Dahil ako’y sumuway sa utos ng Diyos (Roma 3:23)
yamang ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos
Mga Taga-Roma 3:23 ABAB
Walang matuwid kahit isa. ‘Yan ang malinaw at matibay na patotoo ng Banal na Kasulatan tungkol sa lahat ng tao. Lahat ay sumuway sa Diyos, at lahat ay nahaharap sa matuwid Niyang paghatol. Dahil dito, hindi natin kayang tuparin ang kautusan ng Diyos, at hindi rin natin kayang bayaran ang ating utang dahil sa ating mga kasalanan.
Ito ay nagpapakita lamang na kailangan natin si Hesus bilang Pari. Siya lamang ang nabuhay ng matuwid at nakatupad ng hinihingi ng kautusan. Siya lamang ang nakapagbayad ng ating utang sa pamamagitan ng Kanyang walang hanggang dugo. Kailangan natin Siya hanggang ngayon sa pagharap natin sa Diyos Ama. Kung wala Siya, wala nang ibang tagapamagitan ang sapat para sa ating mga makasalanan at sa Diyos na banal.
Sa Diyos lamang ang papuri!
Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.
English Version
Q.74. Why do you need Christ as your priest?
A. Because I am guilty of breaking God’s law. (Rom 3:23)
for all have sinned and fall short of the glory of God,
Romans 3:23 ESV
There is none righteous. That is the clear and strong testimony of Scripture for all humanity. All have disobeyed God, and all will face His righteous judgment. Because of this, we cannot keep God’s law, nor can we pay our debt because of our sins.
It just shows that we need Jesus as Priest. He alone lived righteously and fulfilled the requirements of the law. He alone can pay our debt through His infinite blood. We need Him to this day when we come before God the Father. Without Him, no other mediator is sufficient for us, sinners, and for a holy God. Praise be to God alone!
To God be the glory!
Note: This question is #74 in the Children’s Catechism
Originally written in https://hgcbcc.com/2022/01/10/75-bakit-mo-kailangan-si-cristo-bilang-iyong-pari/