#67 Bago dumating si Kristo, paano ipinapakita ng mga mananampalataya ang kanilang pananampalataya?

Sa pamamagitan ng paghahandog ng alay na hinihingi ng Diyos, at ng pagsunod(Heb 10:10-13).

at sa pamamagitan ng kalooban niya tayo’y ginawang banal sa pamamagitan ng pag-aalay ng katawan ni Cristo minsan magpakailanman. At bawat pari ay tumatayo araw-araw na naglilingkod at paulit-ulit na nag-aalay ng gayunding mga handog na kailanman ay hindi nakapag-aalis ng mga kasalanan. Ngunit nang makapaghandog si Cristo ng isa lamang alay para sa mga kasalanan para sa lahat ng panahon, siya ay umupo sa kanan ng Diyos.

Hebrews 10:10-12

Ang pag-aalay ay sentro ng pagsamba at paglapit ng mga tao sa Diyos sa lumang tipan. Lahat ng tao ay makasalanan, kaya kinakailangan ng handog bago makalapit sa Kanya. Sa Lumang Tipan, ang bawat paglabag sa Batas ay nangangailangan ng kapalit na sakripisyo. Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang “dugo ng mga toro at kambing” ay walang kapangyarihang mag-alis ng kasalanan (Heb. 10:4).

Sila ay sumunod sa Diyos at sa Kanyang itinalagang paraan ng paglapit sa Kanya. Ngunit alam natin na hindi nila kayang alisin ang kasalanan at linisin ang mga tao ng Diyos dahil sila ay iniaalay bawat taon (Hebrews 10:1b), sila ay tumigil na sa pag-aalay (v.2). Dahil ang tao ay nagkasala sa Diyos, dapat siyang mamatay. Ang mga hinihingi ng banal na katarungan laban sa mga makasalanan ay hindi kailanman matutugunan ng mga hayop na inihandog. Pero sa paggawa noon sila ay nanampalataya sa Diyos at sa sinisimbolo ng mga iyon. 

Ang tanging sapat na handog ay si Hesu-Kristo lamang, Siya ay may ganap na katuwiran na hinihingi ng Ama. Ang Kanyang dugo ay may hindi masukat na halaga, sapat para bayaran ang kasalanan ng kanyang mga tao. 

Sa Diyos lamang ang papuri!

Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.


English Version

Q.67.  Before Christ came, how did believers show their faith?
A.     By offering the sacrifices God required and obedience. (Heb 10:10-13)

And by that will we have been sanctified through the offering of the body of Jesus Christ once for all. And every priest stands daily at his service, offering repeatedly the same sacrifices, which can never take away sins. But when Christ had offered for all time a single sacrifice for sins, he sat down at the right hand of God.

Hebrews 10:10-12

Sacrifice was the center of people’s worship and approach to God in the old covenant. All people are sinners, so an offering is needed before we can come to Him. In the Old Testament, every violation of the Law required a substitute sacrifice. However, it is important to remember that “the blood of bulls and goats” has no power to take away sin (Heb. 10: 4).

They obeyed God and His appointed way of approaching Him. But we know that they could not take away sin and cleanse God’s people because they were offered every year (Hebrews 10: 1b), and they had stopped offering (v.2). Because man has sinned against God, he must die. The demands of divine justice against sinners can never be met by animal sacrifices. But in doing so, they put faith in God and in what they symbolize.

The only sufficient sacrifice is Jesus Christ alone, He has the perfect righteousness demanded by the Father. His blood was of immeasurable value, sufficient to pay for the sin of his people.

To God be the glory!

Note: This question is #66 in the Children’s Catechism

Originally written in https://hgcbcc.com/2021/12/27/67-bago-dumating-si-kristo-paano-ipinapakita-ng-mga-mananampalataya-ang-kanilang-pananampalataya/