“Sinabi ng Dios sa kanya (Jonas), “May karapatan ka bang magalit dahil sa nangyari sa halaman?” Sumagot siya, “Oo, mayroon akong karapatang magalit, kaya mas mabuti pang mamatay na lang ako.” Sinabi sa kanya ng Panginoon, “Nanghinayang ka nga sa halamang iyon na tumubo sa loob lamang ng isang gabi at nalanta rin agad sa loob din ng isang gabi, kahit na hindi ikaw ang nagtanim o nagpatubo.”
–Jonas 4: 9-10, (ASND, Tagalog Contemporary Bible)
Walang ginawa si Jonas para makuha ang halamang iyon; ito ay malayang ibinigay sa kanya. At siya ay umasta na para bang karapat-dapat siya rito, parang kinita niya ito sa anomang kaparaan. Si Jonas ay kumikilos nang nagmamatuwid sa kanyang sarili. Siya ay higit na nag-aalala tungkol sa kanyang pagiging kumportable, na sa palagay niya ay karapat-dapat siya, kaysa sa ideya ng mga napapariwarang tao na mapupunta sa impiyerno, na sa palagay niya ay siya mismo ay hindi.
Isipin sandali, ano kaya kung tinatrato tayo ng Diyos sa paraang madalas nating nais itrato sa iba. Isipin atin na kung ano kaya kung tinatrato tayo ng Diyos sa paraan ng pakikitungo natin sa iba. Malamang, magkakaroon tayo ng problema, hindi ba?
Si Jonas ay may matinding ideya sa katarungan, ngunit ito ay baluktot. Hindi ba mali para sa Diyos na mahalin ang hindi karapat-dapat? Ang sagot ay hindi, una dahil hindi maaaring maging hindi makatarungan ang Diyos. Lahat ng ginagawa niya ay makatarungan, dahil siya ay isang makatarungang Diyos. At ang Diyos ay esensyal na banal ngunit siya rin ay nasa at sa kanyang sarili na pag-ibig. Sinasabi sa atin ng 1 Juan 4:8 iyan.
Ngunit hindi rin mali para sa Diyos na patawarin ang mga makasalanan dahil may plano ang Diyos para sa kaparusahan sa kanilang kasalanan. Si Jonas ay naging buhay na halimbawa nito sa pamamagitan ng pananatili niya ng tatlong araw sa isda na iyon. Sinabi ni Hesus sa Mateo 12:40 Sapagkat kung paanong si Jonas ay nasa tiyan ng malaking isda ng tatlong araw at tatlong gabi, gayundin ang Anak ng Tao ay mananatili sa puso ng lupa ng tatlong araw at tatlong gabi.
At si Jesus ang naging taong tumalon sa mabagyong dagat ng kaparusahan upang panatagin ang poot ng Diyos laban sa atin. At sa halip na tumakbo palayo sa plano ng Diyos para sa kapatawaran ng mga taong hindi karapat-dapat dito, si Jesus, ang tanging taong walang kasalanan na nabuhay, ay tumatakbo patungo sa mga nangangailangan ng pagpapatawad,handang magmahal, handang mamatay, handang magligtas.
Hindi mali para sa Diyos na patawarin ang mga makasalanan dahil pinarurusahan niya ang kanilang kasalanan – sa pamamagitan lamang ng paglalagay nito sa kanyang nag-iisang anak na si Jesus.
Ito lamang ang ating dalawang pagpipilian, dahil ang Diyos ay makatarungan – maaring tanggapin mo ang parusa para sa iyong kasalanan, sa walang hanggang pagdurusa sa lugar na tinatawag na impiyerno, o si Cristo ang tumanggap nito para sa iyo sa krus.
Pinili ng mga Kristiyano ang krus. Ang lugar kung saan naroon ang awa at katarungan. Ang krus – ang pinakadakilang patunay na ang Diyos ay totoo, malalim, lubos na nagmamahal sa mga makasalanan tulad mo at sa akin.
Kung nauunawaan lamang ni Jonas ang malalim na pag-ibig na ito ng Diyos! Gayunpaman, natuklasan niya ito na humahawak sa kanya, kahit nagpupumiglas at nagsisisigaw pa siya.
Natutuklasan niya na ang pag-ibig ng Diyos ay hindi malalampasan. Hindi ito kayang tabunan ng kanyang kasalanan. Kung gusto ka niya, makukuha ka niya. Siya ay Diyos. At ang kaniyang maibiging-kabaitan, sabi ng Bibliya, ay nananatili magpakailanman.
Sinabi ni Charles Spurgeon, “Pagkatapos ng sampung libong kasalanan ay mahal ka niya nang walang hanggan gaya ng dati.”
Siya ay tunay na magandang-loob at mahabagin na Diyos, mabagal sa pagkagalit, nananagana sa tapat na pag-ibig, at handang magbago ng isip sa pagpapadala ng kapahamakan (Jonas 4:2).
Kaya ang pagtakas sa kanya ay, sa katunayan, pagtakbo papunta sa kapahamakan. Kung patuloy mong binabalewala siya, lumalakad ka sa iyong sariling pamamaraan, ikaw ay patungo sa iyong sariling pagkawasak.
Sa halip, tumakbo ka sa kanya. Tumakbo ka sa kanya. Ngayon na! Kung gagawin mo ito, hindi mo makikita ang isang napopoot, galit, humahatol na Diyos kundi isang mapagmahal, maawain, at nakangiting Ama. Ang kanyang pag-ibig ay maaaring darating para sa iyo sa sandaling ito. Huwag tumakas. Hindi mo naman kaya. Sumuko ka na lang.
Pagsisihan mo ang iyong kasalanan. Tumingin kay Hesus na namatay sa krus at bumangon mula sa mga patay at sumailalim sa lilim ng kanyang pag-ibig, na hindi kailanman masisira ng uod o ng libingan. Tatakpan Niya ikaw ng kanyang pagmamahal magpakailanman.
Ang kuwento ni Jonas sa katunayan ay higit na patunay na, maniwala ka man o hindi, mahal ng Diyos ang mga makasalanan.
This article was translated by Nitoy Gonzales and was originally written by Jared Wilson for The Gospel Coalition. To read the original version, click https://www.thegospelcoalition.org/blogs/jared-c-wilson/jonah-and-the-justice-of-the-cross/