#60 Paano Magsisi sa Kasalanan?

Dapat kong ikalungkot ang aking kasalanan, mapoot at tumalikod dito. (2 Cor 7:10)

Sapagkat ang kalungkutang naaayon sa Diyos ay nagbubunga ng pagsisisi tungo sa kaligtasan na hindi ipagdaramdam, subalit ang makasanlibutang kalungkutan ay nagbubunga ng kamatayan.

2 Corinthians 7:10 ABAB

Mahalagang malaman ng mga bata kung ano ang tunay na pagsisisi. Hindi ito tulad sa mga kalaro nila na humihingi ng tawad tuwing magawan ng hindi maganda tapos uulitin ulit ang parehas na kasalanan.

Dahil ang kasalanan ay hindi nakalulugod sa Diyos, ito ay dapat na magdulot ng kalungkutan sa isang makasalanan. Bukod pa dito, ang pagkapoot sa kasalanan ay dapat din taglayan ng isang taong nagsisisi dahil ito ay paglapastangan sa Diyos na umibig sa atin. Sa panghuli, kung ito ay ating kinalulungkot at kinapopootan, nararapat na ito ay ating talikuran at lumakad tungo sa kabanalan para sa kapurihan ng Diyos.

Sa Diyos lamang ang papuri!

Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.


English Version

Q.60. How do you repent of your sin?
A.  I must be sorry for my sin, and hate and forsake it. (2 Cor 7:10)

For godly grief produces a repentance that leads to salvation without regret, whereas worldly grief produces death.

2 Corinthians 7:10 ESV

It is important for children to know what true repentance is. It’s not like their playmates who apologize every time they do something bad and then repeat the same sin again.

Since sin is not pleasing to God, it must cause sorrow to a sinner. In addition, the hatred of sin must also be possessed by a repentant person because it is blasphemy against God who loves us. Finally, if we are sorrowful because of sin and we hate it, we should turn away from it and walk toward holiness for the glory of God.

To God be the glory!

Note: This question is #59 in the Children’s Catechism

Originally written in https://hgcbcc.com/2021/12/16/60-paano-magsisi-sa-kasalanan/