Tayo ang Maghahari sa Lahat ng Bagay

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ang magtatagumpay ay bibigyan ko ng karapatang umupo na katabi ko sa aking trono, tulad ko na nagtagumpay at nakaupo ngayon katabi ng aking Ama sa kanyang trono. 

(Pahayag 3:21 MBBTAG) 

Ano ba talaga ang ibig sabihin ni Hesus nung sinabi niya ito sa simbahan ng Laodicea?

Makasasama ba talaga tayo ni Jesus sa kanyang trono?

Ito ay isang pangako sa lahat ng mga nagtagumpay, ibig sabihin, sa mga patuloy na nananampalataya hanggang sa dulo (1 Juan 5:4), sa kabila ng lahat ng masakit na pagsubok at tukso ng makasalanang kaligayahan. Kaya kung ikaw ay tunay na naniniwala kay Hesus, makakasama ka sa trono ng Anak ng Diyos na nakaupo sa trono ng Diyos Ama.

Para sa akin, ang “trono ng Diyos” ay sumisimbolo sa karapatan at awtoridad na pamahalaan ang sansinukob. Doon nakaupo si Jesus. “Kailangan siyang maghari,” sabi ni Pablo, “hanggang mailagay niya ang lahat ng kanyang mga kaaway sa ilalim ng kanyang mga paa” (1 Corinto 15:25). Kaya pag sinabi ni Jesus, “Ibibigay ko sa kanya na makasama ako sa aking trono,” ipinapangako niya sa atin ang bahagi sa pamamahala ng lahat ng bagay.

Ito ba ang nasa isip ni Pablo sa Efeso 1:22–23? “Inilagay niya ang lahat ng bagay sa ilalim ng mga paa [ni Cristo] at ibinigay siya bilang ulo sa lahat ng bagay sa simbahan, na siyang katawan niya, ang kapuspusan niya na pumupuno sa lahat sa lahat.”

Tayo, ang simbahan, ay “ang kapuspusan niya na pumupuno sa lahat.” Ano ang ibig sabihin nito? Sa tingin ko, ibig sabihin nito na ang sansinukob ay mapupuno ng kaluwalhatian ng Panginoon (Mga Bilang 14:21). At isang aspeto ng kaluwalhatiang iyon ay ang kumpleto at walang hadlang na pagpapalawig ng kanyang pamumuno sa lahat ng dako.

Kaya, ito ang maaaring ibiga sabihin ng Efeso 1:23: Pinupuno ni Hesus ang sansinukob ng kanyang maluwalhating pamumuno sa pamamagitan natin. Sa ating pagbabahagi sa kanyang pamumuno, tayo ang kapuspusan nito. Namumuno tayo sa ngalan niya, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan, sa ilalim ng kanyang awtoridad. Sa ganitong paraan, kasama natin siyang nakaupo sa kanyang trono.

Tulad nang nararapat, wala sa atin ang nakakaramdam nito. Ito ay sobrang labis — sobrang mabuti, sobrang kahanga-hanga. Kaya’t ipinagdarasal ni Pablo na ang “mga mata ng inyong puso [ay] maliwanagan, upang malaman ninyo kung ano ang pag-asa sa kanyang pagtawag sa inyo” (Efeso 1:18).

Kung wala ang tulong ng Makapangyarihang Diyos ngayon, hindi natin mararamdaman ang kahanga-hangang nakatakda para sa atin. Ngunit kung tayo ay pinagkalooban na maramdaman ito, gaya ng tunay na kalagayan nito, magbabago ang lahat ng ating emosyonal na reaksyon sa mundong ito. Ang mga kakaiba at radikal na utos ng Bagong Tipan ay hindi na magiging kasing kakaiba tulad ng dati.

This article was translated by Fatima Abello and Joshene Bersales, and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/we-will-rule-all-things

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts

John Piper

Ang Mapagbigay ay Nakatatanggap ng Biyaya

Ito ang dahilan kung bakit lagi namin kayong ipinapanalangin. Dalangin namin na tulungan sana kayo ng Dios na mamuhay nang karapat-dapat bilang mga tinawag niya.