Ang katuruan tungkol sa Banal na Trinidad ay mahirap unawain, hindi lang para sa mga matatanda kundi lalo na sa mga bata. Kaya dapat itong ipaliwanag ng may ingat. ‘Wag kalimutan ang question # 6 na may Iisang Tunay na Diyos lamang, dahil maaaring sabihin ng bata na tatlo pala ang Diyos.
Ipaliwanag sa mga bata na hindi dahil sa di natin ito lubos na maunawaan ay hindi na natin ito tatanggapin. Ito ay ayon sa malinaw an kapahayagan ng Salita ng Diyos. Hindi ito basta maipapaliwanag through reasoning or logic, at ito ay isang mystery na nangangailangan ng kapahayagan ng Diyos.
Ipakita din sa mga bata na walang contradiction sa Trinity. Hindi natin sinasabi na may isa at tatlong Diyos o may isa at tatlong persona. May iisang Diyos at may Tatlong Persona. Tungkol sa Trinity, pag ang tanong ay “ano” ang Trinity, ang sagot ay Diyos, at pag ang tanong ay “sino”, ang sagot ay ang tatlong persona na sasagutin ng question # 8. Mag-kaiba ang being o nature at persons.
Pwede tayong gumamit ng paglalarawan (hindi ito perfect na illustration dahil maraming tao, at ang Diyos ay iisa lang). Halimbawa, ang being o nature ng tao ay tao. Ipaliwanag sa bata na si Nanay, Tatay, at bunso ay tao, pero mayroon silang pagkakaiba, si Nanay ay hindi si Tatay, at si bunso ay hindi si Nanay. Sa ganitong paraan mabibigyang linaw ang pagiging-isa ng Diyos (one humanity), at pagkakaiba sa iisang Diyos (distinction of persons).
Tunay na hinahamon ng katuruang ito ang ating pang-unawa. Nararapat na bigyang-linaw sa mga bata na dahil ang Diyos ay walang hanggan, Siya ang Manlilikha, at tayo ay mga nilkha, at may limitasyon, hindi talaga natin lubusang mauunawaan ang katuruang ito. Ito ay sa pamamagitan lamang ng pananampalataya at pagyakap sa kapahayagan ng Banal na Kasulutan.
Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.
English version
Q.7. In how many Persons does this one God exist?
A. In three Persons. (2 Cor 13:4)
The teaching about the Holy Trinity is complex, not only for adults but especially for children. So it must be explained carefully. Don’t forget to review question # 6, that there is only One True God, because the child may say that there are three Gods.
Explain to the children that just because we do not fully understand it does not mean we will not accept it. This is according to the clear revelation of God’s Word. It cannot simply be explained through reasoning or logic, and it is a mystery that requires divine revelation.
Also, show the children that there is no contradiction in the Trinity. We do not say that there is one and three Gods or that there is one and three persons. There is one God and there are Three Persons. Regarding the Trinity, if the question is “what” is the Trinity, the answer is God, and if the question is “who”, the answer is three persons, which will be further answered by question # 8. Being or nature and persons are different.
We can use an illustration (this is not a perfect illustration because there is more than one human being, but the being of God is only one). For example, a human being is human. Explain to the child that Mom, Dad, and baby are human, but they have differences, Mom is not Dad, and baby is not Mom. In this way, the oneness of God (one humanity), and the distinction of persons can be understood.
This teaching really challenges our understanding. It should be made clear to the children that because God is eternal, infinite, He is the Creator, and we are creatures, and finite, we cannot fully understand this teaching. It is only by faith and embracing the revelation of Scripture.
To God be the glory!
Originally written in https://theologycheck.wordpress.com/2021/09/27/7-ilan-ang-persona-sa-iisang-diyos/