Nais Naming Makita si Jesus

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

“Ginoo, nais naming makita si Jesus.” Hindi nila alam kung gaano kabuti ang kanilang sinalita — hindi lamang para sa ganang mga sarili, kundi para na rin sa kapakanan ng buong sangkatauhan.

Iniulat sa John 12:20 na “ang ilang Griyego” ay dumating upang sumamba sa Jerusalem para sa natatanging Passover na iyon na humahantong sa pagpapako kay Jesus sa krus. Nilapitan nila ang kanyang disipulong si Philip, na sinabi sa isa pang disipulo, si Andrew. Magkasamang lumapit ang dalawa sa kanilang Panginoon na dala ang kahilingan ng mga Griyego na “makita Siya” — kung saan ibinigay ni Jesus ang kagila-gilalas ngunit hindi inaasahang tugon na ito:

“…Dumating na ang oras upang dakilain ako na Anak ng Tao. Sinasabi ko sa inyo ang totoo, malibang mamatay ang isang butil ng trigong itinanim sa lupa, mananatili itong nag-iisa. Ngunit kung mamatay, tutubo ito at mamumunga nang marami.” (John 12:23, 24 ASND)

Hindi iyon ang sagot na inaasahan nila — ng mga disipulo o mga Griyego. Ngunit ang hangarin nilang makita si Jesus ay hindi tinanggihan kundi ibinaling sa ibang direksyon. Kahanga-hanga itong hangarin, napakalalim — at kung mananatili sila sa Jerusalem sa buong linggo, hindi magtatagal ay makikita nila ang pinakamahalagang tanawin na ukol sa kanya, ang pagkadurog ng katawan niya. Dumating na ang Kanyang oras upang “dakilain” — na hindi nangangahulugang hahantong sa pagbagsak ng Roma at agawin ang kapangayarihan nito, kundi pagaalay ng kanyang buhay. Tulad ng isang butil ng trigo, hindi siya magbubunga maliban kung siya ay mamatay muna.

Tunay ngang makikita siya ng mga Griyego, at masusulyapan ang isang tanawin na higit pa sa inaasahan o inaakala nila — mas kakila-kilabot, at mas kamangha-mangha. Masasaksihan nila ang lalim ng kanyang pagpapakumbaba na magpapatunay na siya mismo ang tayog ng kaluwalhatian ng taong tunay na ipinangakong tagapagmana ni David sa trono, sa isang pangyayari na makakabigla at di-inaasahan.

At kapag nakita nila siya, sa kanyang banal at kanyang kahusayang pangtao, nagkakaisa sa isang katauhan, na nagtatapos sa krus at sa mga kaganapang pagkatapos nito-mapapasakanila ang lahat ng kanilang hiniling at higit pa sa kahilingan na kanilang ginawa na nagpapahayag ng pinakamalalim na pananabik sa bawat puso ng tao.

Walang Katapusang Abyss

Kilalang isinulat ni Blaise Pascal sa kanyang Pensees ang “walang-hanggang abyss” sa kaluluwa ng tao na sinisikap nating punuin ng lahat ng kamangha-mangha at ng pinakamatinding bagay na nais ihain ng mundong ito.

Minsan ay may isang tunay na kaligayahan sa tao na mananatili sa kanya na ngayon mga palatandaan at bakas na lamang, na walang pag-asang sinisikap niyang punuin mula sa lahat ng nasa kanyang paligid, na naghahangad ng tulong na hindi niya matatamo sa mga bagay-bagay sa kasalukuyan. Ngunit lahat ng ito ay hindi sapat, dahil ang walang-hanggang abyss (kalaliman) ay mapupuno lamang ng isang walang katapusan at di-matitinag na bagay, ibig sabihin, tanging sa pamamagitan lamang ng Diyos mismo.

Gayundin ang dakilang Augustine, mahigit labindalawang centuries bago si Pascal, ay binanggit ang napakalaki at di maitatangging kabalisaan ng puso ng tao, hanggang sa matagpuan nito ang kapahingahan sa Diyos: “Ginawa ninyo kami para sa inyong sarili, O Panginoon, at ang aming puso ay walang kapahingahan hanggang sa ito ay magpahinga sa Inyo.”

Si Moises, na nagsisikap na gamitin ang kahanga-hangang pabor ng Diyos sa kanya, ay napakatapang na humiling na makita ang kaluwalhatian ng Diyos. Pinahintulutan siya ng Diyos ng isang sulyap sa ningning ng banal na kagandahan, hindi sa kanyang mukha, at hindi nagreklamo si Moises. Ngunit ang kasaysayan ng pagtubos (redemptive history) ay hindi ginawa sa Sinai. Magdadaan pa ang ilang centuries. Ang kaharian ay itatatag sa lupa, at lulubog. May mga hari na babangon at babagsak, at ang bansang kasama nila. At ang Ebanghelyo ni John rin iyon kung saan ipinahayag ng mga Griyego ang kanilang pagnanais na makita si Jesus ay nagbukas sa isa sa mga pinakakahanga-hangang pag-papahayag:

“At nagkatawang-tao ang Verbo (Salita), at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.” (John 1: 14, ADB1905)

Ang hangaring makita si Jesus ay mas kamangha-mangha kaysa sa iniisip na mangyari ng mga Griyegong ito. Gusto nilang mamangha sa presensya ng isang taong dakila. At ang nakuha nila sa halip ay ang inaasahang makalangit na pangitain na matatanggap ni apostol John habang nasa pagka-exile sa isla ng Patmos.

Masdan ang Leon

Sa pangitain ni John, walang sinuman sa langit, o sa lupa, o sa ilalim ng lupa, ang sa una ay natagpuang karapat-dapat na buksan ang scroll ng mga banal na utos ng Diyos ng paghatol (para sa kanyang mga kaaway) at kaligtasan (para sa kanyang mga anak). Nang maramdaman ang bigat at kahalagahan ng sandal iyon, nagsimulang umiyak si John — marahil ay iniisip pa nga ang kanyang Panginoon, ang nag-disipulo sa kanya, ang Siyang inalayan niya ng kanyang buhay bilang saksi, ay hindi karapat-dapat. Ang isa sa mga matatanda ng langit ay bumaling sa kanya, at ipinahayag, sa Revelations 5:5 (Ang Salita ng Diyos),

“Sinabi ng isa sa mga matanda sa akin: Huwag kang tumangis. Narito, ang leon na mula sa lipi ni Juda at ang ugat ni David ay nagtagumpay upang buksan ang balumbon at luwagan ang pitong selyo nito.”

Matapos marinig ang mabuting balita, lumingon si John para tingnan — at ano ang nakikita niya? Hindi isang leon. Sinabi niya sa talatang anim:

“At nakita ko…ang isang Cordero na nakatayo, na wari ay pinatay, na may pitong sungay, at pitong mata…”

Maaaring mali ang palagay natin na ito ay kabiguan, na si John, na narinig ang “Leon,” ay dumanas ng kaunting pagkadismaya nang makita ang isang Kordero. Ngunit hindi ganoon ang pag-uulat ni John. Ang Kordero na ito ay hindi kawalan. Ang Kordero ay pakinabang. Ang isa na idineklara lamang na karapat-dapat ay ang Leon ng Judah. Siya rin ang Kordero na pinatay. Ang Leon ay naging Kordero at ito ay hindi hihinto sa pagiging Leon. Hindi niya itinapon ang kanyang mala-leon na kaluwalhatian, ngunit idinagdag sa kanyang kadakilaan ang kahusayan ng Kordero. Siya ay isang Kordero na nakatayo — hindi patay, hindi nanglulupaypay, hindi nakaluhod, ngunit buhay at handa — na may ganap na kapangyarihan (“pitong sungay”), nakakakita at naghahari sa lahat (“at pitong mata”).

Gayon din para sa mga Griyego sa John 12 na gustong makipag-usap sa sinasabing Messiah at Leon ng Judah. Anuman ang pagkabigo na naranasan nila sa sandaling hindi natupad ang kanilang agarang kahilingan, at anumang mga pagkabalisa ang kanilang naranasan noong Biyernes Santo habang sila ay nanonood nang may takot, nagbago ang lahat sa ikatlong araw. Pagkatapos ang kanilang kahilingan, at masidhing na pagtatanong, ay nasagot higit pa sa kanilang inaakala — hindi lamang Messiah, kundi ang Diyos mismo, ang mismong Leon ng langit. At hindi lamang banal, kundi ang idinagdag na mala-tupa na kaluwalhatian ng ating sariling laman at dugo, at ang dugo ding iyon ay dumanak upang hindi lamang magpakita sa atin ng kaluwalhatian kundi mag-imbita sa atin – Hudyo at Gentil, Griyego at Barbaro.

Tumingin Kay Jesus

Tila sadyang isinaad nang malinaw, ang may-akda ng Hebrews ay nagbibigay ng malalim na direksyon para sa kaluluwa ng tao nang sabihin niya, “Isaalang-alang si Jesus”. Hindi ito minsanang panghihikayat, kundi patuloy na payo, para sa araw-araw at bawat sandali. At muli, napapaloob pa rin sa kanyang sulat, na nagbibigay-pansin sa dakilang ulap ng mga saksi, ang Hebrews ay nag-uutos sa atin na “isaisangtabi ang bawat bagay na humahadlang sa atin at ang kasalanang napakadaling bumalot sa atin.” at “Takbuhin nating may pagtitiis ang takbuhing inilaan sa atin. “ (Hebrews 12: 1, Ang Salita ng Diyos) na tumitingin kay Jesus, “na gumawa at sumakdal ng ating pananampalataya” (Hebrews 12: 2, Ang Dating Biblia (1905). Walang papantay sa kapangyarihan ng pagtingin kay Cristo. Tulad ng sasabihin mismo ni Jesus, sa John 14:9 (ASND), sa kahilingan ni Philip na kapareho sa kahilingan ng mga Griyego: “Ang nakakita sa akin ay nakakita na rin sa Ama.”

Si Paul din, sa isang mayamang pagpapala sa 2nd Corinthians 4, ay ipagdiwang, at pinapurihan, ang walang kapantay na kaluwalhatian ng pagtingin kay Kristo. “At ang kaluwalhatiang iyan na nagmumula sa Panginoon, na siyang Espiritu, ang siyang magbabago sa atin mula sa isang antas ng kaluwalhatian hanggang tayo’y maging kalarawan niya ( 2nd Corintians 3: 18, Magandang Balita Biblia).” Ang hindi nanamampalatayang mga mata ay bulag sa “Magandang Balita tungkol sa kapangyarihan ni Cristo, na siyang larawan ng Dios (v. 4, ASND).” Subalit tayo, sa pamamagitan ng awa ng Diyos, ay may mga mata ng puso na nabuksan sa “liwanag ng pagkakilala sa kaluwalhatian ng Dios sa mukha ni Jesucristo. (v. 6, Ang Dating Biblia, 1905).

Maaari nating makita dito ang hayag na Christocentrism ng Bagong Tipan, at isang uri ng wastong asymmetrical trinitarianism sa pananampalatayang Kristiyano – “ang pagbubulay-bulay sa Trinity sa pamamagitan ng isang Christological na lente,” gaya ng isinulat ni Dane Ortlund, “at si Cristo sa pamamagitan ng isang Trinitarian na lente.” Nais naming makita si Jesus. Siya ang susi sa pagpapakahulugan sa Bibliya, ang tugatog ng kasaysayan, at sentro sa pangangaral ng Kristiyano, pag-eebanghelyo, at pagpapabanal, kaya’t itinuon natin ang ating mga mata sa kanya. Ang Biblikal na Trinitarianism ay hindi pumipigil sa atin na magkaparehas na hatiin ang ating atensyon at tumuon sa bawat isa sa tatlong banal na Persona, ayon sa modernong mga ideya ng pagiging patas, balanse, at pagkakapantay-pantay. Ang Bagong Tipan ay malayo sa “patas” sa ganitong paraan. Bagkus, bilang mga tao sa ating sarili, tumatanggap tayo ng kakaibang sentralidad ng God-man, bilang isang Persona ng Godhead na lumapit dito na katulad ng atin sariling laman, kinuha ang ating sariling kalikasan, na walang pagbabawas ng Ama o Espiritu, ngunit tiyak na ayon sa kanilang plano at gawain upang ituro ang atensyon kay Hesus.

“Ginoo, nais naming makita si Jesus” ay magiging isang masayang chorus na dapat umalingaw-ngaw sa mga mahahalagang yugto ng buhay Kristiyano. Bago ang devotion sa umaga sa Bibliya: “Nais kong makita si Jesus.” Bago makipag-usap sa mga hindi mananampalataya: “Nais kong makita nila si Jesus.” Para sa mga pastor, na naghahanda sa pangangaral, isipin ang mga salitang ito sa mga labi ng ating mga miyembro: “Ginoo, nais naming makita si Jesus.”

Ginawa Para sa Kanya

Tunay ngang tayo ay ginawa para sa Diyos — na may walang-katapusang abyss na tanging siya lamang ang makakapuno, na may nababalisang kaluluwa na ang Diyos lang ang tanging hinahanap. At lalo na, tayo ay ginawa para sa God-man – para sa kadakilaan ng Diyos na siya mismo na lumalapit, sa ating sariling laman at mga kalagayan, sa katauhan ni Kristo. Ang mala-leong kadakilaan ng Diyos sa kanyang banal na kaluwalhatian ay pinatamis, pinalalalim, at binibigyang diin ng kanyang mala-korderong pagiging malapit at may makataong kahusayan. At ang kanyang mga kaluwalhatian bilang mapagpakumbaba, maamo, mapagsakripisyo na Kordero ay pinagyayaman at dinadakila na katulad ng mala-leon na tatag at karangalan.

Nais naming makita si Jesus — kilalanin siya bilang dakila at malapit, at tamasahin siya magpakailanman.

This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by David Mathis of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/we-wish-to-see-jesus

David Mathis

David Mathis

David Mathis is executive editor for desiringGod.org and pastor at Cities Church in Minneapolis/St. Paul. He is a husband, father of four, and author of The Christmas We Didn’t Expect: Daily Devotions for Advent.
David Mathis

David Mathis

David Mathis is executive editor for desiringGod.org and pastor at Cities Church in Minneapolis/St. Paul. He is a husband, father of four, and author of The Christmas We Didn’t Expect: Daily Devotions for Advent.

Related Posts

Jeff Chavez

The Ingredients of Prayer I: Adoration

Pray then like this: “Our Father in heaven, hallowed be your name.Matthew 6:9 ESV ADORATION is loving worship of God and verbal delighting in God.

Jared C. Wilson

Si Jonas at ang Hustisya ng Krus

“Sinabi ng Dios sa kanya (Jonas), “May karapatan ka bang magalit dahil sa nangyari sa halaman?” Sumagot siya, “Oo, mayroon akong karapatang magalit, kaya mas