Ano ang Ginawa ni Hesus para sa Kamatayan

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Itinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom. 28 Gayundin naman, si Cristo’y minsan lamang inihandog upang pawiin ang mga kasalanan ng mga tao. Siya’y muling darating, hindi upang muling ihandog dahil sa kasalanan, kundi upang iligtas ang mga naghihintay sa kanya. (Hebreo 9:27–28 MBBTAG)

Ang kamatayan ni Hesus ay nagpapasan ng mga kasalanan. Ito ang mismong puso ng Kristiyanismo, ang puso ng ebanghelyo, at ang puso ng dakilang gawa ng Diyos sa pagtubos sa mundo. Nang mamatay si Kristo, pinasan niya ang mga kasalanan. Kinuha niya ang mga kasalanang hindi sa kanya. Nagdusa siya para sa mga kasalanang ginawa ng iba, upang Sila ay makalaya mula sa kasalanan.

Ito ang sagot sa pinakamalaking problema sa iyong buhay, kahit na hindi mo ito maramdaman bilang pangunahing problema. Mayroong  sagot kung paano tayo makakasundo sa Diyos sa kabila ng pagiging makasalanan. Ang sagot ay ang kamatayan ni Kristo bilang handog “upang pasanin ang mga kasalanan ng marami.” Inangat niya ang ating mga kasalanan at dinala ang mga ito sa krus at doon namatay ang kamatayang nararapat nating danasin.

Ngayon, ano ang ibig sabihin nito para sa aking kamatayan? “Itinalaga sa akin  na mamatay minsan.” Ibig sabihin, ang aking kamatayan ay hindi na parusa. Hindi na parusa para sa kasalanan ang aking kamatayan. Ang aking kasalanan ay inalis na. Ang aking kasalanan ay “inaals” sa pamamagitan ng kamatayan ni Kristo. Si Kristo ang tumanggap ng parusa.

Bakit pa ako mamamatay? Dahil nais ng Diyos na manatili ang kamatayan sa mundo sa ngayon, kahit sa kanyang sariling mga anak, bilang patuloy na patotoo sa matinding kasuklam-suklam ng kasalanan. Sa ating pagkamatay, ipinapakita pa rin natin ang panlabas na epekto ng kasalanan sa mundo.

Ngunit ang kamatayan para sa mga anak ng Diyos ay hindi na galit ng Diyos laban sa kanila. Ito ay naging daan na natin sa kaligtasan at hindi sa pagkondena.
This article was translated by Fatima Abello and was originally written by John Piper of Desiring God. To read the original version, click https://www.desiringgod.org/articles/what-jesus-did-to-death

John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.
John Piper

John Piper

John Piper (@JohnPiper) is founder and teacher of desiringGod.org and chancellor of Bethlehem College & Seminary. For 33 years, he served as pastor of Bethlehem Baptist Church, Minneapolis, Minnesota. He is author of more than 50 books, including Desiring God: Meditations of a Christian Hedonist and most recently Providence.

Related Posts

John Piper

Ang Pagsubok na Nagpaaalala

21 Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na 22 ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit

John Piper

Paano Paglingkuran ang Masamang Amo

Maglingkod kayo nang masaya ang kalooban na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. 8 Sapagkat alam ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang bawat

John Piper

Ang Lunas sa Pagmamataas

Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at ganoong bayan at isang taon kaming mananatili roon, mangangalakal kami

Alistair Begg

Pag-ibig sa Gawa

Minamahal, huwag kayong maghiganti, kundi ipaubaya ninyo ito sa poot ng Diyos, sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Sa halip,