#51 Paanong nangyari na nagdusa si Cristo?

Si Kristo, na Anak ng Diyos, ay naging tao upang matupad ang batas at magdusa para sa atin (Phil 2:5-8).

Magkaroon kayo sa inyo ng ganitong pag-iisip na kay Cristo Jesus din naman, na siya, bagama't nasa anyo ng Diyos, ay hindi niya itinuring na isang bagay na dapat panghawakan ang pagiging kapantay ng Diyos, kundi hinubaran niya ang kanyang sarili at kinuha ang anyong alipin na naging katulad ng tao. At palibhasa'y natagpuan sa anyo ng tao, siya'y nagpakababa sa kanyang sarili, at naging masunurin hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan man sa krus.
Philippians 2:5-8 ABAB

Dahil hindi kayang iligtas ng tao ang kanilang sarili, hindi nila kayang tuparin ang hinihingi ng batas, at bayaran ang kabayaran ng kasalanan, isinugo ng Diyos ang Kanyang nag-iisang Anak. Sa karunungan at pag-ibig ng Diyos para sa Kanyang kaluwalhatian at mga hinirang, ang anak ay nagkatawang tao nang hindi nawala ang pagka-Diyos nang sa gayon ay mamuhay Siya ng matuwid at mamatay para sa mga makasalanan.

Hindi din kayang sundin ng ating mga anak ang mga inuutos natin ng tunay at buong puso, ito ay posible lamang sa biyaya ng Diyos na kay Kristo. Nawa ating laging ilapat ang biyaya ng Ebanghelyo sa ating mga anak.

Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.


English Version

Q.51. How could Christ suffer?
A.     Christ, the Son of God, became a man so that He could obey and suffer in our place. (Phil 2:5-8)

Have this mind among yourselves, which is yours in Christ Jesus, who, though he was in the form of God, did not count equality with God a thing to be grasped, but emptied himself, by taking the form of a servant, being born in the likeness of men. And being found in human form, he humbled himself by becoming obedient to the point of death, even death on a cross.
Philippians 2:5-8 ESV

Because man could not save themselves, nor fulfill the requirements of the law and pay the penalty for sin, God sent His only begotten Son. In the wisdom and love of God for His glory and the elect, the Son became man without losing his divinity so that He could live righteously and die for sinners.

Our children won’t be able to obey our commands sincerely and wholeheartedly, this is only possible by the grace of God in Christ. May we always apply the grace of the gospel to our children.

To God be the glory.

Note: This question is #50 in the Children’s Catechism

Originally written in https://hgcbcc.com/2021/11/25/51-paanong-nangyari-na-nagdusa-si-kristo/