Ang ibigin ang Diyos ng buong puso at ang ating kapwa gaya ng ating sarili (Matt 22:37-40).
At sinabi sa kanya, ” ‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo.’ Ito ang dakila at unang utos. At ang pangalawa ay katulad nito, ‘Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.’ Sa dalawang utos na ito nakasalig ang buong kautusan at ang mga propeta.”
Mateo 22:37-40 ABAB
Ang sampung utos ng Diyos ay nagtuturo ng puro at walang bahid na pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa ating kapwa. Ang pag-ibig sa Diyos ay nangangailangan ng ating buong pagka-tao at buhay, nang higit sa anuman o sino pa man sa mundong ito. Ang pag-ibig na ito ay hindi bukang-bibig lamang kundi nararapat na makita sa ating mga gawa, pagsamba sa Kanya at pagtitiwala lamang sa Kanya. Mula dito ay maipapamalas din ng tama ang hindi makasariling pag-ibig sa ating kapwa.
Ang pag-ibig sa kapwa ay hindi natin dapat kaligtaan ngunit hindi rin naman ito dapat mauna bago ang Diyos. Ang pag-ibig sa Diyos at sa tao ay ang kabuuan ng buhay Kristiyano, hindi tayo nilikha para ating sarili, at hindi tayo nilikhang mag-isa lamang.
Ito ay gabay sa mga magulang sa pagtuturo gamit ang Katekismong Baptist para sa mga bata.
English Version
Q.81. What do the Ten Commandments teach?
A. To love God with all my heart, and my neighbor as myself. (Matt 22:37-40)
And he said to him, “You shall love the Lord your God with all your heart and with all your soul and with all your mind. This is the great and first commandment. And a second is like it: You shall love your neighbor as yourself. On these two commandments depend all the Law and the Prophets.”
Mat 22:37-40 ESV
The ten commandments of God teach undivided and undefiled love to God and to our neighbor. Love of God requires our whole being, and life which is more than anything or anyone else in this world. This love is not just verbal but should be seen in our actions, worshipping Him, and trusting in Him alone. From this, unselfish love for our neighbor can also be properly demonstrated.
Love for our neighbors should not be neglected but it should not come first before loving God. Love to God and man is the essence of the Christian life, we were not created for ourselves, and we were not created alone.
To God be the glory!
Note: This question is #80 in the Children’s Catechism
Originally written in https://hgcbcc.com/2022/01/19/81-ano-ang-tinuturo-ng-huling-sampung-utos-ng-diyos/