Ang Espiritu Santo lamang. (Jn 3:1-8, Ez 11:19-20; Juan 1:13; Gawa 16:14)
Humihihip ang hangin kung saan nito ibig at naririnig mo ang ugong nito, ngunit hindi mo nalalaman kung saan ito nanggagaling at kung saan tutungo. Ganoon ang bawat isang ipinapanganak ng Espiritu.
John 3:8 ABAB
Malinaw sa naunang tanong kung sino lamang ang makakagawa ng pagbabago ng puso. Sa tanong na ito, binigyang-diin ng katekismo ang pangunahing gampanin ng Banal na Espiritu sa gawa ng biyayang ito.
Ang Espiritu Santo ang nagbibigay buhay sa mga patay na kaluluwa. Sa pamamagitan ng pangangaral ng Ebanghelyo, ayon sa malayang kalooban ng Diyos ay binibigyan ng bagong puso ang mga hinirang kay Kristo. Pinapalitan ng pusong laman ang pusong bato nang sa gayon ay manampalataya at malayang makasunod sa utos ng Diyos ang dating mga umaayaw dito.
Kaya mahalaga para sa mga magulang na kasama ng pagtuturo ay ipanalangin ang paggawa ng Banal na Espiritu. Mahalaga din na hindi ihiwalay ang Salita ng Diyos at Ebanghelyo dahil ito ang ginagamit ng Panginoon para baguhin ang puso ng mga bata.
Sa Diyos ang Papuri!
Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.
English version
Q.43. Who can change a sinner’s heart?
A. The Holy Spirit alone. (Jn 3:1-8)
The wind blows where it wishes, and you hear its sound, but you do not know where it comes from or where it goes. So it is with everyone who is born of the Spirit.”
John 3:8 ESV
It is clear from the previous question who alone can change a sinner’s heart. In this question, the catechism emphasizes the primary role of the Holy Spirit in this act of grace.
The Holy Spirit gives life to souls dead in sin. Through the preaching of the Gospel, according to the free determination of God, a new heart is given to those elected in Christ. A heart of flesh replaces a heart of stone so that those who once hate God may believe the gospel and be free to obey God’s command.
So, it is important for parents to teach the children and to pray for the working of the Holy Spirit. It is also important not to separate the Word of God and the Gospel in raising children because it is what the Lord uses to change the hearts of children.
To God be the glory.
Note: This question is #41 in the Children’s Catechism
Originally written in https://hgcbcc.com/2021/11/15/43-sino-ang-makakapagpabago-ng-puso-ng-isang-makasalanan/