Isang Nagliliwanag na Ilaw

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Isipin mo na nagte-trekking ka sa gubat ng gabing-gabi at sobrang dilim, ang tanging ilaw mo lang ay isang lantern o flashlight. Paano ka mananatili sa tamang daan? Paano mo malalaman kung saan ka pupunta? Paano mo maiiwasang maligaw?

May ibinahaging pananaw ang may-akda ng Awit 119: “Ang salita mo ay ilawan sa aking mga paa, liwanag sa aking landas” Awit 110:105. 

Ang salita ng Diyos ay tumutukoy sa nakasulat o sinasalitang mensahe ng Diyos na inihayag sa persona ni Hesu-Kristo, na madalas tawaging ang Salita. 

Totoo ang Diyos. Nilalang ka Niya nang may layunin, at dinisenyo Niya ang mundong ito na may iniisip para sa’yo. Kaya, paano mo malalaman kung sino Siya, kung ano ang Kanyang pagkatao, at kung ano ang Kanyang nais mula sa’yo at para sa’yo?

Makikilala mo ang Diyos, mas mauunawaan mo kung sino ka Niyang nilikha, at malalampasan mo ang papadilim na mundong ito sa pamamagitan ng liwanag ng Kanyang Salita. 

Ang salita ng Diyos ay parang ilaw sa iyong kamay, nagliliwanag ng mga katotohanan tungkol sa kwento ng Diyos at sa Kanyang pagkatao. Tinutulungan tayo nitong maunawaan ang Kanyang nilikha at sagutin ang mga mahihirap na tanong o gumawa ng mahihirap na desisyon. 

Ang gabay na matatagpuan sa Salita ng Diyos ay perpekto. Ang Kanyang kwento ay totoo. Ang Kanyang mga tagubilin ay mapagkakatiwalaan. Ang Kanyang mga pangako ay mananatili. Ang Kanyang mga utos ay parang mga sinag ng liwanag na nagbabalik sa atin sa Kanya.

Ngayon, pansinin mo kung ano ang hindi sinasabi ng talata. Hindi nito sinasabi na ang salita ng Diyos ay isang spotlight na ibinubunyag sa lahat ang bawat detalye ng iyong nakaraan, kasalukuyan, o hinaharap. 

Hindi, ang salita ng Diyos ay isang ilawan sa iyong landas. At habang lumalakad ka kasama Siya, hakbang-hakbang, gagabayan ka Niya patungo sa buhay.

This article was translated by Domini Primero, and was originally published on the YouVersion Bible App. 

About YouVersion Bible App https://www.youversion.com/mission/

Domini Primero

Domini Primero

Domini Primero

Domini Primero

Related Posts

Alistair Begg

Walang Kapangyarihan sa Panalangin Mismo

Habang nagdarasal si Jesus sa hardin ng Getsemani noong gabi bago Siya ipako sa krus, Siya ay nababalisa tungkol sa Kanyang nalalapit na tungkulin. Sinasabi

John Piper

Tayo ang Maghahari sa Lahat ng Bagay

Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang umupo na katabi ko sa aking trono, tulad ko na nagtagumpay at nakaupo ngayon katabi ng aking Ama

Jeff Chavez

Perseverance of the Saints 2

The goal of this series is to magnify God’s sovereign grace and to humble man’s pride. This blog post is based on Covenant Reformed Seminary

Jeff Chavez

Perseverance of the Saints 1

The goal of this series is to magnify God’s sovereign grace and to humble man’s pride. This blog post is based on Covenant Reformed Seminary