#57 Paano inaaring-ganap ng Diyos ang mga makasalanan?

Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Kristo ay pinapatawad at ibinibilang ng Diyos na matuwid ang mga makasalanan. (Gal 2:16)

at nalalaman natin na ang tao ay hindi inaaring ganap sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan, kundi sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo, at tayo ay sumasampalataya kay Cristo Jesus, upang ariing ganap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, at hindi sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan, sapagkat sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay hindi aariing ganap ang sinumang laman.

Galatians 2:16 ABAB

Tatlong beses inulit ni Pablo sa isang talata ang salitang pag-aaring ganap. Napakahalaga nito dahil ito ang katuruan tungkol sa ating pagharap ng matuwid sa harapan Diyos. Ito ay nakasandig lamang sa katuwiran ni Hesus at makakamtam lamang sa pamamagitan ng pananampalataya at hindi ng gawa. Hindi tayo gumagawa para maging katanggap-tanggap sa harapan ng Diyos.

Dapat din nating linawin na tayo ay hindi nagiging matuwid kundi ibinibilang na matuwid sa pag-aaring ganap. Ibig sabihin ito ang ating “legal” na katayuan. Tayo ay pinatawad sa ating kasalanan hindi dahil naging magtuwid tayo, kundi dahil may nagbayad na ating pagkakautang, naglinis ng ating maruming record sa harapan ng Diyos, at nagdamit sa atin ng katuwiran.

Kapag nakikipag-usap tayo sa ating mga anak tungkol sa pag-aaring ganap, dapat nating bigyang-diin ang katotohanan na ang lahat ng kanilang pagsisikap na sumunod ay hindi ang paraan upang maging matuwid sa harapan ng Diyos. Dapat muna ariing ganap sa pamamagitan ng pananampalataya upang tunay nilang masunod ang utos ng Diyos.

Sa Diyos lamang ang papuri!

Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.


English Version

Q.57.    How does God justify sinners?
A.       God forgives and accepts sinners as righteous through faith in Christ. (Gal 2:16)

yet we know that a person is not justified by works of the law but through faith in Jesus Christ, so we also have believed in Christ Jesus, in order to be justified by faith in Christ and not by works of the law, because by works of the law no one will be justified.

Galatians 2:16 ESV

Paul repeats the word justification three times in one verse. This is very important because it is the teaching about our right standing before God. It depends only on the righteousness of Jesus and can only be obtained by faith and not by works. We do not work to be acceptable before God.

We must also clarify that we do not become righteous but are counted righteous in justification. This refers to our “legal” status. We are forgiven of our sin not because we have become righteous, but because someone has paid our debt, cleansed our guilty record before God, and clothed us with righteousness.

When we talk to our children about justification, we must emphasize the fact that all their effort to obey is not the way to be right with God. They must be right with God first by faith so that they can truly obey His law.

To God be the glory!

Note: This question is #56 in the Children’s Catechism

Originally written in https://hgcbcc.com/2021/12/07/57-paano-inaaring-ganap-ng-diyos-ang-mga-makasalanan/