Inutos sa atin ng Diyos na ipanalangin ang pagtulong ng Banal na Espiritu. (Lk 11:13)
Kung kayo nga na masasama ay marunong magbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama sa langit na magbibigay ng Espiritu Santo sa mga humihingi sa kanya?”
Luke 11:13
Dahil hindi natin kayang lumapit sa Diyos at sundin ang Kanyang mga utos, tayo ay nakasalalay lamang sa pagbabago na buhat sa kapangyariahan ng Banal na Espiritu. Ang pananalangin ang napakahalagang paraan na inutos sa atin ng Diyos para tayo ay tulungan ng Espiritu. Kailangan natin Siya sa lahat ng oras at pagkakataon. Ang ating pananalangin ang nagpapakita ng ating pagdepende sa biyaya ng Diyos.
Napakagandang maituro din ito sa ating mga anak. Nawa hindi nakasentro sa mga makamundo at pansamantalang pangangailangan lamang ng ating mga anak ang panalangin na itinuturo natin sa kanila. Kundi sa Banal na Espiritu na ibibigay ng mabuting Ama sa kanila na matapat at maagap na nananalangin sa Kanya. Nawa turuan din natin silang manalangin sa Banal na Espiritu na Siyang naglalapat ng biyaya kaligtasan na isinakatuparan ng ating Panginoong Hesu-Kristo.
Sa Diyos lamang ang papuri!
Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.
English Version
Q.64. How can you get the help of the Holy Spirit?
A. God has told us to pray for the Holy Spirit’s help. (Lk 11:13)
If you then, who are evil, know how to give good gifts to your children, how much more will the heavenly Father give the Holy Spirit to those who ask him!”
Luke 11:13
Because we cannot come to God and keep His commandments, we are dependent solely on the change that comes through the power of the Holy Spirit. Prayer is the most important means that God has commanded us to get the help of the Spirit. We need Him at all times and in all circumstances. Our prayers show our dependence on God’s grace.
It is wonderful to teach this to our children as well. May the prayers we teach them not be centered on the worldly and temporary needs of our children only but in the Holy Spirit that the good Father will give to those who faithfully and earnerstly pray to Him. May we also teach them to pray to the Holy Spirit who applies the saving grace accomplished by our Lord Jesus Christ.
To God be the glory!
Note: This question is #63 in the Children’s Catechism
Originally written in https://hgcbcc.com/2021/12/21/64-paano-mo-makukuha-ang-tulong-ng-banal-na-espiritu/