

2 Timothy 3:16-17 ABAB

Ang mga tao ay hindi iniwan ng Diyos para mag-isip ng paraan kung paano nila iibigin at susundin ang Diyos. Hindi kailangan ng tao na maghanap ng mga bagong kapahayagan o manalangin sa mga espiritu para ito’y malaman. Hindi rin ito binigay sa mga iilang tao o grupo lamang na silang magdidikta kung paano dapat sundin ang Diyos. Matututo tayo, maging ang mga bata na ibigin at sundin ang Diyos ayon sa Bibliya lamang.

Hindi kulang ang salita ng Diyos, ito ay sapat para sa Kanyang mga tao na kanilang gabay sa pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa katuwiran. Nakapahayag din dito ang malinaw na nais ng Diyos na gawin ng Kanyang mga tao.

Sa relasyon ng mga magulang at bata, magandang ipakita na hindi rin ang bata ang magdidikta kung paano nila gustong sundin at ibigin ang kanilang magulang. Binigyang diin ng Katekismo na pangunahin ang pag-ibig, ngunit hindi ito maihihiwalay sa pagsunod. Walang tunay na pagsunod kung walang pag-ibig. Hindi mo rin masasabi na umiibig ka kung hindi ka naman sumusunod. Ang mga bagay na ito ay matututunan lahat sa Bibliya.

Ang mga magulang din ay hindi iniwan ng Diyos para mag-isip ng kanilang sariling paraan kung paano papalakihin ang mga bata. Ito rin ay naaayon dapat sa malinaw na Salita ng Diyos. Dapat sikapin ng mga magulang sa biyaya ng Diyos na ipakita ang pag-ibig sa Kanya sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsunod sa Kanyang Salita. Ang Bibliya ay Salita ng Panginoong Diyos kaya ito lamang ang hindi nagkakamaling pinagmumulan ng tamang paraan ng pag-ibig at pagsunod sa Diyos.

Sa Diyos ang Papuri!

Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.


English version

Q.16. Where do you learn how to love and obey God?
A.      In the Bible alone. 

All Scripture is breathed out by God and profitable for teaching, for reproof, for correction, and for training in righteousness, that the man of God may be complete, equipped for every good work.

2 Timothy 3:16-17 ESV

God has not left people to think of the proper way to love and obey God. Man does not need to seek new revelations or pray to spirits to know them. Nor is it given to just a few people or groups who will dictate how to obey God. We, even children, can learn to love and obey God according to the Bible alone.

The word of God is not deficient, it is sufficient for His people to guide them in teaching, in rebuking, correcting, and in training in righteousness. It also reveals what God clearly wants His people to do.

In the parent-child relationship, it is good to show that the child will not dictate how they want to obey and love their parents. The Catechism emphasizes that love is primary, but it cannot be separated from obedience. There is no true obedience without love. You also can’t say you have love if you don’t obey. All these things can be learned in the Bible.

God did not leave parents to think of their own way of raising children. It must also be in accordance with the clear Word of God. The parents should strive by the grace of God to model love to the LORD by reading and obeying His Word. The Bible is the Word of the Lord God, so it is the only infallible source of the right way to love and obey Him.

Note: This question is # 14 in the Children’s Catechism

Originally written in https://theologycheck.wordpress.com/2021/10/07/16-saan-mo-matututuhan-kung-paano-mo-iibigin-at-susundin-ang-diyos/.