Sa pamamagitan ng pananampalataya sa pangakong Messiah (Heb 10:1)
Yamang ang kautusan ay anino lamang ng mabubuting bagay na darating, at hindi ang tunay na larawan ng mga bagay na ito, kailanman ay hindi nito mapapasakdal ang mga lumalapit sa pamamagitan ng gayunding mga alay na laging inihahandog taun-taon.
Hebrews 10:1 ABAB
Ang mga kautusan at pag-aalay sa lumang tipan ay hindi kailan man makapaliligtas ng makasalanan. Kahit hindi pa man dumating si Hesus, sa lumang tipan ang mga tao ng Diyos ay naligtas hindi sa pamamagitan ng anu pa man kundi sa pamamagitan lamang ng pananampalataya sa ipinangakong Manunubos.
Dito makikita natin na walang ibang paraan ng kaligtasan. Ang mga mananampalataya bago dumating si Hesus ay umasa sa darating na Tagapagligtas ayon sa pangako ng Diyos, samantalang ang mga tao ngayon ay umaasa sa Tagapagligtas na dumating na.
Sa Diyos lamang ang papuri!
Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.
English Version
Q.66. How were sinners saved before Christ came?
A. By trusting in the promised Messiah. (Heb 10:1)
For since the law has but a shadow of the good things to come instead of the true form of these realities, it can never, by the same sacrifices that are continually offered every year, make perfect those who draw near.
Hebrews 10:1 ESV
The law and sacrifices of the old covenant could never save a sinner. Even before Jesus came, in the old covenant, God’s people were saved not by anything else but by faith only in the promised Redeemer.
Here we see that there is no other way of salvation. Believers, before Jesus came, were looking forward to the coming Savior according to God’s promise, while people today are looking back to the Savior who has already come.
To God be the glory!
Note: This question is #66 in the Children’s Catechism
Originally written in https://hgcbcc.com/2021/12/23/66-paano-naligtas-ang-mga-makasalanan-bago-dumating-si-kristo/