#61 Bakit Mo Dapat Kamuhian at Talikuran ang Kasalanan?

Dahil ang kasalanan ay hindi nakalulugod sa Diyos (Psalm 5:4-6)

Sapagkat ikaw ay hindi isang Diyos na nalulugod sa kasamaan; ang kasamaan ay hindi mo kasamang naninirahan. Ang hambog ay hindi makakatayo sa iyong harapan, kinapopootan mo ang lahat ng mga gumagawa ng kasamaan. Iyong lilipulin sila na nagsasalita ng mga kasinungalingan; kinasusuklaman ng PANGINOON ang mamamatay-tao at manlilinlang.

Psalms 5:4-6 ABAB

Dapat nating kamuhian ang kasalanan hindi lang dahil ito ay nagdudulot ng kalungkutan at may kabayaran sa harapan ng Diyos kundi dahil higit sa lahat ito ay paglapastangan sa banal na Diyos. Galit ang Diyos sa kasalanan. Kinamumuhian Niya ang anumang paghihimagsik sa Kanyang matuwid at banal na katangian. 

Mahalagang malaman ito ng mga bata, nakakalungkot dito sa mundo dahil kahit mga bata pa, hinahayaan lamang sila mamuhay na makasarili ng mga magulang. Sa bawat pagkataon, nararapat na bantayan ng mga magulang ang buhay ng kanilang mga anak at huwag palampasin ang mga kasalanang nagagawa upang sila ay maituro sa Panginoong Hesu-Kristo na Siyang tanging paraan para sila ay maligtas mula sa poot na darating.

Sa Diyos lamang ang papuri!

Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.


English Version

Q.61.  Why must you hate and forsake your sin?
A.  Because sin displeases God (Psalm 5:4-6)

For you are not a God who delights in wickedness; evil may not dwell with you. The boastful shall not stand before your eyes; you hate all evildoers. You destroy those who speak lies; the LORD abhors the bloodthirsty and deceitful man.

Psalms 5:4-6 ESV

We must hate sin not only because it brings sorrow to us and deserves punishment before God but because above all it is blasphemy against the holy God. God is angry at sin. He hates any rebellion against His righteous and holy nature.

It is important for our children to know this. It is sad to know that in this, children are left by their parents to live selfishly and to focus on themselves. In every situation, parents should watch over the lives of their children and not overlook the sins committed so that we can always lead to the Lord Jesus Christ who is the only way for them to be saved from the wrath to come.

To God be the glory!

Note: This question is #60 in the Children’s Catechism

Originally written in https://hgcbcc.com/2021/12/17/61-bakit-mo-dapat-kamuhian-at-talikuran-ang-kasalanan/