Ang Malaking Tukso

share

Share on facebook
Share on twitter
Share on telegram

Ang malaking tukso sa panahon na ito ay i-edit ang Bibliya, tanggalin ang talatang ito, i-tweak ang isa … lahat sa ngalan ng pagiging makabuluhan sa kasalukuyang kultura. Tutal, nagbago na ang mga bagay-bagay simula nang isulat ito ng napakaraming taong lumipas. Iyan ang malaking tukso.

Nakikita mo ito sa lahat ng oras, hindi ba? Ang mundo ay napakalayo na mula sa mabuti at perpekto at mapagmahal na kalooban ng Diyos kung kaya’t ang mga tao ay talagang pinalakpakan ang kasamaan at likong gawi. At, sa kanilang pagpapakasama, iginigiit nilang sumunod sa kanila ang mga Kristiyano. May mga iba na nagsisunod na. Sa katunayan malaking bahagi ng church ang tumalima na.

Ganito ang sinabi ni Heneral Andre Cox, ang dating pinuno ng Salvation Army:

Huwag magpadaya sa nakikita at naririnig mo sa mundong ito. May mga tinig na nag-aanyaya sa atin ngayon na magsulat ng sarili nating theology … Napakaraming tao ngayon ang nag-iinterpret sa Bibliya upang umangkop sa kanilang mga personal na kagustuhan at pagnanasa na sa tingin ko ay hindi magtatagal bago natin makita na ang Banal na Kasulatan ay magbibigyang-katwiran ang alinman sa ating mga pagkakasala. Ang Bibliya ay ang tiyak na awtoridad para sa pamumuhay Kristiyano.

Sinabi ni Charles Spurgeon ang ganito:

Hindi church ang magtatakda kung ano ang itinuturo ng Bibliya, ang Bibliya ang nagtatakda kung ano ang dapat ituro ng church.

At sinabi ng Diyos ito :

2 Timothy 3:16,17 (Magandang Balita Biblia) Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos, at kapaki-pakinabang sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagsaway sa kamalian, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, upang ang lingkod ng Diyos ay maging ganap at handa sa lahat ng mabubuting gawain.

Nakakatiyak ako na sa araw ng paghuhukom,  na napakaraming tao na nakatayo sa harap ng Diyos na magnanais na sila ay biblikal na tama, sa halip na umaayon sa kung ano ang tanggap ng lipunan. Huwag mahulog sa malaking tuksong ito.Matthew 24: 35 (Ang Salita ng Diyos) Ang langit at ang lupa ay lilipas ngunit kailanman ay hindi lilipas ang aking mga salita.

Driven By The Gospel

Driven By The Gospel

Driven By The Gospel is a platform for Christian resources specifically curated for Filipinos. We are Driven by the Master, Driven by the Message, and Driven by the Mission.
Driven By The Gospel

Driven By The Gospel

Driven By The Gospel is a platform for Christian resources specifically curated for Filipinos. We are Driven by the Master, Driven by the Message, and Driven by the Mission.

Related Posts

John Piper

Ang Pagsubok na Nagpaaalala

21 Pero nanunumbalik ang pag-asa ko kapag naaalala ko na 22 ang pag-ibig at awa ng Panginoon ay walang katapusan. Iyan ang dahilan kung bakit

John Piper

Paano Paglingkuran ang Masamang Amo

Maglingkod kayo nang masaya ang kalooban na parang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao. 8 Sapagkat alam ninyong gagantimpalaan ng Panginoon ang bawat

John Piper

Ang Lunas sa Pagmamataas

Makinig kayo sa akin, kayong nagsasabi, “Ngayon o bukas ay pupunta kami sa ganito at ganoong bayan at isang taon kaming mananatili roon, mangangalakal kami

Alistair Begg

Pag-ibig sa Gawa

Minamahal, huwag kayong maghiganti, kundi ipaubaya ninyo ito sa poot ng Diyos, sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” Sa halip,